[TBP] ENTRY#62: Goodbye Everything

3.5K 76 34
                                    

LONDON, ENGLAND

Lucien’s POV

It’s been a week nang dumating ako dito, pero ang ginawa ko lang ay tulog, iyak. Ni hindi nga ako lumalabas. Paano ba kasi mag- move on? Ang hirap naman.

“Are you going to eat now, Lady Lucien?” tanong ng English kong taga-silbi.

Tipid akong ngumiti. “I’m not hungry.”

“But you never eat a proper meal since you came.”

“I’m fine.” Saad ko at lumabas ng bahay. Aalis na lang muna siguro ako, hindi pwedeng magkukulong na lang ako sa bahay. Kailangan ko ng distraction.

Naglalakad na ako sa sidewalk nang may biglang humablot ng braso ko.

O_____O

“D-Dark…” gulat na gulat ako nang makita ko siya. Nananaginip ba ako?

“Hello Hearty, miss me?” saad niya pero hindi siya ngumingiti. Mukha rin siyang hindi natutulog ng ilang araw. Pero ganun pa man, napakalakas pa rin ng tibok ng puso ko.

“Dark, a-anong ginagawa mo dito?” napakahigpit ng hawak niya sa kamay ko.

“Ano sa tingin mong ginagawa ko dito? Pagkatapos mong biglang umalis? Pinagmukha mo kong tanga Lucien! Tanga!” sinigawan niya ko sa mukha. Lalo akong kinabahan, The Black Prince is back.

“Dark ano kasi…” hindi niya pinatapos ang sasabihin ko, bigla niya kong hinila kung saan man kami pupunta yun ang hindi ko alam.

Dinala niya ako sa isang park na nakita niya, kaunti lang ang mga tao doon. Siguro dito kami mag-uusap. Marahas niyang binitawan ang kamay ko at pabagsak siyang naupo sa isang bench at biglang sinapo ang ulo.

“P-Paano mo nalaman kung nasaan ako dito sa London?” tanong ko sa kanya at naupo sa tabi niya pero sinikap kong wag madikit ni kaunti sa kanya.

Masama niya kong tiningnan. “Sinabi sa kin ng mga kuya mo.”

Shit. Bakit nila sinabi?

“Bakit ka umalis Lucien?” tanong niya sa kin, pero this time bumaba ang tono ng pananalita niya.

Napayuko ako. “H-Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sayo ang totoo.”

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon