Lies

13.9K 367 6
                                    

"Are you sure wala siya sa kanila?"

"Wala."

"Kung wala siya sa mga kaibigan niya at sa parents niya, san naman yun pupunta?"

"Have you checked her condo?"

Tumango siya, "Wala siya doon."

Naiinis na inihilamos niya ang mga kamay sa kanyang mukha. Where the devil is she?

Chase snapped his fingers, "Hack her phone!" He excitedly suggested. Parang slow-mo na tumingin lahat dito. "What? Great suggestion right?" Tumaas baba pa ang mga kilay nito.

"Nice try Chase. Why don't you try to be more updated next time? Para maiba lang."

"What?" Walang ideya na tanong ni Chase sa kanila.

"Tss, tingin mo kung effective yung hacking nandito pa tayo ngayon at nagbre-brain storming? Malamang sa malamang, kahapon pa nagawa ni Aiden ang pag-hack sa phone ng fiancè niya." Matiyagang paliwanag ni Cece.

"Her phone was out since yesterday? Something must be wrong! We got to find your fiancè, dude!"

All of them rolled their eyes. Seriously? When did this guy got this slow? Palaklakin na kaya niya ito ng sandamakmak na memo plus gold?

"Pagpasensyahan nyo na, laking Am kasi 'to nung bata eh."

"Oy Cece, anong Am ang pinagsasasabi mo diyan. Laking pinagsamang Promil at S26 to no!"

"Good god! Dapat magbayad ang Promil at S26 sa damage na ginawa nila sayo!" Sabi ni Cece.

"Baliw!"

Cece just laughed. "Chill! I'm just lighting up the mood."

"Guys, cut it out." Saway ni Cole sa kanila.

Agad namang tumigil ang dalawa. Sa kanila kasi, si Cole ang mahirap suwayin. Malakas kasi ang topak niyan kapag naba-bad trip.

"Have you checked his friend's phones? Her parents?"

He nodded. "I don't like this one bit. Kung na-low bat man ang phone niya or empty bat, I would have still managed to locate her. Pero parang wala sa kanya ang phone niya. No matter how many times I've tried, I can't reach it." Naisuklay niya ang mga daliri sa buhok.

"Kung nanakawan siya, malo-locate mo pa rin ang phone niya since the thief would just turn it off. Since sabi mo, walang kaso sayo kung naka-off man ang phone niya." Cole started.

Cece sighed, "But, if that is not the case..." tumingin ito sa kanya, her deep frown resembling his own, "Do you think someone got her? Kasi isang taong may kakaibang skill at gamit lang ang pwedeng mag-deactivate ng phone niya to the point na mahihirapan kang malocate ito."

She's right. He is good at hacking. Basic na lang ito para sa kanya. Nahirapan siya sa pag-locate kay Dominica kahapon at imbes na magduda siya sa hacking skills niya agad siyang kinabahan.

Iisang tao lang naman ang makakagawa ng ganoon sa kanya. Ang pahirapan siya sa pagha-hack ng isang tao ng ilang oras..

"Where's Mason by the way?" Cole interrupted his thoughts.

Parang light bulb na nag-appear sa utak niya ang lahat.

He gritted his teeth. No, he would'nt do it. He would not fucking dare!

"Looking for me?"

He took in his friend's nonchalant stare. His easy going smile. And everything clicked!

His jaw clenched, "Where. is. she?"

And when he gave him that sardonic smile, he just knew.

The fucking bastard really did it!

Comrades in Action Book 2: Aiden Montaniez Where stories live. Discover now