Chapter 8 : I got your back

293K 7K 465
                                    

Chapter 8 : I got your back

--

DANTE POV

"wow.." ang ganda ni tin.. maganda naman talaga siya eh, kahit na hindi siya nag aayos. Kaso nung nakita ko siya na may make up at naka dress, lalo siyang gumanda. Mas okey din pala kahit minsan mag ayos siya, para kasing lalaki eh.

"anong tingin niyo?" sabi ni tita ann nung bumababa sila ni tin.

"ate may make up ka na nga ang panget mo pa din!" loko to si miguel, lakas mang asar. Umasim tuloy yung mukha ni tin.

"ang ganda mo tin.." medyo nahihiya pa ako na sabihin yun sa harap ng pamilya niya. Baka kasi asarin na naman kami tapos mailang na naman to si flat.

"salamat dante.." lumapit siya sa katapid niya tapos binatukan niya. "panget pala ha!" may pag ka amazona din siya minsan eh -__-

"ouch! joke lang eh! tignan mo si kuya dante, gandang ganda sayo! AYIEE!" tumawa silang lahat. Kaming dalawa lang ni tin yung hindi, nag ka tinginan pa nga kami eh. Medyo awkward lang kapag inaasar nila kami, kahit alam na nila na nanliligaw ako kay tin.

"hehe.. maganda naman talaga yung ate mo eh.. tara na po, baka ma late tayo sa pageant.." niyaya ko na lang sila na umalis, baka mamaya pati mama niya gatungan si miguel.

"Oo nga, tara na.." ngumiti lang sakin si tin, alam niya kasi na pareho lang kami ng nararamdaman. AWKWARD.

Nag presenta ka na ko na ihatid sila tin sa school, hindi kasi sila kasyang lahat sa kotse nila tin eh. Kasama pa namin si heather yung nag make up tska nag ayos kay tin. Habang nag ddrive ako napapatingin ako kay tin sa rear view mirror. Ang ganda niya, hindi na ko nag tataka siya yung pinili na representative ng department nila.

Pag ka baba namin, dumeretso agad sa likod ng stage sila tin, kaming mga lalaki naman nag hanap na ng upuan para mamaya, marami na kasing tao baka maubusan pa kami ng uupuan. Nakita ko si ate at miggy dun sa unahan, sila apple at sarah naman pumunta din sa likod ng stage. Gusto ko din tuloy pumunta sa likod para tignan si tin. Kaso napaka pabida naman ako pag ganun di ba? nanliligaw pa lang ako hindi pa ko boyfriend.

"Okey.. mag start ang pageant after 20 minutes.."

Mabilis natapos yung 20 minutes. Isa isa ng pinakilala yung mga contestant. Pag labas pa lang ni tin, hiyawan na yung mga tao. Nagulat naman ako ng makita ko si alyssa.. may masama tuloy akong kutob.

"Im Cristin Arrevalo, 18 from FA3Y1-2."

"Go Ate!!!" natawa lang kami nila ace kay miguel. "Bakit? hindi ba kayo mag cheer kay ate?"

"ang gay mo bro! haha" tapos tinignan niya ko ng masama. Sabi ko nga eh, hindi na ko mag sasalita.

After nila mag pakilala, nag simula sila agad sa evening gown. Nauna yung mga lalaki, okey naman. Number 8 si tin. Lahat sila maganda pero syempre wala ng gaganda pa kay tin. Nung nasa gitna na siya ng stage nakita ko na napatingin siya kala miggy ate, ang weird tuloy. Huli si alyssa, nakita ko na napatingin siya sakin, nagulat siguro siya na andito ako. Hindi ko naman pinaalam sakanya, isa pa hindi na kami nag uusap. Pagtapos nun, nag palit lang sila tapos swuimsuit naman. Yung mga lalaki naka trunks, lahat ng babae nag hihiyawan. Sa babae naman lahat ata ng contestant naka 2 piece si tin lang yun naka one piece. Natawa tuloy yung iba, medyo nainis ako, eh ano naman kung one piece? siya pa din naman pinaka sexy eh -__-

After nun, nag break muna ng 15 minutes, hindi ko na natiis kaya pinuntahan ko si tin sa back stage.

"San ka pupunta?"

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon