Chapter 21: Muling ibalik

255K 6.2K 1.9K
                                    

Chapter 21: Muling ibalik

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.. bakit kaya?

Dahil ba kay Miggy? dahil ba niyakap niya ko? masaya ako na nalilito. Paano ko mararamdaman to, eh may mahal na kong iba, si Dante. At hindi ko sila pwedeng mahalin na dalawa. Hindi pwede. Ang sama ko talaga! hays.

"Miggy, mag pahinga ka na.."

"Wag mo ko iwan.." hinang hina siya nung sabihin niya yun sakin.

"Oo dito lang ako." hinawakan ko yung kamay niya habang naka higa pa din siya. Na gu-guilty ako sa ginagawa ko, alam ko kasi kapag nalaman ni Dante to, magagalit siya at hindi to' tama. Kaso.. kusa na lang gumagalaw yung katawan ko.. para bang nag tatalo yung utak ko tska puso ko.

Binantayan ko lang si Miggy hanggang maka tulog na siya. Na aawa ako sakanya, lalo ang dami niyang pasa sa mukha. Ang lungkot pa ng mukha niya, gaano kaya kahirap kay Miggy lahat ng nangyayari ngayon? hindi na kaya siya galit sakin? o kaya lang niya yun nasabi kasi ganun yung kondisyon niya? pero mas mahalaga ngayon na maging okey yung lagay niya.

Lumabas ako tapos nakita ko si Mama sa labas.

"Okey na ba si Miggy?"

"Nag papa hinga na po Mama.."

"Dapat si Ace na lang pinabantay mo sakanya, alam mo namang may boyfriend ka eh, tapos ikaw pa gumagawa niyan.."

"Mama wag naman po kayo gumawa ng malisya, tinutulungan ko lang naman si Miggy eh.."

"Iniisip ko lang naman si Dante anak, tska hindi mo naman kelangan gawin to dahil lang sa na gu-guilty ka sa pag kamatay ng Daddy niya.."

"Mama, ano ba kayo? hindi ba kayo nag aalala sakanya? nung oras na kelangan ko ng tulong andyan si Miggy, kaya fair lang naman na andito din ako sakanya di ba? isa pa.. maiintindihan naman ako ni Dante."

Hindi na lang nag salita si Mama. Umalis na lang din ako para hindi kami mag ka sagutan.

Alam ko mas boto si Mama kay Dante. Hindi ko naman siya masisi kasi lagi niya kong nakikita na umiiyak dahil kay Miggy noon hanggang nung hindi pa ko nakaka move on. Unlike kay Dante na palagi akong masaya. Kaso hindi ko maintindihan yung sarili ko kung bakit ako nagagalit kay Mama dahil parang wala na siyang paki alam kay Miggy.

Posible kaya na...

Lumabas ako ng bahay. Nakita ko si Papa sa may garden.

"Papa.." nilingon niya ko agad. Umupo ako sa tabi ni Papa.

"Kamusta si Miggy?"

"Natutulog na po.." napatingin ako sa mga stars.. nakita ko yung star na regalo sakin ni Miggy, napa ngiti tuloy ako. Pag ka tingin ko ulit kay Papa naka ngiti siya sakin. "Bakit po papa?"

"Mahal mo pa siya.."

"Bakit mo naman natanong yan papa, hindi na po.. hindi ko na siya mahal tulad ng dati."

"Hindi ko yun tinatanong.. sinasabi ko yun."

Kumunto yung noo ko sa sinabi ni Papa. Ano ba meron? bakit niya yun nasabi? Hindi lang ako nag sasalita.. gusto ko marinig yung dahilan ni Papa kung bakit niya yun nasabi, alam ko kapag may sinabi siya, totoo yun. Hindi naman ako nag kamali kasi nag salita ulit siya.

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon