Chapter 19

2.4K 74 3
                                    


Nagpatuloy ang panlalamig ni Lianne kay Russel, nagulat na lang ako ng isang beses na lumapit si Russel sa'min habang kumakain ay 'di sya pinansin ni Lianne.

Gusto kong umalis sa harapan nila habang nagtatalo sila ng mahina, but I think it's more rude kung aalis na lang ako bigla. And knowing Lianne? Susunod lang 'yan sa'kin.

Hinayaan ko silang magtalo at sumandal na lang ako sa sandalan ng upuan ko.

Gusto kong irapan ang sarili ko dahil para akong martyr dito. Pinapanood ko ang lalaking gusto ko na sinusuyo ang kaibigan ko. The woman he's inlove with.

Iniwas ko ang tingin ko sa dalawa at kumunot ang noo ko nang nakita ko si Penelope na kumakain sa isang table kasama ang bago niyang kaibigan. Sinalubong ko ang tingin nya at pilit na pinigilan ang sarili sa pagtataas ng kilay.

Sobrang sineryoso naman nya ang break up namin ni, Gio. Ang tagal na naming break pero siya di parin nakakapag-move on. 'Yung lalaki nga, nakamove on na, bakit siya hindi pa? Whatever. Ginusto niya 'yan. As if naman na babalikan sya ni Gio kapag lumayo siya sa'min.

"Let's go, Hyacinth," narinig kong tawag ni Lianne pero 'di ko siya tinignan. Ayokong sumama sakanya dahil maririnig ko lang ang rants nya about sa pambababae "kuno" ni Russel. Baka di ko mapigilan ang sarili ko at masabi ko sakanya kung ano ang dahilan kung bakit late umuuwi ang boyfriend niya.

"Hyacinth," may diin na tawag ni Lianne kaya nilingon ko na siya.

"Fix your issues, please? Ayokong naiipit sa away nyong dalawa," tumayo ako at kinuha ang bag ko. Nahagip ng tingin ko ang mukha ni Russel. Mukha na syang pagod na pagod. Iniangat nya ang tingin niya sa'kin na parang nanghihingi ng tulong. Halos 'di ako makahinga sa nakita kong mukha nya.

Tumingin ako kay Lianne na halatang iritado at naiinis sa nangyayari. Huminga na lang ako ng malalim at nilapitan si Lianne.

"Talk to him. Maniwala ka sa boyfriend mo," naglakad na ko palabas sa cafeteria at napagpasyahang gumala na lang. Activity period naman from 3 pm to 6 pm, ibig sabihin wala na kong klase.

Patuloy ako sa paglalakad at hinigpitan ang hawak ko sa bag. Di ako pwedeng masaktan sa nakita ko. Alam ko na sa simula pa lang kung sino ang mahal ni Russel, hindi naman magbabago 'yun dahil iba na ang nararamdaman ko para sakanya.

Bakit ba napaka-komplikado? Damn..

Palabas na sana ako sa gate nang nakasalubong ko si Cilnton. Iniwas ko ang tingin ko sakanya pero hinawakan nya ko sa braso at hinila palapit sakanya.

"Clinton," tawag ko sakanya pero 'di sya umimik. Hinila nya lang ako papunta sa building nila. Nang napansin kong ang daming taong nakatingin ay nagpumiglas ako.

"Just come with me," malumanay niyang sabi sa'kin. Buong lakas kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya kaya nilingon niya ko. "Hyacinth,"

Pinagmasdan ko si Clinton na parang pagod na pagod na nakatingin sa'kin, tinaasan ko siya ng kilay pero hinawakan niya lang ulit ang kamay ko.

"May sasabihin lang ako, Hyacinth," Pagod niyang sinabi sa'kin. Sa tingin ba niya maniniwala ako sakanya? The last time na nilapitan niya ko ay dinala niya ko sa lolo niyang walang puso, ngayon ay lalapit nanaman siya at sinasabi niyang may sasabihin lang sya? Ano ako? Siraulo?

"Fuck off," madiin kong sinabi sakanya bago ako ako naglakad palayo sakanya. Tahimik na ang buhay ko, bakit ba hindi na lang din sila manahimik? 

"Please, Hyacinth--"

Gusto nilang lumayo kami sakanila, ngayong lumalayo ako ay lumalapit naman sila? Ano bang problema nila? 

Love Is A BitchWhere stories live. Discover now