[TBP] ENTRY#11: Morning Shenanigans

3.8K 76 2
                                    

Lucien’s POV

Monday na naman! May pasok na naman! Kung ang iba ay kinatatamaran ang pagdating ng araw na to, ako excited! Kasi makikita ko na naman si Kadiliman!! Hohoho. Ewan ko ba pero natutuwa ako sa kanya kahit na lagi niya kong tinutulak,at sinisigawan. In short, lagi siyang galit sakin, pero kahit na ganun gusto ko pa din siyang kulitin dahil may major goal ako… ang makita siyang ngumiti. ^_________^ ano kayang magiging itsura niya kapag ngumiti siya. Siguradong mas guguwapo yun, guwapo na kasi siya kahit lagi siyang nababalutan ng madilim na aura.

“Lady Lucien, nandito na po tayo sa school niyo…” sabi nung driver/ bodyguard ko.

“Salamat po!” bumaba na ako at mabuti naman dahil hindi na ako ini-escort pa ng mga bodyguards ko papasok ng school. Wala naman kasi akong gagawing kalokohan. Di tulad sa London, lagi ko silang tinatakasan.

Naglalakad na ko sa school ground nang makita ko si Kione na parang baliw na naglalakad, ang lapad kasi ng ngiti tapos nakatulala. Parang nadaanan ng anghel? dami tuloy natingin sa kanya, especially mga babae. GUWAPO EH! XD malapitan nga at malaman kung anong nagpapasaya sa kanya. Chika minute!! ^_____^

“Hoy Kione!”

“Ay Star!”

Kumunot ang noo ko. “Anong Star ang sinasabi mo diyan?”

“Ah? Ah! Ahehehe! Wala wala noona, ikaw pala yan di ka nagsasabi… hahahaha! Kagabi madaming star oo tama kagabi! Hahaha!”

Weird kumilos ni Kione ngayon ah, parang may something? Wahehehe.

“Hoy umamin ka, lovelife yang ikinangingiti mo no!!” pang-aasar ko sa kanya.

Ngumiti siya ng pagkalawak lawak, at pagkatapos……

“Waaaaaah!!!! Noona sana Sabado na waaaaaah!!!!” sigaw niya tapos, tapos, BIGLA BA NAMAN AKONG NIYAKAP!!! Ow my pipolets!  (!!___________!!)

“Hu-Hoy Kione! Bitawan mo nga ako. Super saya mo ah!”

Bumitaw naman siya agad.

“Haha! Sorry noona, na-excite lang ako sana kasi talaga Sabado na uwaaa----“

“Oooops… tama na wag mo na kong yayakapin, chansing ka na eh!”

Napakamot siya sa batok. “Sorry uli noona, Masaya lang kasi ako!”

“Ano ba kasing meron sa Sabado? Haha, alam ko na! kasi weekend no, kahaggard kasi ang weekdays dahil sa school?”

“Hmm… nope! More than that noona...” ^________<

Ay may pag-wink. Haha!

“Eh may date!!!!” kaya excited to. Aba lumalablayp si Kione Crevan!

“Oo---“

“Excuse me nga! Nakaharang kayo eh!”

Singhal nung lalakeng dumaan…. Sa gitna pa talaga namin. Hulaan niyo kung sino….

Edi si….

.

.

.

.

.

.

.

.

.

 Skye! XD

Kala niyo siya no… haha asa namang may pake yun.

“Skyeeeeee!!!” tawag ko tapos hinabol ko siyang maglakad papuntang classroom. Sumunod naman sakin si Kione. “Uy Skye!” tawag ko uli, kinulbit ko pa siya nung maabutan ko at aba naman! Di ako pinapansin! Nunyare?

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon