Chapter 30: Unexpected

238K 5.8K 1.9K
                                    

Chapter 30: Unexpected

TIN POV

"Parang kelan lang, mag ka away tayo nuh.." sabi niya habang malayo yung tingin. Nandito kami sa tambayan ko. "Parang kelan lang galit ako sayo." napatingin ako kay Alyssa.

"Ngayon ba hindi ka na galit sakin?" tumawa siya ng mahina.

"Na realize ko na sayang yung ganda ko kung magagalit lang ako sayo." natawa kaming pareho. Hindi pa din nawawala yung pagkamaldita niya.

Ilang minuto din kaming natahimik na dalawa ni Alyssa. Tama nga siya, parang kelan lang nung nag sasagutan kami, nung nag tatarayan kami, nag aagawan sa iisang lalaki. Ngayon ibang iba na, parang payapa nga ako na katabi ko siya ngayon eh. Nakakapanibago pero masaya ako, at least hindi na siya galit sakin. Honestly mas gusto ko pa ngang maging mag kaibigan kami. Alam kong maldita siya pero alam ko din na may part din sakanya na mabait siya.

"Alam kong huli na para sabihin ko 'to. Baka matawa ka pa nga eh.. pero Tin, sorry." hindi ako natawa, nagulat ako. Si Alyssa nag so-sorry sakin? Anong nakain niya? "Sorry sa lahat. Alam ko naging masama ako sayo pero sana patawarin mo pa din ako."

"Kalimutan na natin yun.." nagulat siya sa sinabi ko. Yung expression nang mukha niya hindi makapaniwala. "Ano ka ba? past is past noh." ngumiti lang ako sakanya. Ang tagal ko nang nakapag move-on dun eh isa pa hindi ako marunong mag tanim ng galit.

"Bakit ba kasi ang bait bait mo? Leche ka talaga!" ngumiti lang din siya sakin tapos natahimik na naman kaming dalawa. "Kamusta kayo ni Miggy?"

"Okey lang." napatingin siya sakin. Tinarayan pa ako, anong problema sa sinabi ko?

"Okey lang? Yun lang? hindi ka ba masaya?"

Napatingin ako sa malayo. Masaya? Oo masaya ako pero parang hindi ko kayang maging masaya ng lubusan kung alam kong may nasasaktan ako. Lalo na kapag naiisip ko si Mina.

"Paano ka magiging masaya kung may nasasaktan ka naman?"

"Sino? yung ex ni Miggy? yung Mina?"

"Oo siya nga.." napa buntong hininga na lang ako. Kapag naiisip ko siya na guilty ako. Inagaw ko nga ba talaga sakanya si Miggy? "Hindi ko naman siya masisisi, minahal lang din niya si Miggy."

"Kung mahal niya talaga si Miggy maiintindihan niya sayo siya masaya. Sayo masaya si Miggy at ikaw yung mahal niya."

Hindi ako makapaniwala, si Alyssa ba talaga yung kausap ko ngayon? Ibang iba na siya. Mas nag matured siya kumpara dati. Wala na akong makitang galit sakanya. Parang ibang tao na yung kaharap ko ngayon. Muntik na ko mag nose bleed sa mga sinabi niya sakin.

"Bakit Tin? balak mo bang isuko si Miggy?"

Napaisip ako sa tanong niyang yun. May balak ba akong isuko si Miggy para lang wala akong masaktan? Hindi, hindi ko kaya. Isa pa pinangako ko na sa sarili ko na kapag bumalik siya sakin, hindi ko na ulit siya papakawalan pa. Isang malaking tanga na lang siguro ako kung papakawalan ko pa siya.

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon