Prologue

11.6K 240 8
                                    

The Black Archer

Ilang oras na lang ang aking hihintayin upang tuluyang kumalat ang kadiliman sa buong kagubatan na hudyat na ang paglubog ng araw.

Puro tunog ng mga huni ng ibat ibang nilalang ang maririnig sa paligid at habang lalong dumidilim ang buong paligid ay siya namang paghahanda ko sa balak kong isagawa sa gabing ito.

Tiningnan ko lahat ng aking kagamitan na dala dala ko at ang pana na nakasabit sa aking likod. Sa gawing ito ay isasagawa ko ang bagay na alam kong mali sa tingin ng iba pero tama sa aking pananaw dahil gagawin ko ito para sa mga taong umaasa sa akin.

Nang tuluyan ng kumalat ang kadiliman ay hinanda ko na ang aking sarili dahil ano mang oras ay maaari na silang dumaan  malapit sa aking pinagtataguan sa isa sa mga sanga ng malaking puno na aking tinutuntungan.

Binaba ko na ang dala kong bag na naglalaman ng kung anu-anong patalim at inilagay ang mga ito sa suot kong sinturon na pwedeng paglagyan ng mga patalim ko. Hinanda ko na rin ang pana ko dahil ito ang unang kong gagamitin upang mapahinto ko ang karwahe nila.

Narinig ko na ang tunog ng yabag ng mga kabayo kaya sinuot ko na ang itim na telang pinangbabalot ko sa ulo ko at mga mata ko lang ang maaring makita sa aking mukha.

Nakasuot rin ako ng itim na kasuotan upang hindi ako mapansin.
Natanaw ko na ang karwahe at pinuwesto ko na ang aking pana. Nang malapit na ito ay inasinta ko ang gulong ng karwahe para tumigil ito. Tumama ito at hinihintay ko na lang ng tuluyang huminto ito. Nakita kong lumabas ang apat na kalalakihan sa karwahe at tiningnan ang dahilan kung bakit sila napahinto.

Lumabas na ako sa aking pinagtataguan at unti-unting lumapit sa kanila. Dahan-dahan ang aking mga galaw upang hindi nila ako mapansin.
Nakita ko ang isang lalaki na mag-isa lang kaya siya ang uunahin kong patumbahin. Naglalakad ito at palapit na siya sa punong pinagtataguan ko. Hinintay ko lang na makalagpas siya at nang makita ko na ang kanyang likod ay diniinan ko ang isang parte sa kanyang batok at bigla na lang itong nawalan ng malay.

Hinatak ko ang katawan nito at sinandal sa katawan ng malaking puno. Ilang minuto rin ang itatagal ng pagkawala ng kanyang malay.

"Henry, tulungan mo nga kami sa pagaayos ng gulong dito!"

Lumapit ako sa kanila at ang tatlong natitira ay walang balak maghiwalay kaya wala akong pagpipilian kundi kalabanin sila.

"Sino yan? Henry, ikaw ba yan?"

Napalingon sila sa gawi ko at lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Habang palapit ako sa kanila napansin ko na naghahanda na sila kung sakaling susugod na ako.

"SINO KA!" hindi ako sumagot at tuluyan ko na silang sinugod. Hindi nila kaya ang bilis ko kaya kahit gaano pa sila kalakas ay wala ito dahil hindi nila ako kayang patamaan ng mga suntok o hampas nila.

Nakita kong pagod na sila kaya kumuha ako ng tatlong kutsilyo sa aking sinturon at isa isang pinatamaan sila. Bumagsak silang tatlo at kahit maliit lang ang ginamit kong kutsilyo ay hindi na sila makakatayo pa dahil may halong pamparalisa ang dulo ng mga kutsilyo.

Lumapit na ako sa karwahe nila upang kunin ang pakay ko sa kanila. May nakita akong dalawang malaking supot ng mga buwis na kanilang kinulekta sa bayan. Kinuha ko yung isa. Nakita kong ganon pa rin ang pwesto nila kung paano ko sila iniwan kanina. Nanlaki ang kanilang mga mata sa nakitang hawak ko.

"Ibalik mo yan!"

Pero hindi ko sila pinakinggan at tuloy tuloy akong naglalakad palayo sa kanila.

"Bago ka umalis sabihin mo muna kung sino ka!"kinuha ko ulit ang pana ko na nakasabit sa likod ko at pinatamaan siya.

Nanlaki ang kanyang mata na tumama ito sa katawan ng puno na ilang pulgada na lang ang layo sa kanyang mukha.

"You are 'The Black Archer'!"

Tumalikod na ako.

Yes I am....

The Black ArcherWhere stories live. Discover now