Chapter 24

6.8K 89 38
                                    

Ganoon nga ang nangyari. Paglabas ni Sarah ng building ay nanduon na sa harap si Mang Vic naghihintay sa kanya. Kinumusta ng mabait na driver ang nauntog sa kanya matapos ang masaya nilang batian.

Sa kwentuhan nila sa maikling biyahe pauwi ay mas lalo pa niyang nakilala ang matanda at si Jason. Nangingiti si Sarah , hindi niya alam kung sinasadya ng driver na laging isinisingit ang pagpuri sa kagandahang loob ni Jason o sadya lang wala silang ibang mapag usapan.

"Nakakahalata na ako sainyo Mang Vic ha, bakit panay magaganda at papuri ang sinasabi ninyo kay Jason? Inilalakad nyo ba siya?" Natatawang tanong ni Sarah.

"Huwag mo sanang mamasamain iha kung aminin ko saiyong oo, inilalakad ko siya saiyo dahil alam ko bagay na bagay kayo at sa sa nakita kong reaksyon niya kaninang nauntog ka, isa lang ibig sabihin nuon, may pagtingin siya saiyo bukod pa sa kabilin bilinan niyang huwag na kitang hahayaang mauntog uli diyan sa dvd holder na yan. Pinaaalis na nga niya eh. Useless naman daw. Ilang beses na rin siyang nauntog diyan."

"Mabait lang po talaga siya saka isa pa po ,ipinagbilin din ako sa kanya ni Papa kaya yun sineseryoso naman."

"Naku Sarah, halata ko ng iba ang pagtingin niya saiyo unang pakilala pa lang niya saiyo sa akin. Iba na yung mga kilos at tingin niya saiyo kaya huwag mong idahilan ang Papa mo."

"Kayo ha, ilang beses na ninyong ginawa to?"

"Ang alin iha?"

"Yung ganito po, yung pag may pinapasundo at pinapahatid si Sir Jason na babae sainyo, tapos panay papuri kayo." Nakangiting biro ni Sarah sa driver.

"Sa maniwala ka at sa hindi , ikaw lang ang sinusundo at ihinahatid ko na hindi kasama si Sir Jason. At ikaw lang din ang kinakausap ko ng ganito dahil ikaw lang ang ganito kabait sa mga babaeng nakasakay dito at sa nakikita ko ikaw lang din ang nakakapagpatawa kay Sir Jason ng wagas, Yung makikita mo talaga sa mga mata niya yung kasiyahan sa pagtawa."

"Naku, baka po mamaya maniwala ako sainyo, madala ako sa mga papuri ninyo kay Sir Jason, tapos nun pala masasaktan lang ako sa bandang huli. Mahirap na po. Magkaibang magkaiba po kami ng lifestyle , ayaw ko pong mangyari sa akin ang nangyari sa Mama ko."

Hindi agad nagsalita si Mang Vic matapos marinig ang sinabi ng dalaga. Mukhang nag iisip ito. Nasa harap na sila ng condo building ng magsalita uli si Mang Vic.

"Alam mo ba na walang kaalam alam si Sir Neil sa nangyari, ang alam nga niya, lumayo si Ms Lena dahil nasakal sa sobrang pagmamahal niya dito. Natakot ang Mama mo at hindi pa handa sa relasyon na gusto ng Papa mo. Ni hindi niya naisip na nabuntis si Ms Lena saiyo. Ang masasabi ko lang, kung binigyan lang ng Mama mo ng pagkakataon ang Papa mo, nagtiwala siya at hindi lumayo, mas napaaga sana ang kaligayahan ninyong lahat. Baka nga may mga kasunod ka pa. Baka may mga kapatid ka pang sumunod saiyo pero gaya nga ng sabi nila may dahilan ang lahat kaya nangyayari ang mga bagay bagay kaya ang masasabi ko na lang, sa takbo ng mga pangyayari sa buhay mo , sa pagkakakilala ko kay Sir Jason, hinding hindi mangyayari saiyo ang nangyari sa mama mo. Unang una na, wala ng magulang at ibang pamilya si Jason kung hindi ang Papa mo. Wala pa akong alam na dahilan para magalit si Sir Neil kay Sir Jason, at alam ko hinding hindi ikaw ang magiging unang dahilan."

Nagbabara ang lalamunan ni Sarah sa mga narinig mula sa mabait na driver. Gusto niyang maiyak para sa Papa at Mama niya, gusto niyang maiyak sa sobrang pagmamahal ng Papa niya sa Mama niya.

"Salamat po sa mga kwento, ang swerte nila sainyo, napaka loyal po ninyo."

"Kami ang swerte sa mga among katulad nila." Napababa agad ito ng makitang pababa na ng sasakyan ang dalaga. Dali daling inalalayan ang dalaga at pinaalalahanan na huwag mauuntog.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon