[TBP] ENTRY#30: Flamerose

2.6K 54 0
                                    

Duncan's POV

“Hi Flame!” agad kong bati kay Flamerose nang makalapit ako sa kinaroroonan niya. Tumingin lang siya sa kin at wala akong pasabi na umupo sa tabi niya. “How nice to see you..” sabi ko with matching nakakatunaw na smile.

“How bad to see you.” Ganting bati ni Flame sabay balik ang mata sa librong binabasa niya.

“Ouch Flame, ang ganda ng bati ko sayo ganyan ang ganti mo.”

“Sinabi ko bang batiin mo ko?” sabi niyang hindi man lang uli ako pinagkaabalahang tingnan.

Taray talaga.

“Alam mo Flame, nagagalak akong makita ka.” di ako sumusukong babalingan niya din ako ng pansin. Hehe

“Alam mo Duncan, naiinis akong makita ka.”

Ouch. >.<

“Aray talaga Flame ah, nasasaktan na ang kaguwapuhan ko sayo.”

“Edi umilag ka, nakakahiya naman baka pumangit ka ako pa sisihin mo.”

BOOOM! Ibang klase talaga tong babaeng to. Kada bitaw ko ng linya may pambara siya.

I smile. “Flame, humarap ka naman sakin ako yung kausap mo eh, baka pagkamalan kang baliw dahil sa libro ka nakatingin habang nagsasalita.”

“Mas gugustuhin ko pang mapagkamalang baliw dahil sa libro ako nakatingin habang nagsasalita kaysa makita akong kausap ka.”

“Aray ah. Kanina pa talaga tamang tama ego ko sayo bakit ba ang sungit mo sakin?” kapag nakikita ko naman siya na may kasamang iba parang ang bait bait niya. Bakit pag sakin iba? Daya. >.<

“Alam mo tama lang maging masungit sa mga mayayabang na katulad mo. Dun ka na nga sa Prinsesa mo, tapos ka na bang lumuhod sa tapat ng Principal’s office kasama yung mga baliw mong kaibigan para dun sa PRINSESA mo?”

Mataman akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Pagkatapos… :D “I smell jealousy Flame, am I right? Selos ka kay Lucien no? kung gusto mo luluhod din ako ngayon sa harap mo para quits kayo ni Lucien.”

She gape at me with horror. “Selos? Ayos ka lang? kapal talaga ng mukha mo no! alam kong halos lahat ng babae sa campus nagkakandarapa sa inyong mga Prinsipe at selos na selos kay Lucien dahil napakalapit at napakahalaga niya sa inyo pero wag mo kong idadamay. I’m just a plain student na nag-aaral dito at ayaw na madamay sa mga kaguluhan niyo kaya pwede ba lubay-lubayan mo ko? baka mamaya ako naman yung kainisan ng mga babae niyo eh.”

“Ang kaunti lang ng sinabi ko andami mo namang sagot.” Tapos lalo pang lumawak yung pagkakangiti ko.

“Umalis ka na nga dito nakakaabala ka lang sa pagbabasa ko eh.” whoa… change of subject. Tapos pinagpatuloy  niya na rin yung pagbabasa niya.

“Ayoko, dito na lang ako wala naman akong magawa eh. Sasamahan na lang kita para may bodyguard ka. Swerte mo guwapo ng tagabantay mo.” Tapos lalo pa kong lumapit sa kanya.

“Umalis ka na dito! Major distraction ka alam mo ba yon?” nag-aapoy na ang mga mata ni Flame gaya ng pangalan niya pero wala akong balak na mag back out.

“Hindi ako major distraction, joke time ka. Di naman ako manggulo eh gusto ko lang talaga dito kasama ka.”

“Ayoko nga. Di ako makapag-aral oh tingnan mo, may test ako mamaya. Kahit hindi ako section A may balak pa rin naman ako makakuha ng mataas na grade no.”

“Malay mo mas tumaas pa score mo mamaya sa test dahil nandito ako. Inspirasyon mo..”

“Baka ang ibig mong sabihin bumagsak ako sa test.”

“Hey hindi ah! Ikaw Flame lagi mo binabaliktad lahat ng sinasabi ko.”

“Am I? hindi ah! Akala mo lang yun. Alis na pala ko ayaw mo naman kasi umalis, so… ako na lang aalis. Bye!”

“Wait te- Flame!” kaso wala na. >.< bilis tumakbo ano ba yan. Kailan kaya ko di iiwasan ng babaeng yun. >.<

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon