Chapter 3

3.1K 108 10
                                    


"HYACINTH!" Napairap ako dahil sa pagtawag ni Lianne sakin dito sa corridor. Ugh!

"Lianne naman!" Saway ko sakanya dahil pinagtinginan kami halos lahat ng mga estudyante.

"Ayos lang kung iiwan mo 'yung dalawang nag-aaway dahil sa'yo, pero wag naman ako." Umirap sya pagkatapos nyang sabihin 'yun kaya umiling na lang ako. Nakita kong nasa likuran nya si Russel na natatawa sa kaartehan ng girlfriend nya.

"I don't wanna be a third-wheeler, Lianne." Sabi ko at pagkatapos ay tinalikuran na sila ng boyfriend nya. Kung sasabay sya sakin sa pag-uwi at kasama ang boyfriend nya... Sorry pero wag na lang.

"What? Don't tell me you're bitter?" Natatawang sabi ni Lianne na parang nageenjoy sya. 

"I'm not." Sagot ko habang kinukuha ang panyo ko sa bag. Umubo ako pagkalagay ko ng panyo sa bibig ko. Nakita kong lumapit sa akin si Lianne para hawakan ang noo ko pero iniwas ko ang noo ko sakanya. 

"You're sick?" Tanong niya, hinawi ko ang kamay nya pero mabilis hinawakan ni Russel 'yun kaya nagtagumpay si Lianne sa pag-salat sa noo ko.

"Epal." Sabi ko kay Russel at inirapan sya nang nakita kong natatawa sya. Umiling ako dahil lumabas 'yung dimple niya. 

"May kasama ka ba sa bahay nyo? Mainit ka, Hyacinth." Sabi ni Lianne sakin. 

"I can handle myself--"

"Cut that crap, the last time na nagkasakit ka halos mag-deliryo ka na dahil ayaw mong uminom ng gamot." Hindi na lang ako sumagot sa sinabi ni Lianne. As if naman na makakapalag pa ko sakanya. 

"May ubo ka pero uminom ka ng Milk Tea?" Tanong ng boyfriend niya. 

"Hindi ko alam na may ubo ako. Wag nga kayong OA. Ngayon lang ako inubo at mainit ang balat ko dahil kanina pa ko nakakababad sa arawan, see? Layas nga sa dadaanan ko." Nilagpasan ko silang dalawa para makalabas na ko sa gate, inilagay ko na lang ang panyo ko sa bibig at ilong ko dahil usok ang sasalubong sakin pagkalabas ko sa gate. 

Sumakay ako sa tricycle para makarating na agad sa bahay. Pumasok ako sa bahay pagkabayad ko. Shit, bakit parang lalagnatin ata ako? 

Mabilis akong pumasok at ni-lock ang pintuan, umakyat ako para makapaglinis ng katawan at makapag-bihis. Bumaba ako dahil narinig kong may nag-leave ng message sa telephone. Pinindot ko yun at umupo sa upuan para makapag-patuyo ng buhok sa electric fan.

"Nasa account mo na ang panggastos mo this month, nandun na rin ang pambayad sa tuition mo." Tumitig lang ako sa telephone habang pinapatuyo ko ang buho ko pagkatapos kong marinig yung message. 

Tumayo na ko kaagad nang naramdaman kong tuyo na ang buhok ko, umakyat na ko sa kwarto para makatulog dahil naramdaman kong pagod ang katawan ko. 

-

"Are you okay?" Tanong ni Lianne pagkakita sa akin. Ngumiti ako sakanya at tumango pagkaupo ko sa upuan ko. Napansin kong sumulyap sakin si Penelope pero iniwas nya rin kaagad ang tingin nya sakin.

"O, ito. Pinapaabot ni Russel." Tinignan ko 'yung sandwich na nasa desk ko. 

"Para saan 'yan?" Tanong ko sakanya.

"Alam kasi namin na hindi ka kumakain ng breakfast. I was about to buy some breakfast for you, kaso sinabi niyang gumawa sya ng sandwich. See? Pareho tayong may sandwich." Nakangiti nyang sabi kaya tumango ako.

"Thank you. Kakain naman ako mamaya, di nyo naman ako kailangang bigyan ng pagkain." Natatawa kong sabi sakanya pero kumindat lang siya sakin.

Love Is A BitchWhere stories live. Discover now