[TBP] ENTRY #19: Friendship

3.2K 62 3
                                    

Kione’s POV

Hay! Nakakapagod naman ang araw na to! Dami ko kasing ginawa. >____< at dahil malapit na ang Sports Fest, busy na naman ang Photography Club. Eh lagi naman busy ang club namin sa kahit anong event na nagaganap dito sa school! Pero kapag naiisip ko yung Sabado… nawawala ang pagod ko, eeeeh!! Malanding lalaki ka Kione! Punta na pala kong parking, uuwi na ko eh. Kaya lang may naalala ako… wala nga pala kong dalang kotse! Waaaah! Nag-commute nga lang pala ako kanina. Ulyanin eh?

“Hay! Ang bobo ko talaga!” sinabunutan ko pa yung sarili ko, paalis na sana ako sa parking kaso may nakita ako sa di kalayuan… di magandang view >_____< alam niyo kung ano? Si Dark lang naman yun! Nakasandal dun sa kotse niya na parang may inaantay. Psh… mukang tanga! Makaalis na nga.

“Kione…”

Rinig kong tawag niya, kami lang naman tao ngayon dito sa parking kaya malamang kilala niyo na kung sino tinutukoy ko diba? Di po ako galit nagpapaliwanag lang!

Hinarap ko siya. “Oh bakit?”

“Can we talk?” he said cooly, sa itsura niyang yan sigurado di pa rin yan magsosorry!

“Ge. Ano ba pag-uusapan natin? Bilisan mo nagmamadali ako eh.” Para akong babae Dark, pakipot >.<

Lumapit siya sakin. “Look, I didn’t mean to punch you na-nadala lang ako.” Paliwanag niya.

“and your point is?” wow magsosorry na ba to si Dark? 1% ang chance naten mamen!

“I’m not going to tell you I’m sorry kasi alam mong may kasalanan ka din Kione, it’s just that I’m not used to this… kayo na lang mga kaibigan ko tapos ganito pa.”

Wow si Dark ba tong kaharap ko? Parang hindi eh! Kahit maangas pa yung pagkakasabi niya at hindi daw siya nagsosorry eh nag-aapologize pa rin yang ginagawa niya diba?

“Dude anong nakain mo at sinasabi mo yan ngayon?” tanong ko, iba kasi siya ngayon promise.

“Wala…” sagot niya.

“Anong wala?”

“Wala pa kong kinakain mula kaninang lunch.”

“Ah, ganyan pala epekto sayo pag hindi kumakain no? nakakapag-apologize ka Wag ka na nga laging kumain.” Patayin daw ba Kione? XD

“Hindi ako nag-aapologize.” Sus! Deny pa si Dark! di pa rin naman talaga ko natiis! Haha bestfriend eh!

“Di ka nag-aapologize eh ano tong ginagawa mo ngayon?”

“I don’t know either…” sabi niya at nagkibit-balikat habang yung mga kamay niya nasa bulsa ng pantalon.

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon