[TBP] ENTRY#51: I am Light

2.9K 46 7
                                    

Lucien’s POV

Hindi na ko magda-drop out sa Hendrix High. Pero hindi naman ako kinikibo ni kuya Axel, sa kabilang banda binalik niya na naman ang cellphone ko at di na ko masyadong pinaghihigpitan, tapos pilit ko pa ring iniiwasan si Dark. Kailan ko ba kasi sasabihin sa kanya? Natatakot kasi ako sa maaaring maging reaksyon niya.

“Lady Lucien nandito na tayo sa school mo.” Anang driver ko, kaya naman agad na rin akong bumaba ng kotse. Ngayon na lang uli ako papasok after how many days.

Pagkapasok ko pa lang sa Hendrix High, feeling ko para uli akong bagong salta lang dito. Pero may pinagkaiba lang ngayon, hindi na ko gaanong pinagbubulungan ng mga estudyante baka nagsawa na. Naglalakad na ko sa school ground nang may mapansin ako sa di kalayuan, mga nagkukumpulang grupo ng estudyante parang may naka-post ata dun sa bulletin board na rason ng ikinakukumpol nila. Ano naman kaya yun… dahil naku-curious ako ay agad akong lumapit sa may bulletin board.

“Ahm excuse me, patingin din ako!” nakipagsiksikan ako sa grupo ng mga estudyante para lang makita kung ano yung nasa bulletin board. Ang hirap nilang lagpasan ah ano ba kasing pinagkakaguluhan nila.

 

Monday

Announcement from Dark Hendrix:

Im searching for my light.

O________O Ano raw?

 


“Light daw? Tao ba yun?”

Kung tao yun, malamang importante yun kay Black Prince.”

 

“Hala baka naman naghahanap lang siya ng girlfriend1 Kyaah ako na yan!”

 

“Eh diba may Dacien love team?”

 

“Meron pa ba? Parang nung pageant lang nag-exist yun eh.”

 


Bulungan ng mga babae sa likod ko, bakit bigla naman siyang nag-post niyan? Ano bang binabalak niya? Parang lalo ata akong kinabahan.

“So nagsisimula na pala siya…” rinig kong sabi ng isang boses lalaki sa tabi ko, pagtingin ko... Si Duncan.

“Anong ibig mong sabihin Duncan?”

Tiningnan niya ako. “He’s searching for her, akala ko hindi niya na gagawin pero kagabi lang, naglasing siya at sinabing hahanapin niya si Light.”

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon