Chapter 37: I WON'T Give Up

5.9K 220 23
                                    

MYLES' POV:

        Isang nakakapagod sa isip ang umaga at tanghali ko. Nandito ako sa kuwarto ko at nagbukas ng laptop. Matapos kong hanapin ang nireresearch ko ay humiga ako at pumikit. Sinasariwa ang lahat ng nakaraan. Lumiliwanag ang ilang bagay at ang iba'y katanungan pa rin.

        Oo...Melissa..Meliss.... hango rin sa pangalan kong Myrna Elisze. Si Melissa at ako ay iisa.  Nang dumating kami sa bahay na 'to ay halos himatayin ako sa pagkakita ko kay CJ. I was so clueless sa lahat ng katotohanan. Dinurog ang puso ko na hindi ko mayakap ang bulag na si CJ.
         Alam kong may tamang panahon sa pagtatapat. Inunahan kasi ako ni Jim na magpa-kilala. Nagulat ako at hindi niya sinabi ang tunay kong pangalan at nag-panggap pang mag nobyo kaming dalawa. Nakiramdam na lamang ako.

          Una sa lahat, naintindihan ko na ang role ni Jim, na pinsan ko pala. Pangalawa, ang rason kung bakit niya ako pinilit na magtrain sa kompanya. Tagapag-mana pala kami ng yamang hindi ko pinangarap. Pero tinanggap ko na ang kapalaran at responsibilidad na iyon. In memory of my father and my living grandpa. Seseryosohin ko ang mga iyon.

-----
          Pag-uwi naman, galing sa bayan with Cj ay tinawagan ko si Jim. Nilinaw ang ilang bagay.
         "Jim.... pa'no ka napunta sa scene sa gubat? Paano mo nailigtas sina Bogart at Cj?"
         "Natunugan ng kalaban kung saan ka naroon. Kailangan kong lumayo para iligaw sila. Niradyo sa akin na may dumukot nga kay CJ na dapat ay ikaw. Maraming nakabantay at nakasunod kung saan sila nagpunta habang protektado ka rin ng hindi mo alam. May mga police na nakacivilian na nakaenforce na sa operasyon. Ako ang nasa chopper at anuman ang mangyari ay handa kami. Kita mula sa taas kung hanggang saan naghabulan ang pick up ni Bogart at ang humahabol sa kanila. Kaya sa pagsabog ay nando'n agad kaming rumesponde."
        "Oh Jim... salamat sa 'yo.."
         "Natunton ang kuta ng kalaban at nakastigo silang lahat, walang dapat ipag-alala. Salamat din kay Bogart."
         "A-ano ang alam ni Bogart?"
         "Lahat Myles."

          Nakaramdam ako ng pagkapahiya.  "Curable ang mata ni CJ, lamang, sa panahon ng pag-ahon mo ay kailangan niya munang mag-tiis."
          "Kanino itong bahay?"
          "Sa Papa mo. Binigay niya sa 'kin nung nasa kolehiyo ako. Mabait ang iyong ama. I am sorry Myles, sana naintindihan mo ang lahat ng ginawa ko. Utos ng lolo."
          "Alam din ng lolo?"
          "Walang nailihim sa kanya, Myles."
          "So...bakit allowing me now to be here with her? And Bogart? Alam mo ang sa kanila?"
          "Sinuwelduhan ko si Bogart bilang taga-pangalaga ni Cj, pinapagamot ko si Benchok. Pero hindi ko saklaw ang puso niya."
          "Oohhh..."
          "Look Myles, you've known everything, nasa kamay mo na ang lahat ng mga susunod mong steps. As usual, I'd always be on the go. I have done my part at ang last kong agenda ay ang last stage ng pag-papagamot kay Benchok."
          "I have done my reservations, Cj's operations will be late next week, four to five days from now. Prepare the chopper, sa Manila gagawin ang operasyon."
          "Myles...."
          "This is life Jim..."
          "Kamusta ang puso mo?"
          "Deeply hurt Jim, but I need to be strong, for her. Walang saysay ang manisi at magmukmok."
          "Myles...."
          "C'mon Jim, wala ka rito sa tabi ko para iyakan, sige na, babye.. ingat ka. Keep in touch..."

          Pag-baba ng cellphone ay umupo ako sa ulunan ng kama. Pinatong ko ang braso at baba ko sa bintana.  Nakatitig ako sa pag-lubog ng araw. Kung gaano papadilim ang paligid ay ganon din ang aking pakiramdam.
          Dalawang taon akong nangulila, hindi nawala si CJ sa isip ko. Buong taon, araw-araw, siya ang inspirasyon ko sa bawat gagawin ko.    Paano kung ako ang totong natangay ng mga kidnapper? Nasa'n ako ngayon? Paano kung hindi nagbago ang isip ni Bogart at dinala si CJ kay Manuel? Buhay pa kaya siya? Paano kung hindi ginawa ni Jim ang lahat ng paglilihim sa akin?
          At ngayo'y, bulag si CJ nang dahil sa akin. Ngayong nagkita kami, ay hawak naman ng iba ang puso niya. Paano ako?  Nasa ganoon akong pagninilay-nilay nang bumukas ang pinto.
         "Hi po..." si Benchok.  Ang may leukemia na si Benchok, ang dahilan kumbakit sumapi sa grupo si Bogart. Andaming inosenteng nadamay nang dahil lang sa kayamanan.
        "Oh kanino 'yang dala mong gitara?" tanong ko sabay pahid ng namuong luha sa gilid ng mata ko.
        "Kay Itay po ito, hiniram po ni Ninong Atoy nung birthday niya."
        "Marunong ka bang mag-gitara Benchok? Gusto mo bang turuan kita?"
        "Naku! Sige po! Sige po! Kahit makinig lang muna po ako sa inyo!"
       "Okay tara, doon tayo sa likod bahay, do'n sa may duyan."

         Pagdating sa likod bahay ay naupo sa isang bangkito si Benchok, ako ang nasa duyan at sinubukang itono ang gitara. Pansin ko ang pagka-mangha ng bata sa ginagawa ko.
        "Paglaki mo Benchok, mag-aral kang tumugtog, mas maraming chicks magkaka-crush sa 'yo..."
        "Opo, atsaka drums, gusto ko yun!"
       "Kaya magpagaling ka..."
        "Opo..."
        "Ano bang gusto mong tugtugin ko?"
        "When I was your man."
        "Oh, fan ka pala ni Bruno Mars.."

           Sinubukan kong tipahin ang chords. Habang kumakanta si Benchok ay nasa isip ko si CJ. Yes, I am not her man, dahil babae ako.
         "Ate..ang ganda po ng boses niyo kahit medyo paos po kayo, saka magaling mag-gitara."
        "Salamat Benchok, sige na pumasok ka na sa loob, malamok na. Baka gising na si CJ.

CJ'S POV:

         LIHIM sa kaalaman nilang dalawa ay nakikinig ako malapit sa kusina. I remember the soothing voice of Myles, everytime she plays the guitar and serenade me everytime nasa dorm kami.
        Mula ng dumating si Melissa sa bahay ay hindi na maalis si Myles sa isip ko. Lahat ng pagkakapareho nila.  Maaga pa naman kaya nasa salas lang ako nag-bukas ng TV. Narinig kong pumasok na si Melissa.
       "Gising ka na pala, si Benchok?"
       "Kumain na, pupunta ulit sa Ninong niya at ando'n ang mga kalaro niya eh."
       "Gusto mo na bang mag-hain na ako?"
       "Naku mamaya na, gusto ko sanang... lumabas sa may duyan at marinig kang kumanta ulit."
       "Ow... okay saglit lang at kukunin ko ang off lotion sa bag ko, malamok sa labas eh."

       Paglabas niya mula sa kuwarto ay para akong nakuryente ng hawakan niya ako sa siko at alalayan palabas ng bahay. Ako ang pinaupo niya sa duyan.
       "Oh, humawak kang maigi." paalala niya. Marahan niyang inuuga ang duyan.
       "Melissa...."
       "Hmmm......?"
       "Nagmahal ka ba ng todo? Si Sir Junior, gaano mo siya kamahal?"
        "Cj.... hindi naman talagang kami, nagbibiro lang 'yung taong 'yun, pinsan ko siya."
        Natuwa ang puso ko sa sinabi niya. Nagtataka man ay hindi ko na pinansin iyon.  "So...nakailang boyfriends ka naman?"
         "Wala.."
         "Sa gandang mo 'yan?"
         "At sino namang nagsabing maganda ako, aber?"
        "Si Manang, si Bogart at si Benchok."
       "Ha! ha! Hindi naman..."
        "Gusto mong ako naman ang magtulak at iduyan ka?"
        "No...please, I am fine here, sige lang."
        "Melissa, maaliwalas ba ng kalangitan?"
        Hininto niya ang pag-tulak sa duyan.     "Gusto mo bang sagutin ko 'yan?"
         "Ha?" takang tanong ko. Dala niya pala ang gitara sa paglabas at nagsimula siyang tumugtog at kumanta.

When I look into your eyes
It's like watching the night sky
Or a beautiful sunrise, Well there's so much they hold

♪And just like them old stars, I see that you've come so far
To be right where you are , How old is your soul?

♪ I won't give up on us, Even if the skies get rough ...
I'm giving you all my love - I'm still looking up ♪

And when you're needing your space - To do some navigating
To do some navigating - I'll be here patiently waiting .. To see what you find ♪

         Nagsimulang umahon ang kaba sa dibdib ko. Ito ang theme song namin ni Myles by Jason Mraz! Hininto niya ang pagtugtog at narinig kong nilapag niya sa bench ang gitara.
         Kinuha niya ang kamay ko at pinatayo mula sa duyan. Ipinatong niya ang dalawa kong kamay sa balikat niya at pinalibot niya ang kamay niya sa beywang ko.
        "Dance with me CJ. The moon is bright and clear."
         Hindi ako tumutol. Nalulunod ako sa pagkakalapit ng mga katawan namin. Ramdam ko ang titig niya sa akin at tinuloy niya ang pagkanta.

       ♪'Cause even the stars they burn
         Some even fall to the earth - We've got a lot to learn ♪
      God knows we're worth it -No, I won't give up ♪

         Hinapit niya akong lalo at dinikit ang pisngi niya sa pisngi ko. Magaan at masarap sa pakiramdam. Bumulong siya....  "Mahal na mahal ko siya CJ. Ayokong sumuko pero paano?"
         "M-Melissa...."
         "Ayokong sumuko, ayaw ko siyang sukuan.........."

*****************************

Salamat sa lahat po ng nag-abang
Vote comment :)

Shan

Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon