Pakialam..

14.4K 397 3
                                    

"Dom!"

"Dan!"

She was caught off guard when Danielle squeezed her for a hug. "Can't... breathe..."

"Oops, so sarreee...." Maarteng wika nito na ikinaikot lang ng mga mata niya.

Yeah. Danielle or Dani, but he prefers the name Dani by the way. Is a full blown...

Gay.

Wala pang nakakaalam ng tunay na sexual preference nito except us. His close friends. Tanging ako, si Jacky, at Seph lamang ang nakakaalam. Which means he's a closet gay. At ang tingin ng lahat sa kanya, well at least to the public eye including his dear Abuela ay isang lalaki. An eligible bachelor. Na talaga namang ikinaha-highblood nito dahil sa mga 'lukresia mujer' according to him na hindi na daw matigil-tigil sa kakahabol sa 'mala-goddess' nitong beauty!

Sometimes she would laugh so hard habang nagkwekwento ito sa kanila ni Jacky tungkol sa mga girl problems  nito. Madalas kasi sa sobrang inis nito, hindi nito namamalayan na gumagamit na ito ng 'gay lingo'. Na sa sobrang bilis nitong banggitin, with all the rolling of the eyes pa at hand gestures.. na sobrang nakakatawa para sa kanya, well, she would always end up lughing her ass off.

Ayon dito, kung hindi lang dahil sa abuela nito, nunkang magtatago siya ng kasarian. Pero dahil matanda na ang lola nito... wala itong choice. Ayaw naman daw nitong siya pa ang maging mitsa ng kamatayan nito. So ang end result, he would always act like a man in front of other people.

And he's so good at it.

Aakalain mo talaga na isa itong tunay na lalaki inside and out. But when it is just the three of us friends, he would... let's just say he acts like someone who is possessed by a weird, promiscuous, crazy little bitch of a gay..

"Oh my god... I'm soooo excited!"

Tinaasan niya ito ng kilay, "I thought bukas pa ng gabi ang dating mo?"

"Oo nga bru. Akala ko nga hindi ka na makakarating pa dito eh. Kamusta na pala ang dear abuela mo?" Natatawang tanong dito ni Jacky.

Dani just rolled his eyes. "Alam mo ikaw, wala ka talagang utang na loob. Pagkatapos kong magparaya sa sayo sa asawa mong si Seph, aasarin mo lang ako sa dear abuela ko? Hmp!"

"O.. nagtampo na tong si bru oh..." Nangiinis na sabi ni Jacky.

Umismid lang si Dani saka kumapit sa braso ni Seph. "Kung ako sa iyo Sephy boy, layuan mo na 'tong mapang-asar mong asawa.. mas gaganda ang buhay mo. Don't worry, ako ang bahala sa ating dalawa. You don't have to worry for the rest of your life. I can give you everything. So what do you think?" Tumaas baba ang kilay nito.

Bigla namang sumama ang timpla ni Jacky sa sinabi nito at marahas na hinablot ang braso ng asawa mula sa pagkakakapit doon ni Dani. Maging sila ay nagulat sa inasal nito. Hindi naman kasi ito ganoon kapag inaasar ito ni Dani. In fact, nakikisakay pa nga ito sa trip ng huli.

Dani just smirked, "Possessive much? Anyare sa iyo?"

Bigla namang namula si Jacky.

Then like a freaking bomb, it hit them!

"Oh my gosh!" Sabay nilang bulalas ni Dani.

Namumula pa rin si Jacky na nakayuko na ngayon.

"What?" Naguguluhang tanong sa kanila ni Seph.

She and Dani started to grin. Tinapunan nila ng tingin si Jacky. Napabuga ito saka marahang tumango.

"I knew it!" She squeeled.

"Knew what?" Si Seph na takang taka pa rin.

"Oh my gosh, dumadami na naman ang reregaluhan ko..." pag-iinarte na wika ni Dani.

Comrades in Action Book 2: Aiden Montaniez Where stories live. Discover now