Chapter 10

2K 76 2
                                    


"Kapag hindi mo sinuyo si Lianne, wala kang kasamang mag-celebrate ng sinasabi mong anniversary," singhal ko kaagad kay Russel pagkapasok ko palang sa bahay. 

Ni hindi man lang ako nagkamali sa haka-haka ko na nasa bahay ko na siya. Nasa loob siya ng bahay at hinihintay akong makauwi. Abnormal ba 'to? Hinahayaan niyang galit sakanya ang girlfriend niya. Kapag 'yun napuno at nakipag-break sakanya, mapupunta sa wala lahat ng ginagawa niya. Tsk tsk.

"Chill! I'm working on it," kumindat pa siya sa akin at kaagad na pinakita sakin ang teddy bear at isang envelope na sa palagay ko ay isang love letter. 

Hindi kaya magkaroon ng diabetes si Lianne dahil sa sweetness sakanya ng boyfriend niya? 

"Edi goodluck," ngumiti ako sakanya at dumiretso sa kusina. Ngumiti ako dahil may pagkain siyang dala. 

"Pupunta ko sa bahay nila Lianne, dinalhan lang muna kita ng pagkain dahil baka tinapay lang kainin mo sa school," nakita kong ibinaba niya ulit 'yung teddy bear at isang maliit na envelope sa sofa. Naglakad sya palapit sakin nang nakangiti. 

"Thank you!" Masaya kong sabi sakanya. Kaagad akong kumuha ng dalawang plato at inilagay ang mga 'yun sa lamesa. Nilagay ko ang dala niyang pagkain sa serving plate at saka ako umupo. "I'm starving, so kakain na ko." Ngumiti rin ako sakanya na natatawa sakin. 

Umiling na lang ako at mas piniling 'wag siyang pansinin. Kagaya nga ng sinabi ko. I'm starving. 

"Sasabihin ko kay Lianne na busy ako sa acads kaya ako hindi makagawa ng paraan para makita siya?" Umupo siya sa harapan ko habang tinatanong 'yun. Nagsimula na rin siyang kumain kaya nag-isip ako. 

"Ikaw bahala. Malapit na rin naman ang anniversary nyo sa siguro naman, worth it lahat ng pagsisinungaling mo sakanya," sabi ko kay Russel na ngayon ay nakatingin sakin. 

"It's all gonna be worth it, Hyacinth," malambing niyang sinabi sakin kaya tinaasan ko sya ng kilay at nagpatuloy sa pagkain. 

Siguraduhin niya lang. Malaki na ang galit sakanya ng girlfriend niya. Kung anu-anong balita pa ang lumalabas na baka raw may babae 'tong lalaki na 'to. Kung mamalasin ay baka mapagkamalan pa kong kabit. Ipinag-kibit balikat ko na lang ang naisip ko. Wala naman sigurong tanga na maniniwala sa ganoong haka-haka. 

Russel and I are not close in school. Ni hindi nga kami maguusap niyan kung hindi kailangan, hindi rin kami mag-ngingitian kung hindi sinasabi ni Lianne. We're really awkward. Pero... hindi ba sila magtataka kung bigla na lang kaming naging close ni Russel? 

"I'm gonna text you kapag nakauwi na ko," sabi ni Russel habang sinusuot ang kanyang sapatos. 

"Hindi naman kailangan. Just make sure na makakabawi ka sa girlfriend mo," sagot ko sa sinabi niya. 

Kinuha ko ang teddy bear na sobrang laki at 'yung envelope sa sofa at iniabot sakanya para makalayas na siya sa pamamahay ko. I want him gone dahil may gagawin pa kong assignment at report. I'm freaking busy.

"Magte-text parin ako," Pangungulit niya kaya hinayaan ko na siya. Hindi ko naman obligasyon na sagutin ang texts niya. 

"Whatever, Russel!" Inirapan ko pa siya at itinulak paalis sa front door. Naglakad kaming dalawa papunta sa gate para maihatid ko na siya paalis.

"Aalis na ko, bye!" Paalam niya pagkabukas ko ng gate.

"Bye, ingat," kumaway pa ko sakanya pagkalabas niya. Tumango siya at nilingon ako. Itinaas ko ang isa kong kilay dahil nakita kong bumalik siya palapit sakin.

"Lock your gate and door," paala niya pagkatapos niya kong halikan sa pisngi. Kumunot 'yung noo ko sa ginawa nya, pero kaagad kong binawi ang ekspresyon ko nang inilayo niya ang mukha niya sa mukha ko. "Get inside, aalis ako kapag nakapasok ka na." 

Pilit kong tinatago sakanya 'yung pagkagulat ko kaya sinunod ko ang sinabi niya. Ni-lock ko ang gate at pumasok sa loob ng bahay. Kaagad ko rin 'yung ni-lock at naglakad na ko papunta sa kusina para linisin 'yung pinagkainan namin.

Sumandal ako sa pader nang nakita kong naiwan niya ang jacket niya sa inupuan niya kanina. 

"He's really an idiot."


Love Is A BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon