Season 2 -- Chapter 3

283K 6.9K 854
                                    

Season 2 -- Chapter 3

 .

 .

 .

Miggy's point of view

 .

"Miggy?" Nagkatinginan kami ni Tin dahil alam naming pareho na boses yon ni Ate Michelle. "Nandyan ka ba?"

 .

Tumayo agad ako tapos pumunta ako sa pintuan. Pagbukas ko pa lang nang pinto, nakataas na agad yung kilay niya. Ano pa bang bago kay Ate?

 .

"Seems like you want to see me." Pagtataray niya. Napakamot na lang ako nang ulo.

 .

Amp! Wrong timing naman kasi yung dating mo Ate eh.

 .

"Hindi naman Ate, biglaan lang kasi yung pagpunta mo dito." Nginitian ko siya. "Tara sa loob?"

 .

"Buti naman inaya mo ako sa loob. Akala ko hindi mo ako papapasukin." Nagtaray na naman siya tapos pumasok siya sa loob nang unit namin.

 .

"Hello Ate Michelle." Bati sakanya ni Tin.

 .

"Oh, nandito ka pala." Nagsisimula na naman siyang magtaray sa asawa ko. Tumabi agad ako kay Tin.

 .

"Asawa ko si Tin kaya siya at bahay niya din 'to." Sinabi ko yon para ipaalala sakanya kung sino yung tinatarayan niya. "Masanay ka na Ate na palagi siyang nandito."

 .

"Fine." Yung tingin niya sakin ngayon parang gusto niya akong sigawan. Alam kong naiinis siya sa ginawa ko at for sure gera na naman saming dalawa yon. "Wala ba kayong food dito?"

 .

Nagkatinginan agad kami ni Tin sa sinabi ni Ate. Ayos lang naman yung luto ni Tin pero alam ko na hindi magugustuhan ni Ate yon at sa pagkakakilala ko sakanya masyado siyang diretso kung magsalita.

 .

"Sa sarap nang luto ni Tin, naubos ko na Ate. Mag papa deliver na lang ako nang food para sayo." Tinignan ko si Tin at parang nabunutan siya nang tinik sa sinabi ko. "Anong food yung gusto mo?"

 .

"No thanks, nawalan na ako nang gana." Tinignan niya nang masama si Tin tapos dumiretso siya nang sala.

 .

Hanggang ngayon hindi pa din talaga siya nagbabago, pambihira. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya sa asawa ko, after all this years.

 .

Dumiretso na lang din kami ni Tin sa sala. Tahimik lang siya kinakabahan siya dahil kay Ate Michelle.

 .

"So, may aasahan na ba akong pamangkin sa inyo?" Nagkatinginan ulit kami ni Tin at hindi kami makasagot. "Wag niyo nang sagutin, alam ko na yung sagot sa tanong ko." May binulong pa siya pagkatapos non, mahina lang kaya hindi ko din narinig. Ano man yon alam kong hindi maganda yung sinabi ni Ate. Wag lang sana marinig ni Tin yon. "The reason why I'm here, is because I want to talk to you Miggy about business." Tinignan niya si Tin. "If you will excuse us, Cristin."

 .

"Ah, okay Ate." Patayo pa lang si Tin pero pinigilan ko na siya. "Miggy?"

 .

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon