Chapter 33: Is this the end?

249K 6K 1.4K
                                    

Chapter 33: Is this the end?

MIGGY POV

Halos tatlong bwan ko nang hindi nakikita si Cristin. Sa school, sa daan, sa mga computer shops hindi ko na siya makita, umiiwas kaya siya o hindi lang talaga kami nag kakatagpo? Kung ano pa man yun, siguro nga mas mabuti nang hindi na niya ko makita. Mas lalo lang siyang masasaktan kapag nakita pa niya ko. Mas lalo siyang masasaktan kapag minahal pa niya ko. Mahal ko siya pero hindi na kami pwedeng magmahalan dahil sa batang dinadala ni Mina. Dahil sa anak ko.

Hindi ko ikakaila na hindi nagbago yung pagmamahal ko para sakanya. Pakiramdam ko hindi na mag babago yung pagmamahal ko sakanya. Sa dinami dami nang napagdaan namin kahit konti hindi nag bago yung pagmamahal ko sakanya.

"Babe anong iniisip mo?" pinulupot na naman niya yung mga kamay niya sakin. Medyo naiirita pa din ako kapag nagiging masyado clingy.

"Iniisip ko si Tin." lumayo siya sakin pagkatapos pinag hahampas niya ko. Hinawakan ko yung kamay niya para pigilan siya sa pagwawala niya. "Tumigil ka nga Mina baka mapano yung baby!"

"Ako pa yung tumigil Miggy? Pinapasama mo yung loob ko! Palagi mo na lang pinapamukha sakin na mas mahal mo si Tin."

"Mali ka." nagtataka siyang tumigin sakin. "Si Cristin lang yung mahal ko."

Kapag mag kasama kami ni Mina, hindi ko tinatanggi sakanya kung gaano ko pa din kamahal si Tin. Gusto kong ma realize niya kung sino ba talaga yung mahal ko.

Bigla na naman siyang umiyak pero this time sobra na yung pag iyak niya. Kinalma ko yung sarili ko. Ano bang ginagawa ko? mali 'to eh. Hindi dapat siya umiiyak, hindi makakaganda sa baby yun. Kaya nga ako pumayag na balikan siya para sa baby.

Niyakap ko siya, pinatahan ko siya sa pag iyak niya. Niyakap niya din ako pabalik. Sana kahit papano mawala yung inis na nararamdaman ko kay Mina, para na lang sa magiging anak namin. Kung pwede nga din matutunan ko siyang mahalin pero hindi ako sigurado dun lalo na si Cristin yung mahal ko.

"Babe, promise me kakalimutan mo na si Cristin. Please for me and the baby."

"Oo kakalimutan ko na siya."

Nag sinungaling ako. Hindi ko yun gagawin dahil hindi ko din naman kayang kalimutan yung nag iisang babae na minahal ko ng sobra.

Nawala agad yung luha sa mata niya, napa ngiti siya na akala mo hindi siya umiyak. "Thank you babe! I love you!"

Hindi ko siya sinagot. Nakatingin lang ako sa labas, tanaw dito sa bahay yung dagat. Cristin mahal pa din kita..

"Asan na daw yung I love you too ko sabi ng baby natin?" ginamit na naman niya yung baby.

"I love you too." walang emosyon kong sinabi.

"Oo nga pala we'll discuss about our wedding later with mom and dad." napatayo ako sa narinig ko.

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon