Goodbye

13.2K 345 2
                                    

"Nakaka-imbyerna yang sekretarya mo ah! Pagsabihan mo yan bago ko lagasin ang mahaba niyang hair! Kairita!" Dani flipped his hair as he sat at the couch. "Pagbantaan ba naman ako!"

"Eh inokray mo eh, pano di maiinis yun sa iyo. And speaking of... bakit agad agad kang nagladlad sa harapan ni Cece? Kala ko ba, maingat ka sa part na yan ng pagkatao mo?"

Umikot ang mata nito sa akin, "Nakita mo ba kung paano ako titigan ng imbyerna mong sekretarya? Kulang na lang dakmain ako at hubaran! As if naman na magugustuhan ko siya no? Eh ang layo layo kaya ng hitsura niya kay Chris Hemsworth! Buti nga at nasampal siya ng reyalidad at nalaman niya agad na nunka akong papatol sa likes niya."

Natawa siya sa tinuran nito, "At least pang holliwood actress pa rin ang tabas ng mukha." Asar ko dito na ikinataas ng kilay nito.

"And so? Aanhin ko naman ang mga womanly features niya no? Like ew!"

Napatawa siya dahil sa sinabi nito. Somehow kasi, may pagkakatulad din sila ni Cece. Expressions and all.

"Saan mo ba kasi nakuha iyang babaitang iyan?"

Napabuntong hininga muna siya bago kinwento dito ang lahat.

"So ano na ngayon ang plano mo diyan sa urong sulong ninyong relasyon at diyan sa lulubog lilitaw mong jowa?"

"I don't know..."

She sighed. Truth be told, hindi din niya alam. She'll defenitely ask for sure. Hindi niya kaya na magpatuloy na lang sila ni Aiden na parang walang nangyari once na bumalik ito.

The questions will continuously nag her senseless if left unanswered. And it will be unhealthy for the both of them.

Kailanganan nila ng closure that's for sure. They need a clean slate in order for them to go on and move on with their relationship.

"But what if... pano lang ha? Pano kung nagbalik-loob ang fiancè mong yun sa ex girlfriend niyang higad? Anong gagawin mo?"

Her eyes turned dark at the thought.

"Thought so. Kaya nga sinasabi ko, lumaban ka! Ang mundo ay isang malaking Quiapo, maaagawan k--- arouch!!!" Daing nito ng binatukan ko ito ng malakas.

"Magseryoso ka nga!"

"I'm serious. Bakit? Totoo naman ang sinabi ko ah. Sabi nga ng matatanda, kapag ang babae at lalaki na hindi magkaano-ano ay tumira sa iisang bahay.... miracles happen!"

So gumagawa na ng milagro ang dalawa ganon? Di ko napigilan ang pag-igting ng panga ko ng maisip iyon.

"He better not..."

"Ow?"

"Or else..."

"Or else what?"

I'm going to kill them both.

-

Lumipas pa ang ilang araw na wala siyang balita ni isa kina Aiden at Geleene. Cece continued to guard her at si Mason naman ay hindi nakakalimot na kumustahin siya through Cece. Maliban sa mga continuous death threaths na natatanggap niya ay wala pa naman nagtatangkang gawan ulit siya ng masama.

Hindi na rin naman siya sumubok na magtanong kina Cece at Mason kung ano na ba ang nangyayari kay Aiden. Parang useless din naman kasi dahil hindi naman niya mapilit ang mga itong magkwento. Mason once told her that it not his story to tell.

Pero fuck naman.. it's been almost three weeks! At ni ha ni ho, wala man lang siyang balita. Madalas, kung ano ano na ang pumapasok sa utak niya. She busied herself with work to get her mind off it. She was able to go on for another week because of that.

Comrades in Action Book 2: Aiden Montaniez Where stories live. Discover now