[TBP] ENTRY#33: Dark vs. Skye (Part 2)

2.7K 54 1
                                    

“Lulu sa akin ka na sumabay maglunch.” -Skye

“Hindi masarap ang pagkain sa cafeteria sa labas na tayo kumain, baliw.” –Dark.

Lucien’s POV

Lunch break na pero di pa rin nagtitigil sa pagbabangayan tong si Dark at Skye. Pinayagan ko na nga rin manligaw si Skye eh, kasi naman ayoko naman sabihin niyang si Dark pinayagan ko tapos siya hindi. To kasing si Dark makapamilit eh. Nanalo nga ko sa bato-bato pick siya pa rin naman nagbenefit!

“Lulu, may bago ngayon sa cafeteria tara tikman natin!” -Skye

“Ibibili kita ng sandamakmak na marshmallow tara na kain na tayo!” –Dark.

Marshmallow? Wala kong panahon magpatempt. >.<

“Pwede ba kayong dalawa magsitigil nga kayo, ang sakit na nga ng ulo ko dinadagdagan niyo pa  eh!” hinilot-hilot ko uli yung sintido ko.

“Masakit ulo mo Lulu?” –Skye.

“Kasasabi niya nga lang na masakit diba, bingi?” –Dark.

“Hindi kita kinakausap!” –Skye.

(#________#)

Kelan pa sila titigil?

“Pwede bang wag na kayo mag-away? Sabay-sabay na lang tayo kumain okay?” tapos hinila ko silang dalawa. Wala akong pakialam kahit maraming nakatingin. Dito na kami sa cafeteria kumain, dito malapit eh. Bawal mag-inarte si Dark mauupakan ko na siya. >.< tatlo na nga rin kaming nakapili sa counter para walang away kung sino bibili ng pagkain ko.

“Lulu, natikman mo na ba tong sisig dito sa school? Masarap to tara eto na lang din sayo.” Excited na sabi ni Skye.

“Wag yan puro baboy, hindi yan masustansya eto na lang chicken curry.” Entra ni Dark.

>.<

Hanggang sa pagkain ba naman magtatalo sila?

“Ayoko ng sisig, ayoko rin ng chicken curry.” Sagot ko.

“Edi eto na lang Lulu adobong baboy!” –Skye

“Wag yan baboy pa rin eto na lang chicken pastel.” –Dark.

Eh baboy at manok pa rin gusto nila ipakain sa kin eh? >.<

“Ayoko ng baboy ayoko ng manok!” inis kong sabi.

“EH ANONG GUSTO MO?”

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon