Chapter 7

2.2K 83 3
                                    

"Sa tingin mo magugustuhan nya 'to?" Pang-sampung tanong na nya sakin 'to.

"I don't know," at pang-sampung sagot ko na rin sakanya nito.

Ilang beses ko bang sasabihin sakanya na hindi ko alam? Hindi ko alam ang mga gusto ni Russel, hindi ko alam ang mga hilig nya dahil hindi naman kami close.

"Hyacinth naman, tulungan mo na ko o?" Pagpupumilit nya sakin. Tinignan ko siya na mukhang nahihirapan na. What do I know about this thing? Hindi pa ko nagkaka-boyfriend na umaabot ng isang taon. Sa tingin ba nya may ideya ako?

"Ano bang gusto mong ibigay sakanya?" Tanong ko. Wag nya sasabihing tshirt or what dahil para syang high school student.

Pumasok na kami sa isang coffee shop dahil napagod na ko kakaikot sa mall pero wala naman kaming napapala.

"I wanna give him something unique, something different, something special," mahina nyang sabi sakin.

Tinaasan ko siya ng kilay. Pareho sila ng sinabi. Ang corny nila. Well, I don't blame them. Corny ang mga taong naiinlove.

"Then give him something na magugustuhan nya, yung pinaghirapan mo," sabi ko sakanya. Ngumuso siya at tinignan ako.

"Like what?" Tanong niya sakin.

"Scrapbook or I don't know. Wag na, joke lang yung pinaghirapan mo. Give him a guitar?" Tanong ko. Naalala ko bigla na marunong palang mag-gitara 'yun.

"No. No. That's too... hmmm.." Is it really necessary na magbigay ka sa lover mo ng gift kapag anniversary nyo? The fact na kayo parin, hindi pa ba gift yun?

"May naisip ako, paano kung.. mag-bigay ka ng items, as in items. Madami! Tapos every item, may note?" Sabi ko. I don't know. Madali na lang 'tong gagawin nya. Aba! Ayoko namang masapawan ang mga gagawin ni Russel, pero.. sa tingin ko matutuwa na si Russel dito. He loves simple things.

"Ha?" Naguguluhang tanong ni Lianne sakin.

"I mean, magbigay ka ng.. for example, Cheezy na junkfood, then may note na.. 'It's Cheezy to love someone like you', ugh! Nevermind!!" Agad kong bawi. Yuck. Ang corny. Saan ko ba nahugot yun? Tsk! Kapag ako nagka-boyfriend at wala akong naisip na anniversary gift namin, sisisihin ko ang dalawang 'to!

Humagalpak ng tawa si Lianne dahil sa narinig nya. Yeah, right. Napaka-bait na babae.

"For real, Hyacinth? Saan mo napulot yun?" Tawa parin sya ng tawa pagkasabi nya nun. Maubusan sana sya ng hangin.

"Nagpapatulong ka, edi wag na. Sus, aalis na ko!" Tumigil sya sa pagtawa at hinawakan ang kamay ko, halatang-halata sa mukha nya na pinipigilan nya yung tawa.

"I love your idea. Gagawin ko 'yun," nakangiti nyang sabi. "Tara? Samahan mo kong mamili ng mga gagamitin ko," inirapan ko siya pero tumayo na rin ako para masamahan sya.

Tumingin ako sa wrist watch ko at nakitang alas-sais na ng gabi. Usually, ganitong oras pumupunta si Russel sa bahay. Well, siguro naman wala siya sa labas ng bahay ko dahil alam nyang sinasamahan ko ang girlfriend nya.

Namili kami sa bookstore ng papel na gusto nyang gamitin, ballpen, highlighter at kung anu-ano pa.

"Don't worry, kapag ikaw ang nagka-boyfriend sasamahan kitang mamili ng regalo para sakanya," kumindat pa siya sakin pagkasabi nun kaya tinawanan ko siya.

Nakangiti si Lianne habang nagbabayad sa cashier. Tumingin ako sa paligid para maghanap ng mabibili. Lumapit ako sa isang snow ball.

Ngumiti ako at inalog yun bago inilapag ulit. May dalawang figurine sa loob. Isang babae at lalaki na nakatingala pareho sa tuktok kung saan nanggagaling yung snow.

"Ang cute nyan, ah." Halos masagi ko yung snow ball dahil kay Lianne na nasa tabi ko na pala.

"Yup, it's cute." Sabi ko sakanya at nagsimula na kaming maglakad palabas ng bookstore.

"Magpapasko na nga talaga." Sabi ni Lianne sakin. Tumango lang ako sakanya. "January ang anniversary namin," sabi pa nya sakin.

"Ang panget ng anniversary nyo," pangaasar ko sakanya.

"Oy grabe ka naman!" Saway nya sakin.

"Totoo naman, napapagitnaan ng Christmas month at Valentine's month, tatlong regalo kaagad," sabi ko sakanya. Natawa kami pareho sa sinabi ko.

"Kaya dapat ikaw, wag kang sasagot ng lalaki na January ang month, dapat yung mga patay na month, yung walang okasyon," payo ni Lianne sakin. Nag-make face lang ako sakanya dahil palagi nyang isinisingit ang future love life ko.

"Umuwi ka na nga!" Sabi ko sakanya at itinulak sya sa dyip na sasakayan nya pauwi. Tumatawa syang kumaway sakin.

"Mag-ingat ka, ha! Text me pagkauwi mo, thank you! Love you!" Sunud-sunod nyang sabi bago sumakay sa dyip. Kumaway ako sakanya pabalik at sumakay na rin ng dyip na dadaan sa subdivision kung saan ako nakatira.

Pasko na nga next month. Pinikit ko ang mga mata ko dahil kung anu-ano lang ang naaalala ko. Pagod na nga siguro ako.

Iisipin ko na lang ang mga paparating na activities sa school. I should keep myself busy.

"Para po," sabi ko nang nasa tapat na kami ng gate ng subdivision. Bumaba ako at nagsimula ng maglakad.

Inilabas ko ang cellphone ko nang nakita kong malapit na ko sa gate. Tinext ko si Lianne na nakauwi na ko. Alas-syete na kaagad ng gabi. Tinatamad na kong magluto. Tsk.

Kumunot yung noo ko dahil may nakita akong nakasandal sa gate. Oh my ghad. Don't tell me it's..

"Russel?" Tumayo siya ng tuwid at ngumiti sakin pagkatawag ko sakanya.

"Yo!"

Tumaas yung kilay ko dahil masaya pa syang kumaway sakin. Tsk tsk.

Love Is A BitchWhere stories live. Discover now