New secretary

11.9K 317 13
                                    

"Good morning Miss Crest!"

"Good morning."

Iyan ang bati ko sa mga empleyado ko pagdating ko pa lang sa lobby. Tinungo ko ang private elevator ko.

"Twentyfifth floor please."

"Okay Miss Crest."

Everything is turning out normal. After the incident last week, sa wakas ay nakapasok na rin ako.

Mason forbid me to work and asked me to take a vacation leave for at least a week after that night. To settle things, ayon dito. Noong una ayaw ko pa. I mean, ano naman ang gagawin ko sa condo kong mag-isa? Paniguradong mabuburyo lang ako doon. Pero sa huli, wala pa rin akong nagawa.

I was physically and emotionally tired with all the things happening around her. At idagdag pa ang insidenteng iyon...

And I don't know if Mason's stay at my condo during those time was a good thing.

Hindi nga ako na-bore sa presence nito, nainis naman ako ng bongga sa sobrang kakulitan nito.

"Andito na po tayo."

Tinanguan ko ang elevator boy saka nagtungo na sa aking opisina.

"Good morning Dominica- este Miss Crest pala!"

"Good mor-- you?!" Napatulala ako ng mapagmasdan ang babaing nakatayo sa likod ng mesa ng sekretarya ko. It was indeed Cece. "What the hell are you doing here?!"

"Oh, I guess I forgot to tell you properly yesterday." Cece gave her wide smile then said the thing that literally made my jaw drop. "I'm here to work"

Ewan pero bigla akong kinabahan, "Work as what.." Puno ng pag-aalinlangan ang boses ko ng tanungin iyon. Halos ayoko ng marinig ang sasabihin nito.

"As your secretary, duh." Cece said, na para bang common sense ang tinanong ko.

"W-what...?"

Napatampal ako ng noo. Oh God, kill me now! I've had enough of annoying bodyguard/housemate breathing down my neck for the past few days! Bakit pati ba naman dito sa trabaho bibiyayaan pa rin ako?!!!

-

Cece chuckled as she noticed the horror in Nica's face as soon as she said the word secretary earlier.

Tsk. Hay Mason... ano ba kasing pinaggagagawa mo at mukhang umay na umay na itong si Dominica sa kahit na sinong may kaugnayan sa iyo?

Hay nako...

Umangat ang tingin ko ng may pumasok. Isang lalaki. I stared at him looking for any conspiscious signs that would mark him an enemy.

At dahil sa kakamasid niya dito, ang mga physical attributes tuloy ng lalaki ang nakakuha ng pansin niya.

Umangat ang kilay niya.

Matangkad ito at kayumanggi ang kulay ng balat. Matangos ang ilong nito at may maiiitim at makakapal na kilay na katulad ng mga Italian models na napapanuod niya sa runway. Well he looked Italian to her pero may pagka-pinoy pa din. Half Italian half Filipino?

Naalala tuloy niya ang madalas sabihin ng mga Italian girls.....

'Italian men have the best eyebrows...'

hmmm....

To see is to believe nga talaga.. at dahil black three piece suit at naka-gentleman's cut pa ang buhok nito ay talaga namang nagmukha itong mas makisig at mas intimidating.

Aside from the thick brows, meron din itong maninipis at pouty red lips. Crazy, but those lips looked like some cherry bubblegum to her na masarap nguya-nguyain and...

Shut it, Cece!

Napatigil ako. Napanganga. At nagimbal.

Those descriptions are unnecessary! Ano naman ang maitutulong ng impormasyong iyan kung nagkataong isa nga itong kaaway? How would that info take down an enemy? Through biting his freaking pouty red lips?! Ha!

"..... see her. I'm here... miss? Are you listening?"

"Hm?" Wala sa sariling sabi niya.

I snapped out of my thoughts when someone shook me.

I looked up. Sinalubong ako ng dalawang makakapal na kilay na halos magkadikit na. As if they are telling me... what the hell is wrong with you, woman?!!!!

Hm, woman... I like it....

"Hey miss!"

"Ay palakang masarap barilin!" Gulat na bulalas niya.

"Er... What?"

Cece looked at the guy who is now giving her skeptical looks. She laughed nervously. "Hehehe.. I mean... palakang... er.. m-masarap lutuin. Yeah! That's it! Yum!" At para convincing, sinamahan pa niya iyon ng isang matamis na ngiti na ewan niya kung effective dahil bigla na lang itong napangiwi na parang bang naka-apak ito ng something disgusting like poop. Then bigla na lang itong napatutop ng bibig. Agad naman siyang nataranta.

"Sir? Sir? Are you alright?"

"Palaka? Ew...."

Napatigil sa ere ang kamay kong aalo na sana sa dito.

Teka lang....

Let me get this thing straight... Do good looking Italian men who're oozing with hotness and sex appeal says.....

Ew????

Casually?

Na parang normal lang?

Yun na ba ang uso ngayon na expression ng mga matitigas at matitipunong lalaki?

Ew?

"Hey miss, I've been asking you for like forever here kung nasaan si Dominica. Is she like inside her office? Coz I've been like wanting to talk to her. So do you like answering now?"

........

Nganga.

I was lost. I was like... what the hell?!

Sinong matikas at matipuno ang maglalagay ng salitang like sa bawat sentence niya? Ha? Is he---

Napasinghap ako. No. Oh no! Don't tell he's a full blooded.....

"Girl!"

Girl!

"Dani?"

Pareho silang napalingon ni Dani girl kay Dominica na sumungaw sa pinto ng office nito. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Dani girl.

"What's going on?"

"Your secretary!" Dani girl screech. "Parang tuod! Ayaw sumagot. Bakit kasi nag-ha-hire ka ng PWD's eh! May pag-kabingi pa ata to!" Sumbong ng naiiritang si Dani girl.

Agad namang nalukot ang mukha ko sa sinabi ni baklita. Persons with disability? Bingi? Tell me guys, gusto ba talagang mamatay ng baklitang to ngayon?!

"Her name is Cece. She's my new secretary. At hindi siya bingi." Sagot ni Nica dito.

"Slow lang, ganern?"

"Aba't sumosobra ka ng baklita ka ah. Gusto mong ikaw ang gawin kong person with disability? Just tell me, I can break your bones now!"

Napasinghap ito sa banta niya. "God! Did you hear her? Barbarian!" Akusa nito sa kanya.

Umangat ang kilay niya. Umusok ang ilong niya. Nag-init ang ulo niya sa tinuran nito. At isa lang ang laman ng utak niya ngayon.

HE'S DEAD!

"Er.. guys? Quit the LQ, okay?" May panunudyo sa boses ni Dominica ng sabihin iyon. "Bagay pa naman kayo."

"My Ass!"

"Over my dead body!"

I snobbed him. He gave me a haughty look. And Dominica? She just chuckled like there's something she know that we don't know.

Gulo ba? Ah basta!




Comrades in Action Book 2: Aiden Montaniez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon