Chapter 24: Break up

260K 6.6K 1K
                                    

Chapter 24: Break up

Bago pa ko pumasok sa school, sinigurado ko na muna yung gagawin ko mamaya. Alam ko na eto yung mas makakabuti saming lahat. Para wala ng masaktan pa..

Pumunta agad ako sa tambayan ko. Pinag isipan ko muna siya ulit bago ko siya itext na pumunta dito.

Alam kong masasaktan siya sa gagawin ko. Kahit kelan hindi ko ginustong mangyari to. Hindi ko ginustong makita siyang umiiyak dahil sakin. Kaso eto yung tama eh dahil kapag pinatagal ko pa to, mas lalo siyang masasaktan. Mas lalo akong mahihirapan.




Sorry Dante..

Sorry kung makikipag break na ko.

Sana mapatawad mo pa ko.




"Yam kanina ka pa ba? Sorry ah kakatapos lang ng class namin eh." Mukhang tumakbo pa siya. Hingal na hingal siya.


"Okey lang."


Gusto ko ng umiyak. Makita ko pa lang yung mga ngiti sa mukha niya doble na yung sakit. Yung ngiti na alam ko mamaya mapapalitan na ng lungkot. Sobrang hirap. Parang may kung anong kumikirot sa puso ko. Sa maikling panahon namin ni Dante, minahal ko na din siya.


"Ano bang pag uusapan natin?"


Tumabi siya sakin. Kitang kita ko dito yung langit parang uulan na ata. Nakikiramay ba yung ulan samin?


"Dante.. alam mo namang mahal kita di ba?"


Hindi ako maka tingin sakanya. Parang nadudurog yung puso kong makita siyang masasaktan. Wala naman ibang ginawa si Dante kundi mahalin ako eh pero ano tong ginawa ko? Sinaktan ko lang siya..


"Yam may problema ba?"


Humanap ako ng lakas ng loob para harapin siya. Kelangan ko tong gawin eh. Kelangan kong siyang tapusin. Ayoko ng umasa pa si Dante sa kasinungalingan ko. Hinawakan niya yung kamay ko, nakita ko yung mata niya..


"Tin.. anong problema? May nagawa ba ako?"


"Dante.. sorry..."


Hindi ko na kaya! Niyakap ko siya tapos dun ako nag simulang umiyak.. umiyak ng malakas.


"Tin wag kang umiyak please. Ano bang problema? Nag aalala na ko."


Pinapaharap niya ko pero pinipigilan ko siya. Ayoko siyang harapin. Hindi ko siya kayang harapin.


"Dante.. sorry.. hindi ko naman to gustong mangyari eh.. hindi ko to gustong tapusin.."


"Are you breaking up with me?"



"Sorry Dante.."

"Bakit Tin? Ano bang nagawa ko? Sabihin mo sakin para mabago ko. Para naman hindi mo ko iwan.. Tin naman eh wag mong gawin to.." nakayuko lang siya sa harap ko. Hindi ko man makita yung makita pero unti unti nang pumapatak yung mga luha niya sa balikat ko.

"Wala kang kasalanan.. Ako yung may kasalanan neto.."



Pareho na kaming umiiyak ngayon.


"Si Miggy ba yung dahilan?"


"Dante sorry.."

Hindi pa din ako tumitigil sa pag iyak. Hindi na din nagsalita si Dante. Niyakap na lang din niya ko. Tahimik lang kami hanggang bumitiw na si Dante sakin. Hindi siya tumitingin sakin, naka tigin lang siya sa langit.


"Alam mo Tin akala ko maagaw kita kay Miggy. Mali pala ko.."

"Dante.." Wala akong masabi. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko eh..

"Alam mo ba kung ano yung masakit? yung hindi mo pa sinasabing iiwan mo ko pero nararamdaman ko na.."


"Sorry Dante.."


Hinawakan niya yung mukha ko. Pinunasan niya yung mga luha na unti unti pa din pumapatak sa mata ko.


"Pero mas masakit yung alam mong mas magiging masaya yung taong mahal mo sa iba."


"Alam ko, ang sama sama ko para gawin to sayo Dante. Sorry.. kahit ilang sorry pa yung sabihin ko uulitin ko pa din para mapatawad mo ko.. Kung pwede ko nga lang akuin lahat ng sakit na meron ka ngayon gagawin ko.."


"Shh.."


Niyakap niya ko. Amp! parang ang sakit sakit na. Alam mo yung pakiramdam na nasasaktan yung taong walang ibang ginawa kundi mahalin ka. Alam kong hindi niya to deserve..


"Mapapatawad lang kita kapag sinabi mong magiging masaya ka na simula ngayon. Makita lang naman kitang masaya, masaya na ko eh."


Hinarap niya ko. Ngumiti siya sakin pero alam kong peke lang yung mga ngiti na yun. Alam ko na nasasaktan siya. Nadudurog yung puso niya at ako lang naman yung may kasalanan.

Dante kung alam mo lang.. mas nasasaktan ako.. mas nahihirapan ako.


"Ipangako mo sakin na ipaglalaban mo na si Miggy ngayon. Ipangako mo na magiging masaya ka."


"Pero.." Hindi ko na ata kayang maging masaya. Ngayong alam ko kung magiging masaya man ako, may nasasaktan na iba.


"Ipangako mo sakin.."


"Pangako."


Tumingin na naman siya sa langit. Ayaw niyang ipakita sakin yung mukha niya. Ayaw niya sigurong makita ko siyang nasasaktan..


"Lagi kong iniisip.. ano bang meron kag Miggy na wala ako?"


Hindi ako nag salita. Pinakinggan ko lang siya.


"Nung una si Alyssa yung kinuha niya sakin. Ngayon naman ikaw.. yung babaeng minahal ko ng sobra. Haha! Sabagay simula pa naman talaga nung una kay Miggy ka. Ako lang yung epal sa inyo eh."


May luha na naman na pumatak sa mata niya. Tumawa lang siya para hindi ko mahalata na umiiyak pa din siya. Pinunasan niya agad yung luha niya.


"Pwede bang ako na lang kunwari yung nakipag break sating dalawa? Haha! para kunwari wala lang sakin.."


Hindi talaga ako makapag salita. Hindi ko alam yung sasabihin ko eh.


"Basta tandaan mo, mahal na mahal kita. Kaya kahit si Miggy pa yung piliin mo, okey lang sakin Tin. Kaya kitang palayain.. ganun kita kamahal eh."


"Dante alam mo naman na mahal din kita eh..pero..."


"Oo pero hindi kagaya ng pag mamahal mo kay Miggy. Akala mo lang na ako talaga yung mahal mo kasi ako yung nandito nung wala siya pero ang totoo kahit kelan hindi mo siya nakalimutang mahalin.."

Napayuko na lang ako. Totoo naman kasi lahat ng sinabi niya eh. Kahit kelan hindi ko nakalimutang mahalin si Miggy.


"Tin masaya na ko. Masaya na ko sa mga panahon na nakasama kita. Masaya na ko na kahit sa sandaling panahon naramdaman ko din na mahalin ng isang katulad mo. Ang sarap sa pakiramdam."


Nung humarap siya sakin naka ngiti na naman siya pero nawala na yung lungkot niya. Hindi ko alam, hindi ko mabasa yung nasa isip niya.


"Dante, sorry. Napaka bait mo sakin. Kung pwede ko nga lang suklian lahat ng pag mamahal na ibinigay mo sakin gagawin ko eh. Sorry hindi ako naging perfect girlfriend.."


"Tama na nga.. You are a perfect girlfriend pero hindi nga lang sakin. At wag ka na mag sorry, nangako ka ng ipaglalaban mo si Miggy di ba? Kaya napatawad na kita." Niyakap ko siya. Niyakap ko siya sa huling pag kakataon.


"Dante salamat sa lahat.."


Humarap siya sakin.


"Wag kang mag pasalamat. Ako dapat yung mag pasalamat kasi binigyan mo ko ng pagkakataon na mahalin ka at maging masaya. Hindi nga lang talaga ko pang matagalan."


Hinawakan ko yung mukha niya. Sorry Dante.


"So i guess this is goodbye Tin?"


"Tandaan mo mananatili ka pa ding mahalaga sakin Dante.."


"Goodbye Tin.. I love you goodbye."


Hinalikan niya ko sa noo. Pareho namin hindi napigilan na.umiyak. Tumalikod na agad sakin si Dante tska siya umalis..


Sabay ng buhos ng ulan..


Paalam Dante..


Wag kang mag alala.. pangako ipaglalaban ko si Miggy. Tutuparin ko yung pangako namin sa isa't isa na..

TIN-MIGGY forever.


Salamat sa lahat.. sana makahanap ka din ng babaeng kaya kang mahalin higit pa sa pag mahahal na ibinigay mo sakin. Minahal din kita.. pero para kay Miggy siguro talaga yung puso ko.


Sana hindi pa huli yung lahat saming dalawa..



---


DANTE POV



Para akong tanga na naglalakad sa gitna ng ulan. Wala naman akong paki alam eh. Mas mabuti nga to para walang makapansin na umiiyak ako. Lintek kasi na pag ibig to eh. Lakas maka paiyak. Tsk.


T*ngina kasi ni Miggy eh bumalik pa. Haha! Masaya na sana kami ni Tin eh. Kaso kay Miggy naman talaga siya eh. Hindi siya sakin at kahit kelan hindi siya magiging akin. Ako lang naman tong malakas mag ilusyon na maaagaw ko siya kay Miggy. Kahit gaano ko siya kamahal, kahit gaano ko siyang gustong ipaglaban.. wala na din magagawa.


Ayoko lang makita ako ni Tin na nasasaktan kaya umalis na din ako agad. Gusto ko pa sana siyang makasama ng matagal kahit sa kahuli hulihang pag kakataon. Kaso wala eh, ayoko siyang lalong mahirapan.


Mahal na mahal ko siya na kahit mag paka martir at magpaka tanga pa ko dito okey lang basta para sakanya. Kahit sa iba ko pa siya makitang masaya.


But I guess it's really time for me to move on. Sayang nga lang hindi nag tagal yung love story namin ni Tin pero kahit paano naman may magandang pahina pa din akong mababalikan eh.


Umupo ako sa bench sa gitna ng field. Wala akong paki alam kung gaano pa kalakas yung buhos ng ulan. Siguro nga nakikiramay din siya sa sakit na naradamdaman ko..


Naalala ko tuloy yung napag usapan namin ni Miggy dati..



Flashback
2 years ago.



Andito kami sa shop nila Miggy. Kakatapos lang ng tournament. Kakauwi lang ni Miggu galing Amerika. Magbabakasyon ata siya dito ng tatlong bwan.


"Dante.."

"Bakit Miggy?"

"Pwede bang agawin mo sakin si Tin kapag nakita mong hindi na siya magiging masaya sakin?" Akala ko nag bibiro siya pero mukha naman siyang seryoso. Ano bang pinag sasabi niya?

"Gagu ka pare baka gawin ko talaga yan."

"Haha! Alam mo naman na gagawin mo yun dahil alam kong mahal mo din si Tin pero seryoso ako sa sinabi ko."


Nagulat ako sa sinabi niya. Tinatago ko lang yung nararamdaman ko kay Tin kasi alam ko naman na silang dalawa yung nag mamahalan eh.

"Kaya ko sinasabi sayo yan kasi alam kong bukod sakin, ikaw lang yung mapagkakatiwalaan ko kay Tin. Ikaw lang yung pwedeng makapantay sa pagmamahal ko sakanya."


"Miggy.."


"Mahal na mahal ko si Tin. Kaya kung alam kong nasasaktan ko na lang siya mas mabuti pang ibigay ko na lang siya sa iba. Sa taong mas mag mamahal sakanya higit sakin."


"Pero bakit iiwan mo na ba siya? Hindi ko maintindihan eh."

"Nasa Amerika ako. Nandito siya. Kahit sabihin mong mahal namin yung isa't isa mahirap pa din yung sitwasyon namin."


"Sige makaka asa ka.."


"Gagu! pero wag ka munang umasa dyan! Kasi hindin hindi ko papakawalan si Tin."


"Baliw!"


Pagkatapos nun nag tawanan kaming dalawa. Nalilito pa din ako kung para saan yung sinabi ni Miggy.


End of flashback



Hindi ko alam kung bakit yun nasabi ni Miggy dati pero ngayon siguro alam ko na. Sinubukan ko naman agawin si Tin sayo Miggy eh. Kaso wala eh, ikaw pa din talaga yung mahal niya Miggy. Ikaw lang walang iba.

Kung alam mo lang kung gaano ka ka swerte kay Tin..

Sana maging masaya na ulit kayo ni Tin. Sana ipaglaban niyo na yung isa't isa...




To be continued..

----

Author's Note:
Sorry!! Sorry! Alam ko na mas nauuna ko na yung isang story ko kesa dito. Huhu! babawi talaga ako sa ending promise. Wag na kayo magalit >///<
Anyway, sa lahat ng Tin-Miggy dyan, wag muna kayo mag punyagi! maawa din naman kayo kay Dante! masakit din yun sakanya nuh. Huhu T___T

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon