Chapter 27: Wait for me

254K 6.6K 940
                                    

Chapter 27: Wait for me

MIGGY POV

"Hi babe." Pag lingon ko nakita ko si Mina.

"San tayo?"

"Canteen na lang."

Ngumiti siya sakin tapos hinila niya ko papuntang canteen. Hindi ko naman talaga dapat magiging girlfriend si Mina. Nung ginugulo siya ng boyfriend niya sinabi ko lang na boyfriend niya ko para tigilan na siya ng lalaking yun. Kaso mukhang sineryoso naman niya, pumayag na lang din para hindi ko maisip si Tin. Isa pa mabait naman siya eh.

"Ay teka! Andun si Ate Tin!" hinila niya ko papunta sa table nila Tin, kasama niya si Apple tska si Sarah. Papalapit pa lang kami ni Mina ang sama na ng tingin sakin ni Apple. "Hi ate! Pwede ba kaming maki upo ni Miggy?"

"Ha? ah.." hindi alam ni Tin sasabihin niya.

"Ano aalis na din kasi.."

"Hindi Apple okey lang, sige upo kayo." Sinamaan ng tingin ni Apple si Tin.

Umupo na lang kaming dalawa ni Mina tapos nilabas niya yung baon niyang pagkain. Naiilang akong umupo dito, naiilang akong makita si Tin. Pagkatapos ng lahat ng sinabi niya sakin. Hindi lang ako maka tanggi kay Mina.

"Ate, alam mo ba ang sweet ni Miggy! Hehe ang saya ko nga eh." Ang sama ng tingin ng dalawang best friend ni Tin kay Mina. Siniko na lang ni Tin yung dalawa, buti na lang kumakain si Mina kaya hindi niya yun nakita.

"Oo sweet talaga si Miggy.." Napatingin ako kay Tin, hindi ko mabasa kung ano yung iniisip niya. Hindi ko alam kung nasasaktan ba siya o hindi. Gusto niya ba talagang bumalik ako? O kaya niya gustong bumalik ako kasi iniwan siya ni Dante? Hindi ko alam at ayoko ng alamin.

"Miggy, dota tournament pala mamaya baka makalimutan mo pinapaalala ni Kevin." Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan.

"Talaga Ate Apple? Babe sama ako ah?"

"Ha? Oh sige.." tumingin ako sa tatlo pero hindi din sila maka tingin sakin, okey lang naman siguro na isama ko siya.

"Yey! Mga ate, kain pa kayo oh." Ngumiti si Apple at Sarah kay Mina pero halatang naiinis sila.

"Sige una na din kami Miggy, Mina. Happy eating." Ngumit siya saming dalawa. Mukha naman siyang okey..

"Babe! Susunod na lang ako sa shop ah, di ba ayun yung lagi niyong tinatambayan?"

"Ah oo, sige.." Tama bang isama ko pa siya? Andun mamaya yung buong team, hindi ko pa nasasabi na girlfriend ko si Mina eh.

"Excited na kong i-cheer ka!" Mukha ngang excited siya, ang hyper niya, sabagay palagi naman eh >.<

"Hehe ang cute mo talaga, kumain ka na nga."

Pagkatapos niyang kumain, hinatid ko siya sa room niya. Wala na akong class kaya pumunta na lang akong field para mag football. May laban pa naman kami next week kelangan mag practice na ko. Mga isang oras din siguro ako nag practice, maya maya nakita ko si Dante naka upo sa gilid. Bukas na lang ako mag pa practice, mukhang kakausapin ata ako ni Dante. Bigla naman siyang pumunta dun sa tamabayan ni Tin, Aba gagu siya pa pupuntahan ko ah?

Kinuha ko yung towel ko tapos nag palit ako ng shirt.

"Hoy Dante! May sasabihin ka ba sakin?"

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon