Chapter 5

2.4K 99 8
                                    


"Ano bang balak mo?" Tanong ko sakanya habang kinakausap ko naman ang ka-partner sa isang subject ko.

"I want to do something sweet, 'yung magugulat na lang sya." Determinado nyang sabi.

"Bakit di mo i-try na magbihis na multo at pumunta sa bahay nila ng madaling araw?" Suhestyon ko pero tinignan nya lang ako ng masama.

"Sabi ko, gugulatin ko. Hindi tatakutin." Pagsusungit nya. Tinaasan ko sya ng kilay at nagsimula na kong mag-search about sa surprises.

Noong first anniversary nila, nag-prepare si Russel ng isang dinner para sakanila. Lahat ng ideya ay sakanya. Sa seaside nila 'yun ginawa. Hmmmm..

"If ever ba na dinner ulit... ugh. Nevermind." Umirap pa ko dahil naiinis ako sa sarili ko. "Damn. Wala akong alam sa ganito. Si Pen ang magaling sa ganito." Bumugtong hininga pa ko.

Panay ang bigay nya ng suggestion pero iling lang ako ng iling dahil sobrang corny. Sobrang halata. Sobrang ewan. Ugh! Whatever.

"Marunong ka bang mag-bake?" Tanong ko. Tinaasan nya ko ng kilay at umiling.

"I'm not a girl," maarte nyang sabi.

"Hindi porket lalaki ka, hindi ka magbe-bake. Ewan ko sa'yo. Mag-bake ka ng cake at maglagay ng singsing sa loob." Ngumuso pa ko at nag-isip. "Not a proposal ring. Panibagong couple's ring lang." Sabi ko.

Ngumiwi sya sa sinabi ko kaya inirapan ko sya. Mas corny ata 'yung sinabi ko. Whatever po.

Nathaniel: Ako na gagawa ng presentation, tapos bukas natin gawin 'yung output.

Nag-type ako ng okay sakanya at nagbigay ng picture para sa naisip kong output namin para sa exam namin.

"Magaling kang mag-drawing diba?" Tanong ko sakanya.

"Oo, bakit?" Ngumiti ako at sinabi ko sakanya 'yung naisip ko.

"Gusto mo ng sweet. Gusto mo ng pinaghirapan. What if.. i-drawing mo kung paano kayo nagsimula hanggang sa kung anong meron kayo ngayon?" Tanong ko. Kinagat ko kaagad 'yung labi ko dahil naisip kong corny din 'yun.. but I find it very sweet. I don't know.

"Ido-drawing ko?" Tanong nya at ngumiti sakin.

"Oo? Sa isang notebook or sketchpad, na kapag finlip nya ng mabilis 'yung pages, gumagalaw yung drawing?" Napakagat sya sa labi nya at ngumiti ng malapad.

"Pero hindi doon natatapos. I want you to bake a cake. Dadalhin natin sya sa isang mataas na lugar doon ka papasok with the cake," sabi ko pa.

"I don't know how to bake." Pagkontra nya sakin.

"Exactly. You're gonna bake for her, at di mo ba alam kung gaano sya magiging masaya nun? Magaaral ka ng baking for her." Tumayo na ko at niligpit 'yung laptop.

Natigil ako sa pagliligpit at tinignan si Russel na nag-iisip ng malalim.

"Two months. Kaya mo bang gawin yun sa loob ng two months, Russel?" Tanong ko. Huminga sya ng malalim at sumandal.

Damn it! Kaya ayokong tumutulong. Ugh.

"I'll teach how to bake." Sabi ko sakanya. Dahan-dahan syang lumingon at ngumiti.

"Marunong ka?" Tanong nya sakin kaya tumango kaagad ako.

"We can't waste another day, so tara sa kusina." Tumayo ako ng tuwid para makapaglakad na papunta sa kusina, naramdaman ko namang nakasunod sya kaya dumire-diretso lang ako.

"Pwede bang dito na lang ako palagi para maturuan mo ko?" Tanong nya.

"May bahay ka ah?" Sabi ko sakanya.

"Hindi ako pwedeng mag-aral ng baking sa bahay, makulit si Ria, baka madulas pa 'yun kay Lianne." Sabi niya.

Ohh. May kapatid nga pala siyang babae.

"Bahala na." Sabi ko. Isa-isa kong inilabas ang mga kailangan, sinabi ko sakanya kung anu-ano ang mga 'yun at kung saan sila gagamitin.

"Hindi parin ako makapaniwala na marunong kang mag-bake." Masaya nyang sabi na hindi ko na pinansin.

Hindi rin ako makapaniwala na may lalaki palang ganito. Sana lang wag syang magsawa kay Lianne dahil kukutusan ko siya.

"Hanggang kailan ko hahaluin 'to?" Tanong niya sakin. Gusto kong matawa dahil naka-suot sya ng sky blue na apron na may panda, he looks gay.

Mabilis kong kinuha 'yung tissue at pinunas sa mukha nya dahil tutulo na 'yung pawis nya sa hinahalo nyang chocolate.

Natigil sya sa paghalo at tumingin sakin habang tinatapon ko 'yung tissue.

"Sa susunod, siguraduhin mong walang tutulong pawis o laway sa ginagawa mo. Kadiri ka." Inirapan ko sya at sinabihan pa na haluin 'yung chocolate na gagamitin para sa chocolate cake.

"Yes, ma'am." Masaya nyang sabi.

Tinuro ko sakanya 'yung next step at nakikinig naman sya sakin. Kitang-kita ko sa mukha nya na determinado syang matuto sa pagbe-bake. Pinanood ko rin syang mag-halo ulit ng kung anu-ano.

Tumaas ang kilay ko habang nakasandal ako sa sink at pinapanood syang hirap na hirap sa paghalo.

"Buti hindi lumalaki ang braso mo kapag naghahalo ka," sabi nya sakin pagkatapos nyang mag-halo.

"May mixer naman kasi," niligpit ko 'yung mga kalat at tinatapon sa basurahan. Tsk. Ayoko talaga ng makalat.

Naramdaman kong may malagkit na dumikit sa tungki ng ilong ko.

"RUSSEL!" Sigaw ko sakanya. The eff?! Kaka-shower ko lang kanina!

"Mat mixer pero di mo sinasabi sakin? Pinahirapan mo pa ko?" tanong nya sakin.

"Kadiri ka!' Reklamo ko parin habang tinatanggal yung icing na ginawa nya sa ilong ko. Ang lagkit!

Tumigil ako sa pagpupunas sa ilong ko nang narinig ko syang tumawa ng malakas. Nilingon ko sya para sana singhalan pero hindi ko natuloy dahil parang ang saya-saya nya. Nahiya naman akong sawayin. Tsk.

Abnormal.

Iniwas ko ang tingin ko sakanya at naglinis na lang ulit. Kinagat ko pa yung ibabang labi ko dahil ngumingiti mag-isa. Ay naku.

Love Is A BitchWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu