[TBP] ENTRY#20: Two is better than One

3.1K 68 2
                                    

Lucien’s POV

Nandito pa rin kami sa condo ni Dark, ewan ko nadamay lang ako dito eh. Hinila kasi ako nila Skye na sumama. Buti na lang din may kasama akong isa pang babae para di naman masyadong awkward na puro lalaki lang kasama ko nu at natutuwa ako dahil mabait si Snowfall, hindi katulad ng ibang babae sa school at alam ko magiging kaibigan ko na rin siya ^____^ ngayon ko nga lang din pala siya nakita kasi ngayon lang naman siya sinama ni Yukito. XD at isa pa nga pala, tumakas na naman ako sa mga bodyguards ko.

“Lucien, buti naging close mo agad tong mga prinsipe na to no?” sabi sakin ni Snowfall… ahm gf daw ni Yukito? Sabi nila Skye eh! XD

Ngumiti ako sa kanya. “Di naman kasi sila mahirap kaibiganin…”

Ngumiti lang din siya sakin. Ang ganda niya din. Brown ang buhok tapos sobrang puti parang si Duncan, bagay lang sa kanya ang Snowfall.

“Noona kuha ka pa nga ng chips sa ref!” utos ni Kione.

“Hoy bakit mo inuutusan si Lulu?ikaw kumuha dun!”-Skye.

“Eeeeeeh!!!” Kione, parang bata.

Natawa ako. “Okay lang Skye, wait lang Prince Kione... your chips coming right up!” then I head towards the kitchen.

“Thanks noona!!”

“Sama ako sayo Lucien, kukuha rin ako ng tubig.” Ani Snowfall at sumunod sakin.

Nang mapagsolo kami sa kusina tinanong ko si Snowfall.

“Girlfriend ka ni Yukito?”tanong ko habang nilalagay yung chips sa big bowl.

Tiningnan niya ko nang nangungunot noo. “Who’s Yukito?”

Ay di niya ba alam na si Daren ay tinatawag kong Yukito? Haha churi naman!

“Ah, si Daren! Haha tawag ko yun sa kanya kamukha niya kasi si Yukito!” paliwanag ko.

Ngumiti siya. “Akala ko naman kung sino, haha. Well yung sagot sa tanong mo is hindi na…”

“Hindi na? you mean naging---“

“Yup, naging kami.” Pagtatapos niya sa sinasabi ko.

“Oh… bakit kayo nagbreak?” curious ako!

“Haha, long story Lucien… I’ll tell you one day…”

Ay bakit hindi pa ngayon? T______T

Ngumiti na lang din ako. “It’s good to see na magkaibigan pa rin kayo after…”

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon