Chapter 16: Aso't Pusa

255K 6.4K 1K
                                    

Chapter 16: Aso't Pusa

--

TIN POV

"Ate awat na!"

"Hindi bitawan mo ko mina! susugurin ko talaga yang miggy na yan eh!"

Akala niya papalampasin ko yung pag suntok niya kay dante?! Alam ko matagal na siyang gangster pero kilalanin niya kinakabangga niya. Tss. Buti na lang mabait si Yam ko, hindi pinatulan to si miggy. Huhu nag ka pasa tuloy yung magandang mukha ng boyfriend ko,

"Hoy miggy rivera! Lumabas ka dyan!"

Lahat ng classmates niya lumabas, ang sama ng tingin sakin. Kapag hindi sila tumigil, dudukutin ko yang mata nila! HMP! alam ko ng maganda ako nuh! waaa joke. Hahah!

Sa wakas lumabas na din tong bakulaw na to. "Hoy lalaki mag usap nga tayo!"

"Oh tin? alam ko naman crush mo ko, pero wag ka naman gumawa ng eksena dito.. nakaka hiya sa mga blockmates ko.." tapos kumindat pa siya. Ahhh!! sasapakin ko siya eh.

"CRUSH?! ang kapal mo nuh! ang panget mo sayo pa ko mag kaka crush!"

"Wushu kaya nga ex mo ko di ba? eh di pumatol ka sa panget?!" nagtawanan yung mga classmates niya, bakit may alam ba sila? SUS. Ginayuma lang kaya ako niyan eh.

"Past is past! Alam mo ba yun?!"

"Ate tama na, pinag titinginan nila tayo oh.." nakalimutan ko ng kasama ko pala si mina, nakaka inis kasi tong lalaki na to eh! ang yabang!

"Mina, mauna ka na lang, may aawayin pa ko eh.."

"War freak mo naman, tska sino yang kasama mo? Hi ate!"

"Hoy wag mo kakausapin yan! Mina sige una ka na.."

"Sige ate, kita na lang tayo mamaya.." nag smile siya tapos umalis na din.

"Bye Mina! Ang cute mo.." Sabay kindat. Luh? Ang landi.

Lumapit ako sakanya, hinawakan ko yung damit niya, tama ba tong ginagawa mo? ang laking tao neto ni miggy eh T___T ah bahala na!

"SABI KO MAG USAP TAYO!" binitawan ko siya, "AT KAYO! MGA CHISMOSO! PUMASOK NA NGA KAYO SA ROOM NIYO!" nadaan ko naman ata sila sa sigaw ko, kaya ayun umalis din sila. Buti naman >.<

"Oh ayan tayong dalawa na lang dito, ano ba sasabihin mo?"

Sinampal ko siya.

"Ouch, i miss you too pudge.." nanlaki mata ko sa tinawag niya sakin.

"Miggy pwede ba! tigilan mo na nga ko, pati si dante dinamay mo pa! yang sampal na yan para yan sa ginawa mo sa boyfriend ko!" biglang naging seryoso mukha niya. "Tska sabi mo naka move on ka na!"

"Bakit hindi naman dahil sayo kaya ko siya sinuntok! Feeler ka!"

"Eh bakit ha?!"

"Gusto ko lang.."

"Gusto mo lang?! anong klase ka?! pwede ba sa susunod, wag mo ng uulitin yun kay dante!"

"Gagawin ko kung anong gusto ko.. wala ka na dun.. Sino ka ba para pag sabihin ako? " Ouch naman. Ewan parang nasaktan ako. Bakit ang harsh niya sakin? Pinag tatanggol ko lang naman si dante eh, masama na ba yun? tska hindi naman tama yung manununtok siya eh. Bahala na nga siya, na iinis lang ako.

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon