[TBP] ENTRY#57: She's the One

2.4K 46 6
                                    

“Lili, wag ka na bumalik dun dito ka na lang sa bahay.”

“Hindi pwede Lulu, kaibigan ko rin siya kaya dapat puntahan ko siya tsaka nangako ako na babalik ako.”

“Pero siya na lang ang lagi mong kasama, hindi ka na nakikipaglaro sa kin.”

“Lagi naman kasi tayong magkasama, si Dark ngayon ko na lang uli siya makikita.”

“Isama mo na lang ako Lili makikipaglaro rin ako sa kanya!”

“Hindi pwede, magagalit sina Kuya kapag lumabas ka.”

“Pero gusto ko ring lumabas…”

“Saka na kapag magaling ka na.”

“Bakit ikaw pwede kang lumabas? Kambal lang naman tayo ah! Bakit hindi pantay.”

“Dahil ako malakas, ikaw sakitin kaya ganun intindihin mo na lang Lulu.”

“Hindi! Hindi ko naiintindihan, dito ka lang Lili hindi ka lalabas!”

“Lulu bitawan mo ko… hinihintay na ko ni Dark.”

“Hindi!”

“Lulu mahuhulog ako sa stairs, wag mo na hilain ang dress ko!”

“Dito ka lang sabi!”

“Lulu wag!”

“Hindi ka lalabas, ako lang ang kalaro mo hindi pwedeng iba ako lang Lili!”

“Lulu…”

“Ako lang Lili.”

“Lul---aaaah Lulu!”

Bigla ko siyang binitawan, nahulog siya, nahulog si Lili sa hagdan… sa napakahabang hagdan. Pinagmasdan ko lang siya, wala akong ginawa, nakita kong may dugo pero hindi ako natinag sa kinatatayuan ko.

“Lilicien!”

Nagpanic sina Kuya, ikaw kasi Lili sabi ko sayo ako lang ang kalaro mo kapag pareho tayong nagkasakit hindi ka na aalis, dito ka na lang din, lagi mo na akong makakasama Lili… Hindi na ako mag-iisa.

Lucien’s POV

“Ha!” Hinihingal akong nagising mula sa malalim na panaginip. Naramdaman kong tumutulo ang luha ko.

Lili… Lilicien.

Bigla akong napahikbi. Bakit? Hindi ko maintindihan, kailangan kong maintindihan. Marahas kong pinunasan ang luha ko at nagmamadaling lumabas ng kuwarto ko. Nasa kuwartong yun ang hinahanap kong sagot. Hindi yun bodega, kuwarto ko yun… kuwarto namin noon. Nang makarating ako ay nandoon na ang tatlong kandado, naka-lock na rin ang doorknob.

“Hindi, buksan niyo to… buksan niyo to!” kinalampag ko ang pinto ng buong lakas at itinulak iyon upang bumukas pero hindi ko magawa. “Aaaaahhhh buksan niyo to!!!!!!”

“LUCIEN!”

Dali-dali akong dinaluhan ni Kuya Axel, hanggang maya-maya pa ay dumating din si Kuya Blaine.

"BUKSAN NIYO TO, KAILANGAN KONG MAKAPASOK DITO BUKSAN NIYO TO!!!” pilit ko pa ring tinutulak at kinakalampag ang pinto.

“Lucien, stop it now!” –Kuya Axel.

“Hindi! Buksan niyo to, kailangan niyong buksan to!” patuloy sa pag-agos ang luha ko, nakita ko si Kuya Blaine. “Kuya, buksan mo to… pakiusap Kuya buksan mo na… pakiusap.” Lumuhod pa ako sa harapan niya pero mukhang ayaw niya akong pagbigyan.

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon