Chapter 12 : First Month

268K 6.6K 1.6K
                                    

Chapter 12 : First Month

--

DANTE POV

 

First month...

 

30 days of love...

 

4 weeks of sweetness...

 

May mahihiling pa ba ako? wala na...

 

 

From: YAM♥
Where ka na? w8 ka na namin. Ilabyuu :*

 

Shet! si ate kasi tanghali na ko ginising!  Hindi din naman ako nakatulog kagabi kasi iniisip ko ano bang magandang regalo kay cristin? Hindi naman kasi ako magaling sa mga ganito eh. Hindi naman kasi humihingi si ally ng ganito dati. Sa sobrang pag iisip tuloy, wala akong naisip! Tska wala na din ako time gumawa o mag isip, hinihintay na kasi nila ako eh. Pumasa kasi si ace sa Nursing board exam kaya may salo salo sa bahay nila, syempre invited ako! haha boyfriend eh >:) Bibili na lang nga ako ng roses.

To: YAM♥
Bat hinahap mo pa ko? nasa puso mo lang naman ako ah. Hehe behlat! Malapit na ko yam, may binibili lang.. I miss you already.. I love you..

 

"Sir gusto niyo po ba lagyan ng letter yung flowers?" napatingin ako dun sa nag bebenta ng mga roses.

"Uhm.. sige..." nag isip ako anong maganda tska ko sinulat sa papel yung banat ko sakanya.

NARA ka ba? Ikaw kase ang NARArapat para saken eh.

 

Pagkadating ko pa lang sa bahay nila, nasa labas na siya ng bahay. Nakatali yung buhok niya, tapos naka short lang siya.. Tsss.. tinignan ko nga siya ng masama..

"Oh yam.. bakit ang sama ng tingin mo? are you mad huh?" tapos nag pout siya. Kulit ng babaeng to, sabi ng wag mag popout, mamaya makaakit siya ng manyak dyan sa tabi eh! hahaha.

"Sabi ko sayo bawal ka na mag shorts di ba? tapos nasa labas ka pa.. Tsk.."

Oo tama kayo ng narinig. Ayoko na nag sho-shorts siya, kahit ano na makikita yung legs niya. Ganun ako ka protective sakanya eh, ayoko ng may tumitingin sakanya.

"Mainit kasi eh.. Yam naman! para namang mahahawakan nila yung leeg ko! duh! hanggang tingin lang yang mga yan!" pinisil ko nga yung ilong niya. "Ouch!"

"Sira ka talaga eh nuh! kahit flat chested ka may mag kaka interes pa din sayo! haha... ayoko ng may tumitingin sayo! gusto ako lang! hindi pwede yung iba.." tumalikod ako sakanya. Kunwari galit ako, haha!

"Luh!!" Humarap siya sakin tapos hinawakan niya yung kamay ko. "Baliw ka eh nuh! alam mo ba ibig sabihin ng tawagan natin? YAM? YOU ARE MINE. So ibig sabihin sayo na ako, okey?"

"Hmmm..."

"Sorry na okey! hindi na po yam! sus napaka seloso neto ni yam eh, matindi ka pa kay miggy.." bigla siyang natigilan sa sinabi niya, siguro naisip niya na magagalit ako kasi nabanggit niya si miggy.

"Oo seloso talaga ako! kasi mahal na mahal kita eh.. teka may kukunin lang ako.." Kinuha ko yung bulaklak sa loob ng kotse ko. "Oh yan.."

"Waaa! ang ganda yam! pero ano meron?" Toinks! Hindi niya ba alam? Nag sad face tuloy ako. "Haha joke! Happy monthsarry! tara pasok na tayo! hinihintay tayo nila mama eh.."

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon