Chapter 3

7.9K 84 33
                                    

Matagal ng nakaalis ang Ninong Neil ni Jasona ng mapagtuunan uli niya ng pansin ang folder sa ibabaw ng mesa niya. Pinirmahan na niya ang approval para sa board and lodging allowance ng mga ito habang nasa Manila sila. Isa isa uli niyang binasa ang mga informations tungkol sa mga trainee nila. Tumawag ng pansin sa kanya ang simple pero charming na mukha ng isa. Binasa ang pangalan nito at ang mga informations tungko. sa kanya. Base sa nabasa niya, mukhang isa siya sa pinakabata pero pinaka maganda ang report tungkol sa kanya. Maging ang academic records nito ay impressive.

Hindi nagsayang ng panahon ang binata at tinawagan ang namamahala sa training na yun. Sinabi niyang kung pwedeng ang trainee na mapunta sa kanya ay ang nagngangalang Sarah.

Samantala, kadarating lang ni Sarah sa Maynila. Nagpahatid siya sa 2 bedroom condo ng Ninang Ana at ng asawa nitong ex pat. Hindi pumayag ang mga itong hindi siya duon tumuloy. Maganda daw na duon siya tumuloy para kahit paano ay mas mapakinabangan nila ang property na binili nila nuong bagong balik palang galing ng Hawaii ang mga ito. Hindi nila ini expect na magugustuhan ng asawa ng Ninang niya ang buhay sa probinsya kaya na naging dahilan kung bakit sa probinsya na sila mas madalas mamalagi kesa sa orihinal na balak nilang sa Maynila manirahan.

Nakaramdam ng lungkot si Sarah ng maalala ang ina. Mabibilang ang mga pagkakataong napapawalay siya sa ina ng matagal tagal. Yun ang dahilan kaya sa probinsya rin siya nagkolehiyo dahil pakiramdam niya, hindi siya tatagal na mapalayo sa ina. Ganoon sila ka close sa isat isa. Malungkot na nagtuloy si Sarah sa kwarto ng condo,lihim siyang nagpasalamat sa ninang niya dahil alam na alam niyang tinawagan nito ang cleaning lady niya dahil malinis at maayos ang unit kahit na ilang buwan na ring hindi ito natitirhan. Hindi na siya magtataka kung puno din ang fridge ng mga paborito niyang pagkain at ang pantry, ng mga paborito niyang inumin at meryenda.

Naalala din niya ng bilin ng mama niya,"kung sakali anak, give him a chance, hindi naman niya kasalanan na hindi siya naging bahagi ng buhay ng napakaraming taon. Alalahanin mo na hindi niya alam ang tungkol saiyo."

A stab of paiin erupted inside her chest. Visions of her supposed to be grandparents talking to her Mama, telling he to stay away from her father. Sarah felt the overwhelming anger towards her grandparents. 'Papatunayan ko sainyo na hindi namin kailangan ang yaman ninyo." Bulong ni Sarah sa sarili. Nabuhay akong masaya, naramdaman ko ang pagmamahal ng isang ama sa taong tinuring akong higit pa sa isang tunay na anak, tama na yun kumbinsi ni Sarah sa sarili. Pinapanalangin niya na sana hindi magtagpo ang landas nila ng tunay na ama.

Pagbaba pa lang ni Sarah ng taxi sa harap ng NEC Building, hindi niya maiwasan ang malula sa taas ng building. Sobrang laki at taas nito. Tiningala niya ito at hinulaan kung ilang palapag kaya yun at kung sino ang ang nasa top floor. Hindi man niya aminin, nakakaramdam siya ng pagmamalaki na may dugo siya ng mga nagmamay ari ng kumpanyang pagtra trabahuhan niya.

Pagpasok niya, sa building ay tuloy tuloy siya sa elevator. Alam na niya kung saang floor siya dapat mag report. May nakasabay siyang dalawang lalaki, hindi nalalayo sa edad niya ang isa. Nagkatinginan sila ng binigyan siya nito ng space pagpasok niya. Nginitian niya ito na ngumiti din naman sa kanya. Paglabas niya ay kasunod din niyang lumabas ang lalaki.

"Mukhang iisa ang pupuntahan natin Miss." Nakangiting sabi nito ng mapansing napalingon sa kanya si Sarah.

Nakangiting nagkibit ng balikat si Sarah. "Oo nga, dito ka ba nagtratrabaho?"

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon