Chapter 11

2.2K 80 5
                                    


Nakatayo ako sa ilalim ng puno habang pinapanood ko ang mga kaklase kong nagtatakbuhan sa quadrangle. Napailing na lang ako at napag-desisyunan na umupo na sa kinatatayuan ko. 

Binigyan kami ng dare ng isa naming professor na hahayaan niya kaming ma-exempt sa isa naming exam kapag nag-participate ang buong klase namin sa activity na 'to.

"Hindi ka talaga sasali?" Tanong ni Lianne sakin habang hiningal.

"No," sagot ko sakanya.

"Come on, Hyacinth. Wag kang magpaka-KJ, please?" Ngumiti pa siya sakin na parang bata kaya inirapan ko siya. No. Hindi ako sasali sa kalokohan na 'yan. 

Tatakbo paikot sa quadrangle habang sumisigaw ng cheer para sa laban ng university namin mamaya sa isang basketball tournament? Ayoko. Wala naman akong makukuha doon maliban sa kahihiyan. Kaya kong mag-exam. Hindi pa ganun kalaki ang pangangailangan ko sa grades ko para gawin 'yan.

"Just go and run with them, wala akong gana," Isinandal ko ang ulo ko sa puno at ipinikit 'yun. Narinig ko ang kaluskos ng mga dahon. Umalis na siguro si Lianne. Alam naman niyang hindi ako mapipilit. 

Nanatili akong nakapikit habang nararamdaman ang malamig na hangin sa kinauupuan ko ngayon.

"Anong ginagawa nyo dito?" Huminga ako ng malalim nang marinig ko ang boses ni Russel. Simula nung nagkabati silang dalawa, hindi nanaman sila maipaghiwalay sa school, tapos kapag uwian naman, ako ang kinukulit ni Russel. Nabibwisit na ko sa dalawang 'to. Palagi akong iniistorbo.

"Inaaya ko si Hyacinth na tumakbo doon, pero hindi ko mapilit, e!" Reklamo ni Lianne sa boyfriend niya kaya iminulat ko ang mga mata ko. Nakita ko silang dalawa na nakatayo sa magkabilang gilid ko at nakatingin sakin. 

"I just want to rest," sabi ko sakanilang dalawa. Umupo si Lianne sa tabi ko at pinagmasdan ang itsura ko. "Ano ba!" Naasiwa kong saway sakanya. 

Tumawa naman siya sa ginawa ko kaya 'di na lang ako umimik. Bakit ba napaka-abnormal ng babaeng 'to?

"Lumalaki ang eyebags mo, Hyacinth. Hindi ka pa naman nagme-make up kaya nahahalata lalo," tinusok pa ng hintuturo nya ang eyebags ko kaya tinignan ko sya ng masama. 

"Tigilan mo nga ako, bakit ba hindi eyebags mo ang pakielaman mo?" Tanong ko sakanya.

"Kasi mas malaki na eyebags mo sakin. Sungit nito," Nagawa pa niyang mang-asar kahit na halatang naiirita na ko. Tsk. Nagiging iritable na ko. Magkakaroon na ata ako. Damn. 

"Sisihin mo 'yung iba dyan dahil sa eyebags ko," masungit kong sabi sakanya. Aba. Totoo naman na kasalanan ni Russel kung bakit ako napupuyat gabi-gabi. Wala siyang ginawa kundi mag-bake ng paulit-ulit, pero infairness sakanya, gumagaling syang mag-bake. 

Sabagay, kailangan na nyang galingan dahil malapit na ang anniversary nila ni Lianne. Nalaman kong nagpatulong sya kay Gio sa pakikipag-bati kay Lianne. Kinuntsaba niya pa 'to para hindi malaman ni Lianne na may balak siya para sa anniversary nila. 

Sumulyap ako kay Russel at nakita kong nakakunot ang noo niya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi niya inaalis ang tingin niya sakin. Abnormal ba 'to? 

Lumingon ako sa katabi kong si Lianne na nakatingin sakin. 

"Moody ka na, Hyacinth. Magkakaroon ka na, no?" Tumawa pa siya pagkatanong niya nun kaya sinamaan ko siya ng tingin. "O siya, siya. Tatayo na ko at makiki-takbo ako doon. Sasabihin ko na lang na meron ka kaya di ka makakatakbo kasama namin," tumayo siya pagkasabi niya nun. Pinagpagan pa niya ang palda niya bago siya nagpaalam kay Russel at iniwanan na kaming dalawa. 

"Stop staring at me, para kang ewan diyan," puna ko kaagad sakanya pagkaalis ni Lianne. Nanatili ang tingin ko sa mga kaklase ko na tumatakbo sa quadrangle.

"Napupuyat ka ba dahil sa'kin?" Tanong niya sakin. Tumingin ako sakanya dahil sa tanong niya at nakita kong nakatingin parin siya sakin.

"Not really," sagot ko sakanya. 

"Ayos ka lang ba?" Lumapit pa siya sakin at sinalat ang noo ko pero hinawi ko 'yun. Naiinitin ako kaya ayokong may humahawak sakin.

"Oo," sagot ko sa tanong niya. Hindi siya umalis sa harapan ko kaya tumingala ako at tinignan syang nakatingin sakin ng seryoso. 

"Sigurado ka bang ayos ka lang?" Tanong niya ulit.

"I'm fine. Umalis ka sa harapan ko dahil nahaharangan mo 'yung hangin," sabi ko sakanya. Naglakad sya papunta sa gilid ko at umupo sa tabi ko. 

"Sorry," Sabi niya nung nakaupo siya sa tabi ko.

"For what?" Tanong ko.

"For disturbing you every night," mahinahon niyang sabi sakin. Tumingin ako sa kamay niyang malapit sa kamay ko na napatong sa lupa. 

"Ayos lang naman sakin," iniangat ko ang tingin ko papunta sa mukha niya at ngumiti. 

Kahit na naiirita ako sakanya gabi-gabi, natutuwa parin ako. Matagal na simula nung nawalan ako ng kasama sa bahay, sobrang tagal na. Masaya rin naman ako na nandun siya, atleast may kasama ako. Kahit na i-deny ko pa araw-araw.. masaya ako na kasama ko siya. Nakakaboring kaya sa bahay.

Nakatingin lang siya sa mga mata ko na walang reaksyon kaya tumingin na lang ako sa harapan ko para maiwasan ang tingin niya sakin.

"You.. smiled," ngumuso ako dahil narinig ko pa na natawa sya. "Damn, Hyacinth! Ngumiti ka!" Hinawakan niya pa ko sa braso ko at iniharap sakanya. 

Nakita kong may mga ngiti sakanyang labi. Mga ngiti na para syang binigyan ng favorite nyang candy. Kinagat niya ang labi niya at hinawakan ang magkabilang dulo ng mga labi ko. Hinawi ko 'yun at tinaasan sya ng kilay pero nakatitig lang talaga siya sakin. 

"You're creeping me out, Russel!" Saway ko sakanya. Lumayo pa ko sakanya para mabitawan niya ang mga braso ko. 

"I'm sorry. It's just that.... you're really pretty when you smile," kumunot ang noo ko sa sinabi niya at hindi na muli siyang tinignan. Wala rin naman akong sasabihin kaya bahala na siya dyan. 

-

"What's with you and Clinton ba?" Huminga ako ng malalim habang naglalakad palabas ng cafeteria. Kanina pa ko kinukulit ni Lianne na nakatingin daw sa'kin si Clinton noong nakaupo ako sa ilalim ng puno kanina. 

Nakita niya raw habang tumatakbo sila na nakatayo si Clinton kasama ang mga kaibigan nito sa gilid ng quadrangle at nakatingin sakin. Hindi ko naman napansin kaya wala akong sinasabi, at kung napansin ko man 'yun. Wala akong pakielam.

"Wala nga," sagot ko sakanya nang hindi siya tumigil kakasunod sakin. Pumunta ko dito para bumili ng tubig pero hindi niya talaga ko nilubayan kaya minabuti ko na lang na lumabas.

"Hyacinth," hinawakan pa niya ko sa braso at iniharap sakanya. Tumingin ako sa kamay nyang nasa braso ko at saka sya tinignan ng masama. I really hate it when someone's forcing me to say something even if I don't want to.

"Don't ask me again kung hindi ka maniniwala sa isasagot ko," marahas kong inalis ang kamay niya sa braso ko at iniwanan sya sa may pinto ng cafeteria.

I value privacy pero may mga tao talagang hindi alam rumespeto noon. Hindi ko ugaling magtanong ng mga nangyayari sa buhay nila unless magsabi sila sa'kin, kaya sana ganoon din ang gawin nila sa'kin. They should stop forcing me to do something I don't like. At mas lalong wag nila kong tinatanong sa mga bagay na dapat hindi na nila inaalam pa.

"Hyaci," tumigil ako sa paglalakad at nilingon ang tumawag sa'kin. Nag-crossed arms ako nang nakita ko si Clinton ang tumawag sakin.

"Hmmm?" Sagot ko sa pagtawag niya sakin.

"Let's talk," tanong niya sa isang matigas na boses kaya pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. We're not close so bakit ako makikipag-usap sakanya?

Tinalikuran ko siya at hinawi pa ang buhok ko bago ko siya iwanan doon sa kinatatayuan niya. I don't wanna talk. I'm not in the mood right now. 

Love Is A BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon