Chapter 41

6.7K 96 50
                                    

"May balita na ang susunduin mo daw dito sa airport ay ang babaeng malapit sa puso mo. Gaano ito katutuo?" Tanong ng isang reporter kay Miguel Sy

Mababakas sa mukha nito ang pagka irita. alam niya hindi magiging masaya si Sarah pag nakita ang reporters na nanduon. Gusto nitong murahin kung    sino man ang nagkalat sa mga local reporters na nanduon siya.

"Talagang malapit siya sa puso ko, sa puso ng pamilya ko. Kababata ko siya, isa sa pinakamalapit kong kaibigan." Pigil na pigil ang pagkainis sa boses ng binata.

"May nakapagsabi na ang susunduin mo daw na malapit sa puso mo ay ang anak ni Neil Emerson Co Jr, may ari ng malalaking malls at resorts hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi sa buong Asia din. Tutuo bang si Sarah Geronimo - Co ang susunduin mo?" Tanong ng isa pang reporter.

Gustuhin mang ipagkaila ni Miguel ay wala siyang magawa kung hindi sabihin ang tutuo. "Siya nga, matagal na kaming magkaibigan, hindi pa man siya kilala bilang anak ni Tito Neil. Kababata ko siya."

"Tutuo ba ang balitang magpapakasal na kayo? Magpapakasal na ba kayo pagkatapos ng eleksyon?" singit ng isa pang reporter.

Natawa ng malakas si Miguel. Patay na naman siya kay Sarah. "Sinong may sabing magpapakasal na ako? Gusto ba ninyong mawalan agad agad ako ng pag asa sa kanya? Biruan lang po namin yung sinasabi kong siya ang pakakasalan  ko. Ang tutuo po, magkaibigang matalik lang kami sa ngayon."

"Sa ngayon? So , ang ibig sabihin nanliligaw ka talaga sa kanya?"

"Matagal na, 9 yeras old pa lang yata kami pero ang masakit, tinatawanan niya lang ako." Nadulas   na sabi ni Miguel. Pagkasabi niya nun ay may naramdamang kirot sa dibdib ang binata. Kinabahan na siyang matindi ng makita niya sa  pictures na kumakalat na ang laging kasama at nakaalalay dito ay si Jason. Hindi niya binabanggit kay Sarah na kilalan kilala niya si Jason. Kasabayab niya itong nag aral sa NYU. Naging buddy buddy din sila nung nanduon sila New York. Hindi na sila masyadong   nagkakausap mula ng bumalik sila sa Pilipinas dahil umuwi na nga siya ng Isabela , si Jason naman ay naging abala sa NEC Corporations. Sinong mag aakalang mukhang magiging magkaribal pa sila kay Sarah.

Sinenyasan ni Miguel ang mga kasama niya ng matanaw na ang eroplanong hinihintay nila. Sinabihan na niya ang mga bodyguards niiiyang huwag hahayaang makalapit ang mga reporters kay Sarah. Pinagbilin na rin niyang kung saka sakali, ang safety ng dalaga ang priority nila.

Pagkababa ng eroplano nina Sarah ay agad agad na sumalubong si Miguel.  

"Hey Sars," kaway ni Miguel kay Sarah na halatang hinahanap din siya.

Si Jason ang nagulat. Hindi ito agad nakakilos ng makitang dali dali ding lumapit si Sarah kay Miguel at masayang nagyakapan. Kitang kita sa mga mukha ng dalawa ang saya sa pagkikita nila.

Natikom ni Jason ang mga kamao nito ng makitang hinalikan ni Miguel sa noo ang dalaga, habang masuyong inaayos ang buhok nito. Lalo pang nagngalit ang panga ng makitang malambing na yumakap ang dalawang kamay ng dalaga sa bewang ni Miguel. Nakahilig pa sa balikat o sa dibdib ba yun? Hindi niya masyadong makita dahil parang may bakal ang mga paa nitong hindi makalakad palapit sa grupo ni Miguel.

"Hey Bro, do you need help? " Sigaw ni Miguel ng makitang hindi pa nakasunod sa kanila si Jason. Kumawala naman si Sarah kay Miguel. Naalala ang lugage niya na naiwan kay Jason.

"Opps sorry,  akmang lalakad pabalik kay Jason pero naunahan siya ng isa sa mga lalaking kasama ni Miguel.  Hinintay na lang nilang makalapit sa kanila si Jason.

Mahigpit na nagkamay ang dalawa ng sa wakas ay nakalapit na rin si Jason. Hindi tumitingin si Sarah sa binata,  naka focus ang attention nito kay Miguel.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon