Chapter 13

2K 72 1
                                    

Naglakad papasok si Russel habang nakalingon siya kay Clinton na kakalabas lang ng bahay. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko sa paglilinis ng kawali.

"It's Clinton, right?" Tanong niya nang nakarating siya sa loob ng kusina. Tumango ako bilang sagot niya. 

Napansin kong nanginginig ang mga kamay ko kaya huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. 

"Anong ginagawa nya dito, Hyacinth?" Tanong niya ulit sakin pero hindi ako sumagot. Dahil kahit ako, hindi ko alam ang ginagawa niya dito. Oo, sinabi niyang gusto niyang mag-usap kami pero.. alam kong hindi lang 'yun ang pakay niya dito. 

Naramdaman ko ang kamay ni Russel sa kanang braso ko kaya nilingon ko 'yun. Marahan niya kong iniharap sakanya pero hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya nang tuluyan niya kong naiharap sakanya. 

"Are you okay? May ginawa ba siya sa'yo?" Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko kaya tumingin ako doon at kitang-kita ko parin ang panginginig nun. 

"Wala," sagot ko sakanya. Binawi ko kaagad ang kamay ko at iniwanan siya doon. "Anong ginagawa mo dito--"

"May kumalat na balita kanina sa school na nag-collapse ka raw, I went to Prince's classroom para tanungin siya kung naiuwi ka ba niya dito ng maayos, pero sinabi niya sakin na.." Hindi na niya tinapos ang sasabihin niya dahil pareho naman naming alam na si Clinton ang nasa loob ng bahay kanina. Ibig sabihin, siya ang nag-uwi sa'kin dito. 

Bumilis ang tibok ng puso ko nang naramdaman kong nasa likuran ko na ulit si Russel. Am I having a heart attack? Nakakainis na. 

"I'm okay. Pwede ka ng umuwi, Russel," humarap pa ko sakanya pagkasabi ko nun, pero hindi siya umalis sa kinakatayuan niya. 

"What happened?" Tanong niya ulit sa'kin. "Bakit alam ni Clinton ang bahay mo?" Tinignan ko siya ng masama dahil sa tanong niya pero sinalubong niya lang din ako ng galit na tingin. 

Hindi siya nag-iwas ng tingin kahit na ang sama ng tingin ko sakanya, kaya sa huli ako na ang nag-iwas ng tingin. 

"What the fck is wrong with you, Russel?" Tanong ko sakanya pero umiling lang siya at kinuha ang bag niya. Isinabit niya ulit 'yun sa balikat niya, sumulyap pa siya sakin bago siya naglakad. 

"Ayos ka na naman, aalis na ko," naglakad na siya palabas ng bahay pagkasabi niya nun. 

Pinanood ko lang siyang umalis at hindi na nagsalita pa kahit na ramdam na ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. 

--

Hindi umiimik si Lianne nang naglalakad kami papunta sa isang classroom namin. Hindi na rin ako umimik dahil baka mamaya ay wala sya sa mood. Hayaan na lang. 

Nang papasok sa ko sa classroom ay hinawakan ako ni Lianne sa braso, nilingon ko sya at pinagmasdan ang mukha niya. Habang tumatagal ay paganda siya nang paganda. Mas lalo rinng humaba ang brown niyang buhok. 

"Si Clinton ang nag-uwi sa'yo kahapon, hindi ba?" Tumango ako bilang sagot. Do I need to answer their freaking questions about Clinton? 

"Anong gusto mong malaman?" Tanong ko kay Lianne, kitang-kita ko ang pangungunot ng noo niya dahil sa tanong ko.

"I'm your friend pero wala akong alam sa buhay mo, Hyacinth. Kung hindi ko pa maririnig na si Clinton ang nag-uwi sa'yo kahapon, mananatili akong clueless--"

"Why is it such a big deal na hinatid ako ni Clinton sa bahay?" 

"You're asking me that?! Isn't it a mystery na ako na kaibigan mo, hindi ko alam ang bahay mo, pero si Clinton.. alam ang bahay mo? To think na hinatid ka niya ng wala kang malay!" Pumasok na siya pagkasabi niya nun at iniwan ako sa may pinto. Huminga ako ng malalim at tumingin sa gilid kung saan naglalakad si Clinton kasama ang mga kaibigan niya. 

Love Is A BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon