Chapter 33: Longing for you

5.8K 195 17
                                    

CJ'sPOV:

      Tweeet...tweeet... / A--argggf! Aarfff! / Quack quack quack ....tik-ti-laok! Tikti-laok!!!

      Samut-saring tunog ng mga hayop ang gumigising sa akin tuwing umaga. Sa ganitong oras ay maririnig mo na rin ang walis-tingting ng kapit-bahay naming si Aling Saleng.

       Binuksan ko ang bintana at bahagyang nasilaw ako sa sinag ng araw na tumama sa aking pisngi. Nag-inat ako.
       "Aaaaarrrggghhhhh...."
       "Ay Charie, Ineng," sigaw ni Aling Saleng mula sa ibaba. "Yung pandesal diyan sa hapag ay dinagdagan ko na ng kesong puti."
        "Salamat Manang," sagot ko sabay hinawi ang munting kurtina ng bintana.
       "Si Bogart ay maagang umalis, may susunduin sa Pier. Si Benchok naman ay inutusan ko munang magsalok ng tubig sa poso."
       "Okay salamat ulit Manang, tutulong ako magpatuka sa manok niyo mamaya."
        "Kyow, wag na. Binilin ni Bogart na maghanda ka na lang raw ng masarap na tanghalian. Nakapalengke na ako at nasa ref niyo na."

        Nag-pasalamat na lang ako muli sa kanya. Nag-ligpit muna ako ng higaan at tumuloy sa kusina. Naghilamos ako sa lababo at kinuha ang mga pinamalengke ni Manang Saleng.
        Si Manang Saleng ang matandang-dalagang kapit-bahay namin na laging naka-agapay sa amin, may dalawang taon na ang nakakalipas.

       Matapos mag-agahan ay bumalik ako sa aking silid para mag-linis. Iniisip ko ang maagang pag-alis ni Bogart. Sinunod kong linisin ang kuwarto ni Bogart at inayos ang ilang laruan ni Benchok. Naligo na rin ako ng maaga para presko sa aking pag-luluto. Tinolang manok ang aking putahe.
       "Wow! Ate, ambango niyan ha! Gutom na tuloy ako."
     "Unsa nang orasa, Benchok?"
      "Ammm.....mag-a-a-las-onse na po."
     "Oh siya, maligo ka na baka abutan ka ng Itay mo'y, mabaho ka at madungis."
       Hindi pa rin umaalis si Benchok sa kusina. "Bakit hindi ka pa kumilos diyan?"
        "Wala, nalulungkot ako kasi hindi mo ako makikitang rumarampa sa pistahan, kasali ako sa Bulilit Boy 2013."
        "Alam kong guwapo ka, kaya mananalo ka for sure. Hindi ka ba over-age doon?"
        "Hindi po, hanggang sampung taon doon, ako'y nueve pa laang."
        "Naku, malamang ay panonorin ka no'n."
        "Sana si Itay ay walang trabaho sa pista, at ng makasama natin, ano?
        "May baro na ho ba kayo sa pista? Siguradong maraming lalaki ang mag-ka-kras sa inyo kapag lumabas kayo."
        "Crush? Kabata-bata mo pa, hala! Maligo ka na."

       Pinatay ko nang kumulong muli ang tinola. "Ako na ang maghuhugas ng pinggan, Ate."
        "O siya, nakita mo na ba yung sirang radyo? Alam mong hindi ako nakakatulog pag walang radyo."
        "Ay, pinagawa ho ng itay kay Manong Ado, baka sa isang araw pa makuha."
       "Oh siya, pagka-ligo mo, gawin mo na assignment habang inaantay natin ang tatay Bogart mo."

        Matapos magluto ay nagpahinga muna ako sa kuwarto at nahiga. Pinikit ko mata ko hanggang nakaidlip ako. Muli, ay bumalik ang masamang panaginip, ang mga lalaki, ang bangin, ang mga apoy. Humahangos akong bumangon.
        "Ate! Ate! Ayos ka lang?!" Alalang sabi ni Benchok. Inalok niya akong uminom ng tubig.
        "Ate... nandiyan na ang Itay."
        "Ganun ba.. o sige, lalabas na 'ko maya-maya. Initin mo na muna ang sabaw."

      Humugot ako ng malalim na hininga. Kinapa ng paa ko sa sahig ang tsinelas ko. Nag-ayos ako ng sarili dahil nakakahiya naman kay Bogart na humarap sa kanyang magulo ang buhok ko at pananamit.  Lumabas ako ng kuwarto at narinig ko ang mga kalampag ng pinggan sa kusina.
        "Benchok, dahan-dahan nga sa paghahain," saway ko.
       Lumapit sa akin si Bogart at hinalikan ako sa pisngi.
        "Kamusta? Balita ko ay binangungot ka naman?"
      "Wala iyon..."
        "Siyanga pala, may mga kasama ako. Sila yung sinundo ko sa Pier ng maaga."
       "Maupo kayo," mahinahon kong alok at nilingon si Benchok.
      "Chok... magdala ka nga ng maiinom dito."

Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon