Where were you?

11.7K 350 12
                                    

Hanggang sa makapasok ako ng condo ay patuloy pa rin ang panginginig ko.

Tumalikod na ako para dumiretso na ng kwarto. Pero isang kamay ang pumigil sa akin. 

"What.." pagod na nilingon ko si Mason.

"I.. I just want to ask if you want me to call him.." 

Pagod na tinitigan ko si Mason saka pait na ngumiti. Umiling ako. "Even if you call him and tell him what happened... He wouldn't come right away.. would he?"

Isang nanguunawang tingin ang ibinigay ni Mason sa kanya. And right there and then she knew.

Even if he calls him.. he wouldn't be able to come tonight. At ayaw man niyang aminin... alam niya. alam niya kung na kanino ito ngayon..

Ang sakit isipin... ang hirap tanggapin yung kaalaman na hindi ito makakapunta sa kanya dahil kapiling ito ng iba. Na hindi siya nito madadamayan dahil iba ang kasama nito..

She is trying so damn much to believe in him.. to have faith in him.. 

But with everything that has been happening? Ang pagkawala ng komunikasyon nila.. Ang hindi nito pagpaparamdam.. Ang mga sinabi ng attacker niya tungkol kay Aiden..

Wala siyang ideya. Hindi niya alam.. 

Pakiramdam niya siya lang mag-isa. Ang hirap. Ang hirap panatilihin yung tiwala. Nahihirapan na siyang kumbinsihin ang sarili niya na maniwala kay Aiden.

Araw-araw.. gabi-gabi.. hindi tumitigil ang utak niya sa pag-iisip kung ano na ba ang nangyayari dito.. kung siya pa rin ba talaga.

She knows that he's with her and he hadn't been contacting her. Wala itong balak sabihin sa kanya kung nasaan at kung sino ang kasama nito.

She's feels like a fool..

Pakiramdam niya ngayon, para siyang natalo. Natalo ng walang kahirap hirap..

Tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng luha. This is too much for me. At mukhang quota na ang puso niya sa mga pinagsama-samang pakiramdam ngayong araw na ito kaya nahihirapan siyang pigilan ang luha sa mga mata niya. One fat tear already slipped.

Argh! Don't fucking cry, Dominica. Don't...

Binalingan niyang muli si Mason. "Don't bother calling him. Matulog ka na sa isang guest room. Magpapahinga na rin ako." 

"Damsel.." Tila nahihirapang wika ni Mason. "I.. I... shit..." Naihilamos nito ang mga palad sa mukha. "I don't know what to say right now.."

I smiled at him bitterly. "You don't have to say anything, Mason. That's Aiden's job. To explain to me everything." I sighed. "I just hope it wouldn't be too late when he finally decides to come back and tell me everything I need to know.. because right now... right now.. everything about us is hanging by a thin thin thread.."

Napamura ito ng marahan sa sinabi ko. He looked at me, not knowing what to say. Napabuntong-hininga ito ng malalim.

"Damsel... I'm sure he has his reasons--

"Don't." Pigil ko sa kanya.  "Ayokong pag-usapan.."

I am tired.. so tired. Ang daming nang ari sa kanya ngayong araw na ito at kung pag-uusapan pa nila.. she doubt she can handle it. Pagod na siya.. pagod na pagod na.. "Pagod na ako.."

"I.. I understand.. magpahinga ka na. Nandito lang ako pag-gising mo."

Nginitian ko siya saka pumasok na sa kwarto. Dire-diretso ako ng banyo. Napapangiwi ako habang tinatanggal ang aking mga damit. I have bruises all over my body..

Comrades in Action Book 2: Aiden Montaniez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon