Chapter 31: Don't leave me

244K 5.9K 1.3K
                                    

Chapter 31: Don't leave me

MIGGY POV

"Ate ano na naman 'to?" naiinip na ko kakaintay dun sa kakausapin namin. Ano na naman ba iniisip ni ate Michelle? Hindi na ko makap hintay. "Aalis na ko."

"She's here."

Nilingon ko yung ka meet namin ni ate. Nanlaki yung mata ko nung nakita ko siya. Bakit namin siya kakausapin? kung ano man yun dahilan alam kong hindi yun maganda.

"Anong ginagawa ni Mina dito?" ngumiti lang sakin si Ate. Si Mina naman umupo sa harap ko. "Mina anong ibig sabihin neto?" imbisma sagutin niya ko si Ate yung nagsalita.

"Miggy, makipag break ka na kay Tin." what? she's so unbelievable! hanggang ngayon ba naman pipilitin pa din niya na pag hiwalayin kami ni Tin?

"Ate hindi pa din ba tayo tapos dyan? alam kong hindi ko gagawin yun."

"You should." walang kwenta yung mga pinagsasabi niya.

"Kaya ba nandito si Mina? gusto mo ko makipag break kay Tin tapos makipag balikan ako kay Mina? Pathetic!" tinignan ko si Mina. Nakatingin lang siya sakin. Ano bang binabalak mo Mina? "Hinding hindi ako makikipaghiwalay kay Tin."

Tumayo ako, walang kwenta 'tong usapan na 'to. Mabuti pa maka alis na lang.

"Miggy sandali!"

"Ano pa bang kelangan mo Mina? We're over right? I thought it's already clear to you." napayuko siya, parang maiiyak na siya. Amp! akala ko naman malinaw na samin ang lahat.

"Miggy! pwede ba? wag kang maging ganyan sa ina ng magiging anak mo."

Ina ng magiging anak ko? What is she talking about?

"Miggy buntis si Mina and you are the father."

Hindi ko mapigilan na matawa sa sinabi ni Ate. Hahaha! anong klaseng joke ba yun? Ako yung ama? isang malaking kalokohan.

Naiyak naman si Mina sa inasal ko. Ano bang iniisip niya? napaka walang kwenta ng mga pinag sasabi niya.

"Kung ano man yung balak niyong dalawa itigil niyo na kasi kahit anong gawin niyo hindi ko hihiwalayan si Cristin."

"Miggy stop that! Hindi mo pwedeng basta basta na lang takbuhan yung responsibilidad mo kay Mina at sa magiging anak mo! For God sake Miggy!" anak ko? hindi ko maisip.

"Paanong ako yung tatay ng pinag bubuntis mo Mina? wala naman nangyari sating dalawa." tinignan ako ni Mina habang umiiyak.

"Nung gabing nag lasing ka sa bar, dinala kita sa isang hotel room. Dun nangyari lahat Miggy, kaya nung nagising ka nandun ka na sa hotel room na yun."

Inalala ko yung sinabi niya. May isang gabi ngang nag lasing ako. Pag gising ko nasa isang hotel room na lang ako tapos nasa tabi ko si Mina. Kung ganun may nangyari nga talaga samin? lasing ako kaya hindi ko ma alala. Pucha naman oh!

"Naalala mo na ba? Kung gusto mo kahit ipa-DNA pa natin yung bata pag labas niya."

Sa galit ko nahagis ko palayo yung upuan ko. "Hindi pwede 'to!"

How careless can I be? Hindi ko matanggap. Napaka walang kwenta ko. Hindi ko na alam kung anong mangyayari pagkatapos neto. Iniisip ko si Tin, paano siya? paano na kami? Hindi ko naman pwedeng takbuhan yung responsibilidad ko sa anak ko. T*ngina talagang buhay 'to oh!

"Miggy, hindi mo pwedeng takbuhan yung resposibilidad mo kay Mina." Alam ko yun, alam ko.

"Aalis na ko."

"Miggy paano ako? at yung anak natin?"

"Wag ka mag alala, hindi ko yun nakakalimutan. Kaylangan ko lang mag isip."

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon