[TBP] ENTRY#59: Remaining Days

2.5K 52 3
                                    



Lucien’s POV


Pasukan na uli, January na at ilang buwan pa ay gagraduate na ako sa highschool. Bago ako pumasok ng umagang iyon ay pumunta ako kay Kuya Axel. Kailangan kong sabihin sa kanya ang desisyon ko.

“Sigurado ka na ba diyan?” tanong niya nang malaman niya ang pinaplano kong gawin.


Tumango ako. “Naisip ko na mas maganda na yun, tutal hindi ko rin naman kayang sabihin sa kanya ang totoo.”


Tiningnan ako ng maigi ni Kuya Axel na para bang tinitimbang niya ang mga sinasabi ko.


“Pero hindi ka ba magsisisi? Si Kierran Grey paano siya?”


“Hindi ako ang kailangan niya Kuya, at masakit yun.” napayuko ako.


“Pero Lucien… pareho lang naman kayong masasaktan kapag ginawa mo ang sinasabi mo.” Nilapitan ako ni Kuya at hinawakan sa magkabilang balikat.


“Mas masasaktan ko siya kapag pinagpatuloy ko pa to.”


“Pero… Okay fine, kung yan ang gusto mo. Right after your graduation?”


Tumango uli ako. “Pero gusto ko muna siyang makasama Kuya, kahit ngayong huling tatlong buwan lang.”



Tumango si Kuya at niyakap ako, pagkalabas ko ng bahay ay naghihintay sa akin si Dark.


“Bakit ba ang tagal mo?” tanong niya nang makasakay ako sa kotse niya.


“Ah ano kasi---“


“Nagpaganda ka na naman? Kahit ano namang paganda mo ganyan pa rin ang mukha mo kaya wag na, di naman magbabago pagtingin ko sayo eh.” tapos ini-start na niya ang sasakyan.



-___- try niya kaya akong patapusin.



“Ah nga pala Hearty, anong plano after graduation? San ka magka-college?”


Napatingin ako kay Dark dahil sa tanong niya. Anong sasabihin ko?



“Hindi ko pa alam eh.” pagsisinungaling ko.


Tiningnan niya ako. “Magplano ka na kaya, college na oh! Gusto ko pareho tayo ng papasukang University.”


Ngumiti lang ako. Magagawa ko pa ba yun?



The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon