Chapter 14 : New me

286K 6.5K 594
                                    

Chapter 14 : New me

--

"Alam na ba ni dante?!" tanong ni apple.

"Oo sinabi ko na kagabi.. Akala ko nga magagalit siya, niyakap lang niya ko tapos nag dinner kami.." lumapit siya sakin lalo. Parang puppy na excited.

"Aba himala? hindi ba nag aalala si dante na bumalik na yung alaala ni miggy?"

"Bakit naman siya mag aalala ha?"

"Bakit hindi? baka one of this day magkabalikan kayo!" binatukan ko nga. Ano ba pinag sasabi niya?

"Hindi na yun mangyayare.. pero naisip ko na din na baka isipin niya yun, sabi naman niya may tiwala siya sakin, at hindi ko kaylangan layuan si miggy.."

"Lakas ng confidence ni dante ha? hindi niya ba alam ang kamadag ni miggy?" sabi naman ni sarah. Nag agree sila pareho ni apple. Tinarayan ko lang tong dalawa.

"Leche! basta mamaya may practice tayo ah!"

"Ay! Speaking of..." Napalingon ako sa sinabi ni Sarah. "Hi miggy! welcome back! na miss ka ni tin, ay namin pala." Langhiya to si sarah, kung ano ano sinasabi eh.

"Anong ginagawa mo dito?" Ngumiti lang siya, hindi siya nag salita. "Miggy andito ka ba para kausapin ako? pero sinabi ko ng tapos na lahat satin di ba?"

"Hahaha!!"

"Anong nakakatawa?"

"Tin kasi andito ako para kay apple, pinapasundo kasi siya ni kevin sakin.. tska naka move on na ko, kaya wag ka na mag alala na hahabulin pa kita.. tara apple?" Tinignan ko yung dalawa. Alam ko nag pipigil sila ng tawa. OK! ako na pahiya -__-

Bumulong sakin si apple. "Assuming much bakla?" tumayo siya tapos sumama kay miggy.

"Bye." kumindat pa to si miggy sakin. Arghhh!! nakaka inis!

"Itsura mo?"

"Sino bang hindi maiinis dun? pinahiya niya ko! Ang sama niya! mas mabuti pa pala na hindi na bumalik yung memory niya!"

"Hoy teka nga babae.. sino ba kasi yung assuming na makiki usap siya na makipag balikan sayo? na hindi pa siya nakaka move on SAYO? si miggy ba? di ba IKAW? ikaw na din nag sabi tapos na kayo, kalimutan ka na niya, ngayong ginawa niya, nagagalit ka dyan?"

"Eh kasi..." bakit nga ba? Nakakainis eh! >.<

"Kasi ang ineexpect mo.. mag mamaka awa pa din siya na makipag balikan sayo? Sus tin naman.."

"Hindi nuh!" Huhu hindi naman yun eh T___T

"Ows? labas sa ilong yang sinasabi mo!"

"Oo na! hindi ko lang ineexpect na susuko siya agad..."

"Ay ang gulo mo teh! sabi mo sakanya tapos na kayo, wala na kayo! iba na mahal mo.. tapos gusto mo wag siya sumuko? Bipolar lang?" Minsan mas okey pala na baliw mode tong si sarah, kapag seryoso natatamaan ako sa mga sinasabi niya eh. >.<

"Naninibago lang ako sakanya.. kilala mo naman si miggy di ba?"

"Iba na kasi yung sitwasyon, iba na yung mahal mo di ba? ano pa ba magagawa niya? eh di mag move on.."

"Ganun agad?"

"Hoy ateng! nakakahalata na ako sayo ah! may nararamdaman ka pa ba kay miggy?"

"HUH?! WALA!!"

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon