Chapter 9 : It's now official

290K 7.4K 1.4K
                                    

Chapter 9 : It's now official 

--

TIN POV

After 2 months ..

"Ano inaantay mo dyan tin?"

"Baka sino? haha.."

Andito kami sa canteen. Naka patong yung ulo ko sa lamesa. Nakatitig sa cellphone ko. Hays.

"Hayss... bakit kaya hindi nag tetext si dante?" tinopak kaya yun? ngayon lang hindi nagtext yung mokong na yun eh. Nag aalala tuloy ako.

"Ah kaya pala.." napalakas ata pag kakasabi ko nun. "Uy apple paano ba yan? panalo ko sa pustahan natin?" pustahan? ano yun? at parang wala akong alam?

"Shhh! tumahimik ka nga sarah!" aba itatago pa sakin ng dalawang to ah.

"Sasabihin niyo o sasabihin niyo? mamili kayo?" nag turuan silang dalawa.

"Kasi si apple talaga naka isip nun! pustahan daw kami kung gaano ka katagal maiinlove kay dante.." ANO?! mga baliw talaga -__-

"Uy bakit? sino naman nag sabi na 3 weeks lang maiinlove na si tin kay dante?"

"Hala! bakit? totoo naman tignan mo.."

"Baliw.. sinong inlove kay dante? mga sira ulo.." nag alala lang inlove na agad? baliwag.

"Wushu.. kaya pala inaantay mo yung text niya?" hinarap ko si sarah.

"Nag aalala lang ako, kasi palaging nag tetext yun.. tss.. inlove agad?" hindi naman talaga ako inlove eh. Tska dalawang bwan pa lang sya nanliligaw, imposibleng inlove na ko agad.

"Eh ayan na pala si dante eh.." napatigil si apple sa pagsasalita. Napatingin tuloy ako. "Ay bakit kasama niya si alyssa?" Inalis ko agad yung tingin ko.

Hindi siya nag rereply sakin tapos kasama lang niya si alyssa. Tska bakit pa sa lahat ng babae yung mortal na kaaway ko pa kasama niya? Alam naman niya galit ako dyan eh! Teka nga.. eh ano naman? bahala siya gawin niya gusto niya... BAHALA SIYA!!! hindi ko naman siya boyfriend eh!

"Huy bakit parang namumula ka sa galit dyan?" sabi ni sarah.

"Ha? hindi nuh.." hindi naman talaga ako galit eh. Bakit naman ako magagalit na magkasama si dante at alyssa. So what? I don't care. Hindi ako galit na magkasama sila!

"Baka kasi nag seselos?"

"AKO NAG SESELOS? HINDI AH!" lahat ng tao sa canteen napatingin sakin. Nakakahiya baka narinig pa nila dante T__T Napalakas ata pag kakasabi ko. Galit ba ko? baka kasi mag kaka period ako. Makaalis na nga.

"Huy tin san ka pupunta?!" bahala kayo dyan.

"Hi tin.." sabi ni alyssa. Napatigil ako sa tapat ng table nila. Stupid! bakit kasi dumaan pa ko sa tapat nila? Tinignan ko si dante. Wala blanko lang mukha niya. Ano problema neto? naiinis tuloy ako. Ngumiti lang ako kay alyssa tapos umalis nako.

 Dumeretso ako sa tambayan ko.

Bakit ba ako na iinis?! hindi ko naman boyfriend si dante. Buti nga hindi ko pa siya sinasagot eh, babaero kasi. Tss. Nakaka inis lang, nanliligaw sayo tapos makikita mo may kasamang iba? parang tanga lang eh. AHHHH!!! bakit ba kasi ako naiinis? baka naman sumuko na siya manligaw sakin. Eh di okey. Wag na niya ko kakausapin.

Asan na ba yung celphone ko? buburahin ko na nga number niya. waaa!! nakaka inis talaga kasi eh.

Uwi na lang nga ko, mag dodota na lang ako sa bahay.

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon