[TBP] ENTRY#44: Do you remember?

2.7K 51 2
                                    

“May regalo ako sayo.”

“Ano?”

“Eto oh!”

“Wow ribbon! May ilalagay na ko sa buhok ko. Pero bakit dalawa?”

“Para kapag nasira yung isa may isa ka pa.”

“Ay hindi sayo na lang tong isa, para kapag nawala ako mahahanap mo pa rin ako at masisigurado mo na ako talaga yun kasi lagi ko tong susuotin sa buhok ko.”

“Bakit mawawala ka ba?”

“Syempre hindi!”

Lucien’s POV

Nagising ako sa masilaw na liwanag na nagmumula sa veranda ng kuwarto ko.

Same dream.

Pero this time, nakikita ko na yung mukha ng batang lalaki. Ano ba talaga ang gustong ipahiwatig ng mga pare-pareho kong panaginip?

Napaupo ako sa kama ko, tapos bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Matapos akong i-inject ng isa palang pampatulog, nagising ako ng 10 pm. Akala ko tapos na, pero pinilit na naman nila akong painumin ng gamot. Pero parang wala namang nagbago, parang lalo pa ngang sumakit ang ulo ko.

“Lucien.” Narinig ko si kuya Blaine na tinawag ako. “Are you okay?” agad niyang tanong nang makalapit siya sakin.

“I’m fine kuya, sanay na ko kay kuya Axel.” Pagsisinungaling ko kahit di naman talaga ako okay. Ayoko lang mag-alala pa si kuya Blaine.

I hear him gasp.”I’m sorry Princess, sorry kung nabigo ako na ibigay sayo yung kalayaan na magdesisyon para sa sarili mo, ipinadala kita dito sa Pilipinas para makalayo sa pangongontrol ni kuya Axel pero ayaw niyang magpapigil. Pero wag kang mag-alala hangga’t nandito ako poprotektahan naman kita. I will defy kuya Axel over and over just for you.”

“Thanks kuya Blaine.” Sabi ko at niyakap siya.

“Ang drama naman natin ang aga aga, oh sige kumilos ka na. May pasok ka pa diba?”

Tumango ako. “Pero kuya, last day na lang naman ngayon ng Sports Fest kahit hindi na muna siguro ako pumasok.”

“Hindi, papasok ka alam mo ba na pinakamasayang part ng Sports Fest ang last day? Nandun kasi ang mga awards at achievements atsaka yung pakiramdam na worthin lahat ng pinaghirapan sa buong isang linggo.”

Napangiti ako sa sinabi ni kuya Blaine. “Okay, papasok ako.” sabi ko at tumayo na, maliligo na ko.

“Yan, saka sayang din hindi mo makikita si Dark.”

O__________O

Napatingin ako kay kuya.

“Kuya!”

He chuckles. “Sige na Princess, totoo naman yung sinasabi ko eh okay lang yan masaya ang highschool life kapag may kasamang lovelife.”

>///////<

Namumula na naman ata ako.

Tumayo na si kuya palabas ng kuwarto ko.

“Ah nga pala Princess kakausapin ko uli ngayon si kuya Axel pinatulog kasi ako nun kahapon napakadaya talaga! at sabihan mo muna si Dark o si Skye na wag ka munang sunduin alam mo naman kung anong meron ngayon dito. “

Oo nga pala! Tiningnan ko yung oras. 6 am. Baka pumunta na yung mga yun dito hindi pwede dahil nandito si kuya Axel! >.<

Agad kong tinext si Skye at Dark.

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon