Chapter 8

2K 86 4
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya habang sinususian ko 'yung kandado sa gate.

"Hmmm, hinihintay ka?" Sagot nya sa tanong ko. Huminga ako ng malalim at hinarap siya.

Naka-uniform parin sya at mukha na syang pagod. Umiling ako dahil mukhang kailangan kong magluto ngayong gabi. Ugh.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sakanya pagkabukas ko ng gate. Pumasok rin siya pagkapasok ko sa loob. Sinusian ko rin ang doorknob at tuluyan nang pumasok sa loob.

"Not yet," sagot niya. Nilingon ko sya at nakita kong nakapag-hubad na sya ng sapatos, inaalis na rin nya ang polo niya. So feeling nya bahay nya 'to?

Nilapag ko ang bag ko sa sofa kasama ng paper bag ko kung nasaan ang corporate attire na ginamit ko kanina sa school. Inalis ko na rin ang sapatos ko at nilagay yun sa lagayan.

Nagsuot ako ng tsinelas habang tinatali ko ang mahaba kong buhok. "May hindi ka ba kinakain?" Tanong ko sakanya.

Binuksan ko ang fridge para malaman kung anong pwede kong lutuin. Simula nang palagi syang nandito, palagi na kong nagluluto. Hindi ba nya alam na nakakasira sya ng budget? Nakakainis.

Tumayo ako ng tuwid at nilingon ulit ang bwisita ko na hindi sumasagot. Nakita ko syang nakaupo sa sahig at nagsisimula ng mag-drawing sa sketchpad. Pinatungan nya pa 'yung center table.

"Russel," tawag ko sakanya. Itinaas nya ang tingin nya sakin dahil tinawag ko siya. "Anong gusto mong kainin?" Tanong ko.

"Wag na, Hyacinth. Tatapusin ko lang 'tong dino-drawing ko at tatanungin ka tungkol sa binake kong brownies kanina, pagkatapos nun ay aalis na ko," binuksan pa nya ang bag nya at inilabas ang isang tupperware.

Naglakad ako palapit sakanya para makita yung ginawa nya.

"Hindi ka pa kumakain, magluluto ako. Pag natapos ka ng kumain tsaka ka lumayas sa bahay ko," kinuha ko 'yung tupperware at tinalikuran na sya.

Nakakasira sya ng budget, pero nakakaawa naman kung hindi sya kakain. Nangako ako na tutulungan siya.

Naglabas ako ng karne para masimulang pakuluan 'yun. Naghiwa na ko ng bawang, pati na rin patatas ay hiniwa ko na. Mabilis lang namang lutuin ang adobong manok kaya siguro naman bago siya matapos makakakain na siya. Nag-salang na rin ano ng sinaing para sabay silang maluto.

Habang pinapakuluan ko ang manok ay tinikman ko yung brownies nya. Kumunot yung noo ko pagkakagat ko palang.

Bakit ang pait? Naparami ata ang cocoa ng baliw na 'yun. Tsaka sunog na sunog yung ilalim.

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan yung brownies. November palang naman, siguro naman bago sumapit ang January, marunong na siya.

Tinapos ko ang niluluto ko na inabot ng 45 minutes dahil hindi ko makuha ang tamang timpla. Tsk. This is why I hate cooking.

Nang natuwa na ko sa lasa ay nagsimula na kong maghain. Itinabi ko na yung brownies nya sa fridge para kapag wala na kong pera at nandito parin siya, yun na lang ang ipapakain ko sakanya. Hmmm, kapag pumunta sya bukas, yun na lang ang ibibigay. Kailangan kong magtipid.

Natawa ko sa iniisip ko kaya umiling na lang ako. Naglakad ako pabalik sa sala para tawagin ang asungot.

"Russel, kakain na--" naputol ang sasabihin ko dahil nakita ko si Russel na tulog sa sahig. Buti na lang may carpet dahil kung wala, baka magkasipon siya. Kasalanan ko pa. Sus.

Lumapit ako sakanya at niyugyog sya ng konti para magising siya, pero hindi sya nagising. Umayos pa siya ng higa at mas lalong natulog.

So, nagluto ako para sa bisita pero tinulugan lang ako? Nice. Sayang yung gasul.

Tatayo na sana ko nang mahagip ko 'yung sketch pad niya. Kinuha ko yun dahil gusto kong makita kung marami na ba syang nagagawa.

Naramdaman kong may nalaglag mula sa sketch pad pagkakuha ko. Pinulot ko yung nalaglag at kumunot ang noo nang nakita ko ang picture namin ni Lianne.

Napangiti ako habang pinagmamasdan si Russel na tulog na tulog sa sahig.

Ang lalaking 'to, baliw na baliw kay Lianne.

Love Is A BitchWhere stories live. Discover now