Chapter 2

4K 112 12
                                    


"Ang napagod na pagmamahal ay parang nalalantang bulaklak. Dating maganda pero unti-unting pumapanget. Parang nalalantang bulaklak na kahit anong pilit mong buhayin ay unti-unti ng nasisira."

--

"Kung minsan nga ay ikaw pa mismo ang makakapatay dahil hinawakan mo," Bulong ko sa sarili ko habang nakapangalumbaba kaya tumingin sakin si Lianne.


"Ano 'yun?" Tanong niya sakin kaya ngumiti ako sakanya para umiling.


"Wala," sagot ko sakanya. Kinuha ko na lang 'yung notebook ko at nagsulat nang nakita kong nagsulat ang professor namin. 


"Hindi ka pa rin ba niya... kinakausap?" Dahang-dahang tanong sakin ni Lianne. Tumigil ako sa pagsusulat para tignan pabalik ang kaibigan ko. 


Ilang linggo na ang lumipas pagkatapos nang pageeskandalo ni Gio, at simula sa araw na 'yun ay hindi na talaga ako kinausap ni Penelope dahil sa nasaktan siya sa ginawa ko kay Gio. Eh ano? Hindi naman ako uhaw sa atensyon kaya bahala siya.


"Hindi pa," simpleng sagot ko at nagpatuloy sa pagsusulat. Ramdam kong panay ang sulyap sakin ni Lianne at sa isa pa nyang kaibigan na nasa harapan.


Naging kaibigan ko si Lianne at Penelope noong first year college kami at simula noon, hindi na kami naghi-hiwalay pa. Hindi ko lang alam ngayon. Baka humiwalay si Penelope next sem dahil sa nangyari. 


Umirap ako dahil sa naisip ko. Kung gagawin man niya 'yun ay wala pala siyang kwentang kaibigan. Ni hindi nga niya ko tinanong kung bakit ako nakipag-break kay Gio, basta na lang siyang nang-husga. At kung pupunta sya sa ibang block next sem ay bahala siya. Sino ba ang magmumukhang bitter? Ako ba? Hindi ba't sya rin naman?


"Ugh, sa wakas naman at binigyan nya tayo ng break! Ang umupo sa upuan nang dalawang oras ay 'di biro!" Maligalig na sabi ni Lianne habang naglalakad kami papuntang cafeteria. 


"Ako nanaman ang sinamahan mo, kaya nagtatampo sayo si Pen, e." Sabi ko sakanya.  


"Sinasamahan ko naman siya, kaso... basta! Tara na nga, nagugutom na ko." Hinila na niya ko papunta sa isang stall at namili na ng kakainin. 


"30 minutes lang ang break natin, kakain ka pa talaga ng kanin?" Tanong ko habang nakangiwi sakanya kasi nagsisimula na siyang banggitin ang order niya.


"Kaya kong kumain sa loob ng 10 minutes, hindi katulad mo na inaabot ng syam-syam," tinaasan ko lang siya ng kilay kaya natawa sya sakin. 


Bumili lang ako ng sandwich, isang chocolate bar at milk tea. Agad naman kaming nakaupo dahil bihira ang mga estudyante sa cafeteria nang ganitong oras. 


Nagsimula akong kumain habang si Lianne ay nagti-text. "Russel will come here, and sorry Hyacinth.. kasama ata nya si Gio," malungkot niyang sabi sakin. 


Ngumuso lang ako dahil sa sinabi niya, wala lang naman sakin kung dadating si Gio, I'm cool but he's not. Kung mage-eskandalo ulit siya ay para na syang baliw. 

Love Is A BitchWhere stories live. Discover now