Prologue

44K 612 14
                                    

Another tiring day na naman kakatapos ko lang sa trabaho ko isa akong day care teacher sa isang pribadong iskwelahan, sumakay ako sa kotse ko at saka nag drive pauwi.

Mag-isa na lang ako sa buhay may best friend ako si Rose, 27 years old na ko pero hanggang ngayon wala pa rin akong boyfriend.

Hindi ko rin alam kung bakit e, maganda naman daw ako, matalino, mabait. Ewan ko kung bakit walang nanliligaw, minsan may magtatanong sakin kung may boyfriend na ko.

Pag sinabi kong wala akala mo laging nakakakita ng multo sa likod. Biglang uurong yung buntot nila sa pagtatanong about sa lovelife ko.

Wala naman akong kakamabak na impakta na nakasabit sa likod ko. Natawa na lang ako sa sarili ko at kinuha ang cellphone sa bag ko sa passenger seat, tinext ako ni Rose.

" Best nasa avi's cafe kami ni Noah. "

Magrereply na sana ako ng mabunggo ako sa kotseng nasa harap ko. Patay! buseeet!

Nakita kong bumaba ang isang lalaki sa driver seat at saka naglakad ng padabog sa kotse ko at inis na kinatok ang bintana ng kotse ko. Nanginginig akong bumaba sa ng kotse ko habang nakayuko

" Miss tanga ka ba-- " Tinignan ko siya, pero halata ang gulat sa mukha nang lalaki pero agad niya rin itong binawi.

" Look, sorry. Hindi ko sinasadya, ano kasi- amm. " Ano bang idadahilan ko?

" What?! " Hinatak niya ko para makita kung gaano kalaki ang nasira sa kotse niya. " Miss nagmamadali ako ang kaso sa katangahan mo mukhang matatagalan pa ko! " Sunod sunod niyang talak.

" Mr-- " Ano nga bang pangalan niya? " Look amm babayaran ko na lang yung pinsala sa kotse mo, kailangan ko na rin kasing umalis. " Sabi ko.

" At ikaw pa ang nagmamadali ngayon? " Bwisit to ah! porkit mamahalin ang kotse niya at sakin pipitsugi akala mo kung sinong gwapo e!

" Hindi naman kasi kita tatakasan, okay? Babayaran ko naman yan e. " Inis niya ginulo yung buhok niya at saka isinandal ang kamay niya sa pinagmamalaki niyang Mclaren.

" Sir, miss? Ano pong problema dito? " Tanong samin ng isang Mapsa. Aissh! bwisit talaga!

" This girl! " Sabi niya habang dinuduro ako. " Ang tanga tanga kasi magmaneho! And look what she did to my car! " Isa na lang 'tong lalaking 'to isusungalngal ko siya sa kotse niya. Gwapo sana e, ang arogante lang talaga.

" Babayaran ko na nga diba? Di ka pa kuntento? " Sagot ko rito.

" Sir babayaran naman po pala e. Kukunin ko na lang po yung pangalan niyo. " Binigay naman agad namin parehas yung pangalan namin. Eziekel Javier pala pangalan niya.

" Mr. Eziekel sorry pero kailangan ko nang umalis. Don't worry ipapagawa ko yung kotse mo. Here's my card, sorry ulit. " Tatalikod na sana ako ng pigilan niya ko.

" Anong aalis? hindi ka pwedeng umalis, Ms. Ferrer. Sasamahan mo ko sa pagpapagawa ng kotse ko. " Humarap ulit ako sa kanya.

" Binigyan na kita ng card ko, tawagan mo na lang kung magkano ba yun. And please kailangan ko na talagang umalis. " Bwisit!

" Bakit ba madaling madali ka? May date ba kayo ng boyfriend mo? Miss mas mahalaga 'to okay? " Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa pinagsasasabi niya.

" Excuse me, wala akong boyfriend. Iba ang pupuntahan ko, okay? " Humawak siya sa baba niya na para akong sinusuri.

" Sino bang pupuntahan mo? " Tanong nito.

" What do you care? " Ang usisero dinaig pa ang bakla e.

" Dahil hindi kita paaalisin hangga't hindi mo sinasabi. " Petenge naman oh! Dapat ibang kotse na lang nabunggo ko e.

" Because I have to-- " Paano ko ba sasabihin? sasabihin ko bang anak ko si Noah?

" You have to what? " Huminga ako ng malalim at saka nag salita.

" I have to get my son. "

Wanted: Mommy for hire [COMPLETED]Where stories live. Discover now