Chapter 14

2K 73 2
                                    

Nasa loob ako ng kwarto ko dahil gumagawa ako ng assignment nang naramdaman ko ang pagkulo ng tyan ko.

Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto, nagugutom ako. Kailangan ko ng kumain kahit wala akong gana.

Dumiretso ako sa kusina pagkababa ko sa hagdanan, nagsimula akong magluto ng itlog at isinangag ko ang kanin na lamig kahit na gabi. Mas mabuti na 'yun kaysa sa hayaan kong mapanis.

Napansin ko nanaman ang jacket ni Russel na nakasampay sa upuan kaya kinuha ko 'yun at inilagay sa washing machine. Ayoko ng makalat.

Nagsimula akong magluto at ipinaghain ko ang sarili ko para makakain na ko kaagad.

Natigilan ako sa sarili ko nang nakita kong dalawang plato ang kinuha ko. Abnormal ata ako? Nasanay ako masyado na nandito si Russel kaya ito at.. ipinagbugtong hininga ko na lang 'yun at ibinalik ang isang plato sa lalagyanan.

Nang nasa kalagitnaan ako ng pagkain ay tumigil ako para tignan ang paligid.

"Damn," mabilis kong niligpit ang pagkain ko at hinugasan 'yun.

I'm so bored! Hinahanap ng kaluluwa ko si Russel. Hindi na ko sanay na tahimik ang bahay! Sanay na ko na nasa sala si Russel at nagdo-drawing o kaya naman ay nandito sa kusina para nag-practice ng baking. Shit.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-browse na lang sa facebook pero agad kong itinigil 'yun nung nakita kong nag-send ng friend request si Clinton.

Napailing na lang ako sa nangyayari sa'kin at naglakad na pabalik sa kwarto. Naiirita na ko.

-

"You're late," puna ni Lianne. Late ako ng 10 mins sa klase namin, buti na lang at may 15 minutes na grace period kaya 'di pa ko minamarkahan na absent.

"Late nagising," sagot ko at umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi niya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya kaya nilingon ko siya. Nakatingin siya sa'kin at pansin ko doon ang pagtatampo nya sa'kin.

"Wala kang planong sabihin sa'kin, 'no?" Pabulong nyang tanong sa'kin.

"Clinton and I are not close," sabi ko sakanya dahil 'yun naman ang totoo. Wala akong planong sabihin sakanya lahat pero wala rin akong planong magsinungaling sakanya.

"I can see that, ang tanong ko ay.. anong meron sainyo?" Tanong nya ulit sa'kin.

Nilingon ko sya at tinimbang ang ekspresyon niya. Nang 'di ako sumagot ay bumugtong hininga sya at tumingin sa professor namin na nagdi-discuss sa harapan.

"Gusto kong magtampo, pero wala akong karapatan. Ayaw mong magsalita, ibig sabihin.. private life mo na," mahina nyang sabi at nagsulat ulit.

Tahimik lang ako buong klase dahil wala naman akong sasabihin. Habang tumatagal ay bumibigat ang dibdib ko. Hindi maganda 'to. Kaya nang natapos ang klase ay nauna ako sa paglabas ng classroom. Hindi ko na hinintay si Lianne kahit na alam kong kakausapin na nya ko ulit.

I hate opening up. I hate telling my story. I hate them for asking too much. I hate Clinton for meddling with my life. I just hate what's happening in my life right now. I hate the fact that I do feel empty right now.

Umupo ako sa isang upuan sa library para matahimik ang isip ko. Kinuha ko ang isang libro at nagsimulang magbasa, pero walang pumapasok sa isip ko.

"Lianne sent me to look for you," ibinaba ko ang libro at nilingon ang nagsalita. Nakita ko si Russel na nakatayo sa gilid ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang umupo sya sa upuan na nasa harap ko at tinignan ako sa mata.

"Paano mo nalamang nandito ako?" Tanong ko sakanya.

"Nakita kong pumasok ka dito pagkatawag sakin ni Lianne," sagot nya. Tumango na lang ako at hindi na umimik ulit.

Ramdam ko ang paninitig nya sa'kin pero hindi ko na kinumpirma pa 'yun. Baka mamaya ay tumalon pa ang puso ko palabas ng dibdib ko.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay kumalma na ko kahit na wala naman syang ginagawa sa harapan ko. Ang kaninang magulo kong isip ay umayos na. Para akong nakahanap ng peace of mind sa katahimikan naming dalawa.

Nakita kong oras na para sa susunod kong klase pero hindi ako tumayo. Ayokong pumasok. Gusto ko lang dito. Kasama ni Russel. Gusto ko dito, tahimik pero kalmado ako.

"Hindi ka ba papasok?" Tanong niya sa'kin. Tumango ako at sinulyapan siya. Nakatingin lang sya at tumango na lang din. Sumandal sya sa sandalan kaya ibinalik ko ang tingin ko sa libro.

"You're so deep, alam mo ba 'yun?" Hindi ako sumagot sa tanong nya dahil hindi ko naman alam ang sagot doon.

"Sobrang lalim, Hyacinth. And you're making me curious about you," tumayo siya pagkasabi nya nun at nilingon pa nya ko. Hindi ako nagsalita hanggang sa iwanan nya ko sa loob ng library.

Matagal na nung huli naming paguusap ni Russel, pagkatapos nung nangyari sa library ay hindi na ulit kami nag-usap. Sa susunod na linggo na ang anniversary nilang dalawa ni Lianne. Sigurado akong tapos na ang drawing nya sa sketch pad. Para bang.. bumalik kami sa dati. Sa dati na hindi kami naguusap kung hindi kailangan.

"Magustuhan kaya ni Russel 'to?" Tanong ni Lianne sa'kin. Pinagmasdan ko ang napili nyang watch.

"Not sure, Li," sagot ko kay Lianne na busy parin sa paghahanap ng ireregalo. Kinuha ko ang isang watch na panglalaki.

"New arrival po 'yan, ma'am," lumingon sakin si Lianne dahil ako ang sinabihan nung sale's lady.

"Bagay ata kay Russel, 'to?" Iniabot ko kay Lianne ang watch at ngumiti siya.

"OMG. Oo nga! Bakit 'di ko agad nakita 'to? Thank you, Hyacinth!" Pinabalot na nya 'yun sa sales lady at niyakap naman nya ko ng mahigpit.

Hindi na ko kinulit ni Liamne tungkol kay Clinton kahit na nakikita nyang pinupuntahan ako ni Clinton sa classroom para guluhin.

Umuwi na ko pagkatapos naming mamili ni Lianne pero nagulat ako nang nakita ko si Russel sa gate ng apartment ko.

"Russel?" Lumapit kaagad ako nang nakumpirma kong sya nga ang nandoon.

Tumayo sya ng diretso nung nakita nyang naglalakad na ko palapit sakanya.

"Hyacinth.."

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya pero umiling lang sya.

"May tinignan lang ako. Aalis na ko," napahawak sya sa batok nya at gumilid para makadaan ako.

Tumango ako sakanya at naglakad na papasok pero lumingon pa ko sakanya at nakita ko ang mapupungay nyang mga mata na nakatingin sa'kin.

"Papasok na ko. Ingat ka sa pag-uwi," sabi ko sakanya. Tumango sya at ngumiti sa'kin bago naglakad paalis.

Like I said.. I hate everything's happening to me. I hate this. I really really hate this.

Love Is A BitchDove le storie prendono vita. Scoprilo ora