Chapter 12

2K 73 1
                                    



Hapon na at ito na ang huling klase ko para sa araw na 'to. Gustung-gusto ko ng umuwi dahil nahihilo na ko. Patuloy na nagdi-discuss ang professor ko sa harapan habang ako ay medyo nakasandal na ang noo sa mga kamay kong pinagsalikop ko.

"Hyacinth?" Iniangat ko ang mukha ko at sumalubong sa akin ang tingin ni Lianne na nagaalala. Nakaupo sya sa upuan na nasa harapan ko. Tinaasan ko siya ng kilay dahil mukhang wala naman siyang sasabihin. Yumuko na lang ako ulit dahil hilong-hilo na ko.

Tatlong oras ang klase na 'to at two hours pa ang natitira. Sobrang sakit na ng ulo ko, gusto ko ng umuwi at matulog. Gusto ko ng itulog ang sakit ng ulo ko.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ko. Hindi ko na sana papansinin 'yun pero tuloy-tuloy ang vibration nito. Kinuha ko ang cellphone ko at kumunot ang noo ko nang nakita kong si Russel ang tumatawag. Kinancel ko 'yun at ibinalik ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko, pero nag-vibrate ulit 'to kaya inilapag ko na lang sa desk ko ang cellphone ko na nakataob. Baka mamaya may makakita pa na siya ang tumatawag sa'kin.

Umayos ako ng pagkakaupo at tumingin sa harapan, pero talagang hindi ako mapakali. Isinandal ko ang likod ko sa sandalan ng inuupuan ko. Bumaba pa ko ng kaunti para maitukod ko ang siko ko sa arm desk ko. Hinawakan ko ulit ang noo ko at hinayaan ang cellphone ko na mag-vibrate nang mag-vibrate.

Damn, Russel. Masakit ang ulo ko, wala akong gana makipag-usap. Masasapak talaga kita mamaya. Sa sobrang inis ko ay sinagot ko na ang tawag, pero sakto naman na natapos na ang tawag niya. Napailing na lang ako at pinatay ang cellphone ko. Ibinalik ko 'yun sa bulsa ko pagkatapos ay pumikit na ko.

Napadilat na lang ako nang naramdaman kong medyo gumalaw ang upuan ko, dumilat ako at nakita kong nagtatayuan na ang mga kaklase ko. Tumayo na rin si Lianne at agad na lumapit sa'kin.

"Meron ka na ba?" Tanong niya sa'kin pero umiling lang ako sakanya. Tumayo na rin at ako at kinuha ang cellphone ko.

"Uuwi na ko, Lianne," Sabi ko sakanya. Tumango sya pero sumunod sya sakin sa paglabas ng classroom.

"Hi," Lumingon ako kay Russel na nakangiti dahil nakita si Lianne na lumabas ng classroom. Lumapit sakanya si Lianne at ngumiti. Tumingin pa sa'kin si Lianne na nagaalala ulit.

"Sabay ka na samin sa pag-uwi, Hyacinth." Sabi niya sakin pero kaagad akong umiling. Hindi sya pwede sumama sa bahay. Hindi ako nakapag-linis ng bahay. Nasa kusina parin ang jacket ni Russel, baka makita niya 'yun.

"Dali na, Hyacinth, kanina pa ata masama ang loob mo--"

"I'm fine, Lianne." Hindi ko na hinintay ang sagot nya sa sinabi ko. Ayos lang naman talaga ko. Masakit lang ang ulo. Hindi naman ako mamamatay sa sakit na 'to kaya 'di ko kailangan ng tulong.

"Hyacinth!" Hindi ko nilingon ang tumatawag sakin habang bumababa ako sa hagdanan.

Nahihilo na nga ako, bakit pa ko lilingon?

Nagpatuloy ako sa pagbaba sa hagdanan hanggang sa makalabas ako sa building namin. May humawak sa braso ko kaya lumingon ako. Damn. Mali ata na lumingon pa ko.

Umikot ang paningin ko kaya agad akong napahawak sa ulo ko at binalanse kaagad ang katawan ko.

"What the..." shit. Inalis ko ang kamay na nakahawak sa braso ko at tinaasan sya ng kilay.

"Are you okay?" Hindi ako sumagot. Pinulot ko na lang ang nalaglag kong panyo at tinalikuran sya.

Pwede ba? Gustung-gusto ko ng umuwi. Bukas na lang nila ko daldalin nang daldalin.

"Hyacinth--"

"Prince, please?" Saway ko sakanya.

"HYACINTH!" Oh fuck. They should stop calling my name! Para silang mga bata na nawawala!

Naglakad na ko ng isa dahil baka tawagin pa ko ng lahat ng mga estudyante dito.

And then it hits me. Nanlabo ang mga mata ko at naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko.

--

Nakaamoy ako ng mabangong pagkain na niluluto kaya bumangon ako. Nasa loob ako ng kwarto ko at suot ko pa ang uniform ko.

Hinawakan ko ang ulo ko dahil nararamdaman ko nanaman ang pagkahilo ko. Dumiretso ako sa banyo at napapikit na lang nang narealize kong 1st day ko nga.

Lumabas na ko ng kwarto ko nang nakapagpalit na ko at nakapaglinis na ng katawan. Naglakad ako pababa ng hagdanan habang binabasa ang text ni Russel sakin.

Kinukumusta nya ko at sinabi nyang pupunta raw sya sa bahay ngayon para kumustahin ako.

Kumunot ang noo ko dahil sa tinext nya sa'kin.

S'ya ba ang nagluluto sa kusina?

Mabilis akong naglakad sa kusina at tumaas ang kilay nang nakita ko kung sino ang nasa kusina.

"You're awake," sabi nya nang naramdaman nya ata ang presensya ko sa likuran nya.

"What are you doing here?" Tanong ko sakanya.

"Cooking for you?" Sagot nya sa'kin. Naglakad ako ng mabilis papunta sa kalan at pinatay ang gas stove. Tumingin ako sakanya pagkatapos kong gawin 'yun.

"Leave." Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"Hyacinth, please. I just want to talk--"

"There's nothing to talk about, Clinton." Nagtiim bagang sya dahil sa sinabi ko.

Nararamdaman ko ang pagkulo ng dugo ko sa sitwasyon na 'to. At kung hindi pa agad sya aalis ay baka sumabog na ko.

"Importante 'to, Hyacin--"

"I don't care," nag-iwas sya ng tingin at huminga ng malalim.

Kinuha nya ang polo nya na nasa upuan pero agad syang natigilan dahil nakita nya ang jacket ni Russel na nakapatong sa isang upuan. Alam kong alam nyang kay Russel 'yun dahil varsity jacket iyon ni Russel.

"You're meeting your bestfriend's boyfriend?" Nilingon pa nya ko nang tinanong nya 'yun.

Sinalubong ko lang ang tingin nyang hindi makapaniwala. I'm not going to explain my side.

"Hyacinth," nag-kibit balikat ako nang may sumabay sakanya sa pagtawag sakin. Tinignan ko ang pintuan na kakabukas lang at iniluwa noon si Russel na nanlalaki ang mga mata habang nakakunot ang noo.

Lumingon din doon si Clinton at tumayo ng tuwid tsaka sya naglakad ng dire-diretso palabas ng bahay. Hindi man lang sya nag-hi kay Russel o ano man. Tuloy-tuloy lang sya.

Lumingon si Russel sakin na naguguluhan nang nakalabas si Clinton kaya nag-kibit balikat lang ako ulit. Kinuha ko naman ang kawali at tinapon ang laman noon sa lababo habang naglalakad palapit si Russel sa'kin.

Love Is A BitchWhere stories live. Discover now