Chapter 5 : Papalag naman eh

277K 7.1K 771
                                    

Chapter 5 : Papalag naman eh

--

"ano may nagustuhan ka na?" Ang daming orgs na pwedeng salihan this year, ano kaya pipiliin neto ni apple "apple?"

"hoy mansanas anong gusto mong org ha?" Langhiya tong babae na to, nakaka ilang tanong na ko wala man lang sagot. Hmppf!

"Hay nako tin! ang ganda mo talaga.. biruin mo tignan ka ba naman mula ulo hanggang paa? insecure nga naman.." Nagulat naman ako sa sinabi neto ni apple, anong problema niya? naka drugs? bigla biglang nagsasalita ng kung ano ano? ang layo ng sagot sa tanong ko eh.

"pinag sasabi mo dyan ha?" tapos ngumunguso siya, tinuro niya si alyssa. Aba naka tingin nga sakin tong babae na to.

"Porket ba tinignan mula ulo hanggang paa, insecure na? Hindi ba pwedeng nagulat lang kasi magkamuka ang iyong ulo at paa?"

Aba! nawindang naman ako sa pinag sasabi netong alyssa na to. Nabuhay yung katawang lupa ko! You dont do that to me! haha. Kapal ng peslak! Wala nga ko ginagawa sakanya eh, si apple kasi nag salita pa. At anong akala niya ganun ganun na lang yun? AKO MUKHANG PAA?! WTH! sa ganda kong to?! mas mukha pa nga siyang paa sakin eh! Gusto niya bang itsuktska tyenes ko yang mukha niya!

"Wow ngayon lang ako nakakita ng nag sasalitang paa.." Lumapit ako sakanya, kasama niya yung tatlo niyang alalay, si stacey, mika, jhen at anna.

"Anong sinabi mo?!" Tignan mo to, bingi na din eh. Lumalaki pala ilong niya kapag nagagalit! wahaha.

"Sabi ko, may nakawalang unggoy pala dito sa Uste.." Nag acting ako na parang nagulat ako sa mukha niya. "Oh My Gosh apple! nasa harap ko na pala yung unggoy oh!" Biglang nagtawanan yung mga tao sa paligid namin, pinag kukumpulan na kasi kami. Ganito naman dito eh, mahilig sa away, haha de joke! kilala kasi nila kami ni alyssa. Ewan ko ba sumikat na lang kami dahil sa dota.

"Ako mukhang unggoy?! Sa ganda kong to?!" Natawa naman ako sa joke netong babae na to, lakas din pala mag patawa eh. Maganda? Saan banda?!

"Malandi ka lang, hindi ka maganda!" Feeling ko bulkan siya na sasabog anytime. Pati mga alipores niya galit na galit. Sabi ko sa inyo eh, kilalanin niyo binabangga niyo. Hindi na ako yung cristin 3 years ago. Pak!

"Talaga? kaya pala ako yung laging kasama ni miggy? at hindi ikaw? Haha! Funny! Sino mas maganda satin ngayon?" Puro na lang miggy! Kaya lang naman siya kasama lagi ni miggy kasi dikit siya ng dikit kay miggy. Tss. What a loser.

"Alam mo kasi.. talo ng malalandi ang magagandang katulad ko!" Lumapit ako sakanya tska ko siya nginitian. "Yan ang masakit na katotohanan.." nag wink ako sakanya. "Tara na apple, masasayang lang oras natin dito." Hinila ko si apple papalayo sakanila, yung mga tao naman dun tuwang tuwa, akala mo nakanuod ng teleserye. Haha! kahit naman ako natuwa sa nangyari, kung makikita mo lang yung mukha ni alyssa! Pak na pak! Chaka niya. Wahaha.

"HOY CRISTIN BUMALIK KA DITO! HINDI BA TAYO TAPOS!" mapuputol na ata yung litid niya kakasigaw, grabity! wala ba siyang delikadesa? napaka war freak na bata. Tsk. 

"Infairness ah! palaban ka!"

"Haha! kaylangan lang ng katapat nyan ni alyssa.. at sad to say na ako yun.."

"Haha! you already! sige na tin, kita na lang tayo maya sa practice game!"

"Sige! Bye apple.."

Pag pasok ko sa room, lahat sila naka tingin sakin. Tinignan ko yung relo, hindi naman ako late? anong meron sa mga to? Tinignan ko naman si renz, naka ngising aso lang. Gage lakas ng trip ng mga to ah. Di naman pwedeng ala nila yung nangyare kanina? Lakas naman ng tsismis abot hanggang dito.

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon