Chapter 16

2K 67 5
                                    


Panay ang hinga ko ng malalim nang makalabas ako sa mansyon. Iling ako nang iling dahil nanlalabo ang mga mata ko sa luha na nagbabadyang tumulo. Pinunasan ko kaagad 'yun para hindi na tumulo.

Napahawak ako sa dibdib ko habang nagaabang ako ng taxi. Sinasapok-sapok ko yun dahil naninikip sa sakit.

"Damn you, Clinton." Bulong ko bago ako pumasok sa taxi. 

Hinawakan ko ang ulo ko dahil sumasakit 'to.

Nag-abot kaagad ako ng pera nang dumating ako sa pupuntahan ko. Bumaba ako sa taxi at sinalubong ako ng malakas na hangin.

Naglakad ako papunta sa puntod ng mama at papa ko, umupo kaagad ako pagkarating ko doon at ngumiti kahit na tumutulo ang mga luha ko.

"Hello," natawa ko habang pinupunasan ang mga luha ko. "Ang kalat naman ng puntod nyo, gaano katagal na ba kong hindi bumibisita?" Inalis ko 'yung dahon sa puntod nila at napalitan yun ng mga luha kong tumutulo.

Umupo lang ako doon at hinayaan ang sariling umiyak nang umiyak. Walang lumalabas salita sa bibig ko, tanging hikbi lang. Sa tuwing ibubuka ko ang bibig ko ay hikbi lang ang lumalabas. Kaya isinandal ko na lang ang ulo ko sa tuhod ko at hinayaan ang sarili na umiyak.

Ilang taon ko ring pinigilan na umiyak, ngayon na lang lumabas ulit.

Bumabalik sa'kin lahat ng alaala na gusto ko ng kalimutan. Mga alaala na naging dahilan kung bakit ako ganito ngayon. Maraming nagtatanong kung bakit hindi ko magawang magmahal ng todo... Paano ko makakayanang magmahal ng sobra kung nakita ko kung paano sinira ng pagmamahal ang buhay ng pamilya ko? 

Oo, wala ako sa mundo na 'to kung hindi mahal ni Papa at Mama ang isa't-isa. Kung hindi nila pinaglaban kung ano ang gusto nila. Kung hindi nangibabaw ang pagmamahalan nila.

Napaka-cliche ng buhay ko kung tutuusin. Itinakwil ang papa ko dahil hindi gusto ng ama niya ang mama ko dahil isa syang ulila? That's a fucking cliche story, but unlike in the stories, hindi ko hahayaan na pati ako durugin nila. Ipinagtulakan nila ko nung kinailangan ko sila, so bakit ko hahayaan na pumasok sila sa buhay ko ngayong kaya ko naman? 

Tumayo na ko mula sa pagkakaupo sa damuhan at pinunasan ang mga luha ko. 

Kahit kailan hindi nagalit si Mama sa mga Anderson kahit na pinabayaan kami, kahit na sisihin siya dahil sa pagkamatay ni Papa, palagi lang sinasabi sa'kin ni Mama na intindihin ko ang magulang ni Papa. Tinuruan niya kong wag magtanim ng sama ng loob. 

"Sorry, Ma. Pero kung hindi dahil sa galit ko sakanila, baka wala ako sa kinakatayuan ko ngayon," naglakad na ko paalis sa sementeryo at pumunta na sa bahay. 

Ang huling hiling ni Mama sa'kin ay kapag dumating ang panahon at handa na ang Anderson na tulungan ako, tanggapin ko ng buong puso. But no. Hindi ko gagawin 'yun. Minsan ko ng ibinaba ang sarili ko sakanila. Humingi ako ng tulong para ipagamot ang mama ko, pero wala silang ginawa. 

Pakiramdam ko ay may nakapatong sa'kin na isang bloke ng yelo sa mga balikat ko dahil sa sama ng loob ko. Sa galit ko kay Clinton dahil sa ginawa niya at sa galit ko sa sarili ko, dahil hinayaan kong maapektuhan ako. 

Kinagat ko ang ibabang labi ko at hinawi ang buhok ko dahil humangin ng malakas. Ang lamig ng gabing 'to. Inipit ko 'yun sa tainga ko at kinuha ang susi ng bahay sa bag ko. Mabuti na lamang at malapit ang sementeryo sa subdivision namin. Hindi ko na kinailangan pang sumakay ng tricycle.

Pinagmasdan ko ang lalaking nakasandal sa gate ng apartment ko, tumayo siya ng ayos nang nakita niya ko. Halos magmura ako sa utak ko dahil bakit ngayon pa siya pupunta? Tsaka bakit ba siya nandito? Wala ng dahilan para pumunta sya dito dahil ang alam ko, tapos na ang preparasyon niya para sa anniversary nila ni Lianne. 

Dumiretso ako sa gate nang gumilid siya, alam kong pinapanood niya ko habang sinususian ko ang gate. 

Napalingon ako sakanya nang hinawakan niya ang braso ko. Kumunot ang noo niya doon kaya tinaasan ko siya ng kilay. Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at dumiretso na loob, nang nakapasok siya ay sinara niya ang gate. Pumasok kami sa bahay nang walang imikan, didiretso na sana ako paakyat nang nagsalita siya.

"Ang lamig ng braso mo. Alas-otso na rin ng gabi," Nilingon ko siya at nakita ko ang galit o kung ano man sa mga mata niya.

"E ano?" Tanong ko sakanya, kumunot lalo ang noo niya at naglakad palapit sa'kin pero napailing na lang ako at nagsimulang umakyat sa kwarto. Hinawakan ko na ang seradura ng kwarto ko para makaligo na ko at makapag-palit ng damit.

"It's your birthday, today." Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Napakurap ako ng ilang beses pero hindi ako lumingon sakanya. Paano niya nalaman? "Nagtataka ako kung bakit parang hindi ka nag-celebrate, at nalaman ko na hindi alam ni Lianne kung kailan ang birthday mo," 

Narinig ko ang mga yabag niya paakyat.. palapit sa'kin. Hinawakan niya ang kamay ko nang nasa tapat na rin siya ng kwarto ko at iniharap niya ko sakanya. 

"Why are you so distant, Hyacinth?" Umiling lang ako at binawi ang kamay ko sakanya. 

"Paano mo nasabing birthday ko?" Tanong ko sakanya pero ngumiti lang siya sa'kin. 

Halos matunaw ang puso ko dahil sa pinakita niyang ngiti sa'kin. Napaka-warm ng dating sa'kin ng ngiti niya. Umiling ako dahil rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko. Sa tanang ng buhay ko, ngayon lang bumilis ng ganito 'to. Para akong kinakabahan.. oo.. kinakabahan nga ako. Kinakabahan ako para sa sarili ko.

"Hey..." Umatras ako palayo sakanya dahil nangilid ang luha sa mga mata ko. Damn it, Hyacinth. Bakit ba napaka-drama mo ngayon? 

Suminghap siya sa nakita niya kaya humakbang siya palapit sa'kin at hinila ako palapit sakanya. Niyakap ako ng mahigpit nang nahawakan niya ang kamay ko. Kinagat ko ang labi ko dahil sunud-sunod na nagsituluan ang mga luha ko. 

"Happy birthday," bulong niya at mas hinigpitan pa ang yakap niya sa'kin. Humawak ako sa braso niya dahil nararamdaman ko na ang panghihina ng mga tuhod ko. 

Niyakap ko siya pabalik at isinandal ko ang noo ko sa balikat niya, sobrang lamig ngayong gabi at tanging ang yakap niya lang ang nakakapagbigay ng init sa'kin. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. 

 Umiiyak ba ko dahil sa nangyari kanina o umiiyak ako dahil may nakaalam ng birthday ko na isa sa mga lihim ko.. o iniiyakan ko ang sarili ko dahil...


Alam kong pati ako.. magiging biktima na ng pagmamahal.

Love Is A BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon