Chapter 22: Litong Puso

244K 6.2K 789
                                    

Chapter 22: Litong Puso

Ang sakit sa mata ng sikat ng araw >.<

Sino ba naman kasi nag bukas ng kurtina sa kwarto ko? pero okey na din pala kasi anong oras na. Waaaa!! ma lalate na ko! OH NO!

"MAMA!!"

Muntik pa ko madapa sa hagdan kakamadali ko.

"Oh Tin bakit? anong nangyare sayo?!" Hinawakan ako ni mama sa balikat ko. 

"Bakit hindi niyo po ko ginising? 8AM na oh! malalate na po ako eh!" Tumawa lang si mama. Tapos inayos niya yung pagkain sa lamesa. Luh? anyare dito kay mama?

"Nung gigisingin kasi kita kanina nananaginip ka, alam kong maganda yun kaya hindi kita ginising. Tska susunduin ka naman ni pogi eh kaya hindi ka ma lalate niyan, kumain ka na dito oh."

"Anong panaginip ko?"

"Eh malay ko sayong bata ka! kumain ka na dyan tapos maligo ka na."

Ano kaya yun? Si mama naman eh ayaw pang sabihin. Bahala na nga! makakain na nga lang. Naalala ko may isang absent na pala ko sa literature tapos may lates pa ko dun, baka ibagsak na ko ng Professor.

Ano ba naman tong pagkain? Sunog na bacon, sobrang alat na pritong itlog! Sino naman nag luto neto? sigurado naman akong hindi si Mama kasi masarap mag luto yun, sila kuya naman tska Miguel umalis na. Si papa kaya? hmmm..

Hindi naman ako nakakain ng madami kasi ang sarap ng pagkain di ba? HAHA! naligo na lang agad ako. Tapos tinignan ko agad yung phone ko, papunta na daw si Dante sa bahay.

Tinignan ko sa salamin yung sarili ko, ano ba yan? ang hagard ko na. Stress na kasi ako masyado eh. Hays, dapat talaga tapusin na ang dapat tapusin.

"Anak andito na si pogi!"

Pumunta agad ako sa labas, andun na si mama. Nag tatawanan sila ni Dante. Ano kaya pinag uusapan ng dalawa na to?

"Good Morning Beautiful!" feeling ko ng blush ako agad sa sinabi niya. Baliw talaga to si Yam! Si mama walang sinabi pero halata mo namang kinikilig ng bonggang bongga. As in! Hays mama ko talaga.

"Godd Morning din. Tara pasok na tayo malalate nako."

"Okey, sige po Tita una na kami."

"Okey! ingat kayo! Bye anak!"

"Bye mama." Yung ngiti niya hindi pa din nawawala. -___-

Binuksan ni Dante yung pinto para makapasok ako. Bakit kasi ang gentleman ng taong to?! haha. Pati sa seatbelt ko siya pa nag lagay.

"Kamusta breakfast mo? madami ka ba nakain?" Yung tingin niya kakaiba. Naka ngiti na ewan eh. bakit kaya?

"Hmm.. bakit?" Tinaasan ko nga ng kilay.

"Ako kasi nag luto ng breakfast mo kanina, bumalik lang ako sa bahay para kunin yung kotse." Ang laki pa ng ngiti niya. Kung alam lang niya na ang sama ng lasa ng niluto niya. Buti pa si Miggy, ang sarap mag luto. Waaa! bakit ko ba siya naiisip kasi! >.<

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon