[TBP] ENTRY#22: Too much Events in an Early Morning

3.1K 68 0
                                    


“Alam mo kung ano yung winish ko kagabi sa falling Star?” tanong ng batang babae sa batang lalaking kalaro niya.


“Ano yun?”


Ngumiti ang batang babae. “Sana ikaw yung maging bestfriend ko forever…”


“Bestfriend mo naman ako forever eh…” anang batang lalaki.


“Hindi, dapat ikasal tayo…”


“Hala? May magbestfriend bang ikinakasal?”


 “Oo, love mo naman ako diba?”


“Oo naman bestfriend kita eh!” sabi ng batang lalaki.


 

*riiiing~riiiing~riiiiing*

*riiiing~riiiing~riiiiing*

*riiiing~riiiing~riiiiing*

Lucien's POV

               Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Naputol din yung panaginip kong weird. >.< para maging bestfriend forever kailangan ikakasal? Ang weird naman ng batang babaeng yun, pero kamukha ko yung batang babae nung bata pa ako. Kaya malamang ako yun nung bata ako… weird ako?  >.< pero wala naman akong naaalalang sinabi ko yun nung bata ako? Malamang Lucien panaginip nga diba! Hay ewan, di naman totoo yun. Tsaka wala din naman akong kaibigang lalaki nung bata ako. Kasi naka home schooling ako sa London. Wala ako gaanong social life. Si kuya Blaine lang din ang halos kausap ko, tsaka yung mukha ng batang lalaki sa panaginip ko ay malabo… eh kasi nga imagination lang Lucien! Makabangon na nga. Baka malate pa ko eh.

Matapos kong maligo, nag-ayos na din ako ng sarili ko… konting pulbo, pabango, suklay ng mahaba kong buhok at ilagay ang aking white rib--- O_________O teka asan yung white ribbon ko?

“Waaaaaahhhh!!! Hala asan na yun?” nataranta ako, di ako sanay na di suot yun eh!! Hinanap ko sa may bedside table ko baka nalapag ko doon eh, sa mga drawers, sa ilalim ng pillow, pati sa ilalim ng comforter! Pati sa banyo, sa sink, kung pwede pati sa inidoro! Ang kaso lang…. WALA!!!

“Hala asan na yun, suot ko pa yun kahapon eh…” :(((((((

Hinanap ko ng hinanap, ang kaso wala talaga eh…

“Lady Lucien, malelate na po kayo!” katok ni Tarina sa kwarto ko.

Agad kong binuksan yung pinto.

“Tarina nakita mo ba yung white ribbon ko? Yung lagi kong suot?” sana nakita niya!! T________T

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon