Chapter 32

7K 91 31
                                    

Nagtaka si Sarah ng tumango lang si Jason ng sabihin niyang sasabay siya kina Laarni at Will mag lunch. Pagbalik niya ay wala na si Jason. Malinis na ang mesa nito. Mukhang hindi na ito babalik ng hapong yun. Nakaramdam ng lungkot ang dalaga. Tiningnan niya ang schedule nito kahit alam na alam naman niyang wala itong commitment or ka meeting ng hapong yun. Akala lang niya ay madadatnan pa rin niya ito sa office. Sa tutuo lang parang dis appointed nga siya ng hindi man lang tumutol ang binata ng sabihin niyang kina Laarni siya sasabay mag lunch.

 

Tuwing tutunog ang telepono ay umaasa siyang si Jason ang tumatawag. Nakakaramdam na ito ng pagkainis ng malapit ng mag uwian ay hindi pa rin niya alam kung nasaan ang binata. Ayaw naman niyang tawagan ito dahil wala namang dahilan para istorbuhin niya ito kung saan man ito naroroon.

 

Tinawagan niya ang Mama niya mid afternoon para kumustahin at sabihin na rin tuloy na may mga kaibigan siyang kasamang uuwi. Sinabi niyang matutulog ang mga ito sa condo niya, bonding time nila ng mga bagong kaibigan.

 

Natuwa naman ang Mama niya at sinabing ipagluluto sila ng  dinner at gusto din daw nitong makilala ang mga bagong kaibigan ng anak. Duon daw sila magluluto ni Aling Remy sa place ng Papa niya pero dadalhin nila sa place ni Sarah pag naluto na. “Umalis ang Papa mo after around 10 pero babalik daw in time for dinner then lalabas na naman daw dahil guest daw siya sa  Bandila. Siyanga pala, alam mo ba bakit tumatawag si Jason sa akin? Sabi ng Papa mo number daw ni Jason yung tumatawag eh. Na miss ko kasi.”

 

Natawa si Sarah. Tutuo nga palang nag try itong tawagan ang Mama niya. “Hayaan nyo na lang yun Ma, may gusto lang daw sabihin sainyo pero hindi naman ganoon ka importante yun.”

 

“Ano nga yun?” Nag aalalang tanong pa rin ni Lena.

 

“Gusto po yatang ipaliwanag sainyo na hindi naman incest kung manligaw man siya sa akin o kung magkaroon man kami ng relasyon. Biniro ko po kasing sinabi ninyong incest kung manliligaw siya sa akin.”

 

“Sarah, sinabi ko naman na saiyo na binibiro lang kita di ba? Bakit mo naman sinabi pa kay Jason.”

 

“Nakatuwaan ko lang Ma, nagsisi nga din ako kasi parang nasira ang buong umaga niya dahil duon , nahiya naman akong bawiin agad.”

 

“Ikaw na bata ka, yang pagka pilya mong yan isang araw ipapahamak ka niyan.”

 

“Pinipili ko lang naman ginaganoon ko Ma, saka hindi ko naman akalain na didibdibin niyang masyado yung biro kong yun.”

 

“Anak, huwag mong ginagawang biro ang damdamin nung tao. Gaya ng sabi ko saiyo kagabi, malay mo siya na pala yung hinihintay mo. Alalahanin mo hindi na si Miguel yang binibiro mo. Si Miguel , alam na alam na nun , kung nagbibiro ka , isang tingin nya lang saiyo. Yang si Jason, mukhang seryoso.”

 

“May pagka pikon nga Ma pero maparaan. Akalain mo yun tinawagan ka talaga.”

 

“Diyan mo makikita kung desidido talaga ang isang lalaki. Yung mag iisip talaga ng mga paraan para lang mapalapit sa taong nagugustuhan nila. Ganyan din ang Papa mo nuon kaya nga nagpakalayo layo ako. sumama ako sa Ninang Ana sa Isabela.”

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon